SIMULA
PLEASE BE ADVISED
Warning: There are scenes of violence. Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.
READ AT YOUR OWN RISK
you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental
--
“Opo auntie, hindi po,” sagot ko kay tita through the call. Anong oras na at tumawag pa si auntie para siguraduhing nasa apartment lang ako at wala sa labas. Pero ang totoo, kakalabas ko lang ng bar na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko. Naghihintay nalang ako ngayon ng taxi para makabalik ng apartment.
“Siguraduhin mo lang ah, ano ‘yang ingay na naririnig ko?” Magkaiba kami ng oras ni auntie, parang nauuna yata siya ng dalawang oras? I’m not sure, basta nasa Australia siya ngayon, working for me. Pumunta lang siya ng ibang bansa para lang makapagtapos ako.
My parents died when I was just 8 years old. Car accident. Walang tumatanggap sa akin noon, kahit lolo at lola ko from my mother side. Hindi kasi nila tanggap si papa at ako na apo nila nadamay. Patay na rin naman ang mga magulang ni papa at nag-iisang anak lang siya. Mabuti nalang sa dalawang kapatid ni mama, yung isa naawa sa akin.
“Wala po, tita, inaantok pa po ako,” sabi ko. It’s already 4 am. Tumawag talaga si auntie to check on me, kakarating ko lang kasi kanina sa napili naming apartment for me to stay habang nag-aaral,
“Okay sige, sige.” Alam kasi ni auntie, kung gaano ako kapasaway. Alam niyo kung gaano ako kalakas gumala. Mabuti nalang mamaya, 11 am pa ang pasok ko, tsaka busy rin ang University in preparation for the intramurals.
Nakasakay na rin ako after 30 minutes. Nakarating naman agad ako sa tapat ng apartment building. Agad ko namang kinuha ang susi ko sa mini bag ko tapos bigla namang tumawag ang isa sa mga kaibigan ko.
“Oh?”
“Nakauwi ka na ba? Nakauwi na ako.”
“Oo, kakarating lang,” sagot ko.
Mas lalo yata akong nahilo sa taxi, gusto ko ng matulog. Umakyat pa ako ng hagdan, dahil nasa 2nd floor ang room ko. Nang nasa tapat na ako ay napahawak ako sa door knob, natulala ako sandali dahil hindi siya lock.
“Bakit bukas ‘to?’ tanong ko at nakalimutan kong nasa linya pa pala si Gaile.
“Anong bukas na? Are you okay?”
“Oo,” sagot ko at pumasok na. Baka nakalimutan ko lang i-lock kanina nong lumabas ako kanina. Natamad na akong buksan ang ilaw kaya agad nalang akong naghubad. Wala namang ibang tao, ako lang.
I’m more comfortable sleeping with just my undies.
Natigilan lang ako nang biglang bumukas ang ilaw. Parang naging yelo ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako kinabahan na biglang bumukas ang ilaw, kung hindi dahil sa hindi ito ang kwarto ko! Nasaan ako? Is this even the right apartment building? Agad kong yinakap ang sarili ko.
Dahan-dahan akong humarap at natigilan ako sandali.
This is embarrassing…and…and she’s gorgeous.