02

843 21 6
                                    

02: Touched

Saydie is on section B, nasa section C naman ako. Parehas pa kaming architect student. Bakit biglang sa kanya umikot ang mundo ko? Baka naman hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ko o di kaya, kinakabahan ako na baka ikinalat na niya sa iba ang nakita niya.

"Girl ready ka na?" Napalingon ako kay Daphne we're here at the gym to practice our song para sa awit sayaw.  We were chosen to represent our Department, sa singing.

And we're duets.

"Kanina ka pa tulala at kanina pa tayo dito," sabi niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Sorry may iniisip lang," sagot ko.

"Sige na, sige na bago pa dumating si Miss Mia," sabi niya. Siya ang pinaka-close ko sa lahat, siya lang match sa mindset ko eh at parehas pa kami kumakanta.

I used to join competitions before, nong bata pa ako, nawalan lang ng interest nong senior high school na ako.

Ngayon, dahil pinilit ako ni Daphne and for extra points na rin.

"Grabe, marami ng views oh," sabi ni Daphne nang matapos kami at umupo sa bench. Wala pa si Ms. Mia at baka kitain niya nalang kami bukas.

"Ang alin?" Tanong ko at sinilip ko ang tinitignan niya sa phone. It's Saydie and her audition.

"You took a video?" Tanong ko.

"Hindi ako, iba, shared post lang 'to," sagot niya at nakatuon lang ang pansin niya sa video. Sino ba naman ang hindi mapapahanga? Her move was so smooth, hanggang ngayon nga, hindi ko pa nakakalimutan paano siya sumayaw.

"She also looks like a model."

Ngayon she's stalking her account. Ako nga napuyat lang ako kaka-scroll sa account niya.



After our Architectural design class ay agad akong nagyaya kay Daphne na lumabas na kami kaso mag-aaral pa raw siya sa library. Ako naman may gala pa with my friends.

"Izzy!"

Pagkalabas ko ay gusto ko na agad bumalik sa loob ng University kaso ayaw kong gumawa siya ng gulo sa loob. Hindi ko lang siya pinansin at lumakad.

Binilisan ko lang ang lakad ko para di niya ako mahabol.

"Izzy!" Pero naabutan pa rin niya ako.

"Anong problema mo Ezekiel?" Inis kong tanong sa kanya at hinablot ang braso ko.

"I just want to talk to you, sorry sa nagawa ko, please come back to me alam mo namang ayaw kitang mawala."

Pagod na ako sa palagi niyang sinasabi. Palaging inuulit. Pinakayaw ko sa lahat ay sinasaktan ako. Pinatawad ko siya ng ilang beses, ayoko ng maging bobo pa sa katulad niya.

"Please let's talk," sabi niya at hinawakan ulit ako sa braso. Maraming estudyanteng dumadaan, wala talaga siyang pinipili.

"Ayoko na nga Ezekiel," sagot ko.

"Please baby, please."

"Ayoko na nga! Bitawan mo ako!" Sumigaw na ako para naman maramdaman niya ang galit ko.

"Tang ina ano ba!" Sigaw niya bigla at nabitawan niya ako dahil sa may biglang pumagitna sa amin at sinadyang banggain si Ezekiel. Napaangat ako ng tingin kung sino, it's Saydie.

"Sorry hindi kasi kita nakita," sagot niya sa sigaw ni Ezekiel.

Matangkad si Saydie at kasing tangkad ko lang si Ezekiel kaya pati siya kailangan niyang iangat ang tingin niya.

"Tara?"

Tumingin ako kay Ezekiel at agad na sumama sa kanya.

Hindi na sumunod si Ezekiel sa amin.

"Salamat," sabi ko. Tumigil ako sa paglalakad at tumigil rin siya sa harapan ko. Ilang lakad nalang ay sakayan na.

"Uuwi ka na ba?"

I'm expecting her to ask me about Ezekiel. Sigurado akong nakita niya 'yon. Pero bakit niya ako tinulungan?

"Oo," sagot ko bigla. Dahil umaasa akong uuwi na rin siya at sabay na kami. Ayoko ng biglang pumunta sa mga kaibigan ko.

"Same, sabay nalang tayo," sabi niya at tumango ako bilang sagot.

Sumakay kami ng bus. Depende kasi sa oras, minsan jeep nalang at wala ng bus. Di kaya bus nalang at walang jeep na dumadaan.

Wala ng bakanteng upuan at standing na ang lahat. Okay lang naman sa akin. Matagal kasi yung ibang bus dumaan. Tsaka ayokong maginarte sa harapan niya.

Hindi naman siksikan.

"Ah ako na," sabi ko nang lumingon ako sa kanya at nakita siyang kumuha ng wallet sa bag.

"Wag, I can pay mine," sagot niya.

"Ako na muna, nandito na oh," sabi ko at saktong pamasahe ang kinuha ko. "Ikaw naman sa susunod." Nakangiti kong sabi.

Mabuti nalang nasa likuran ko siya. Nawawalan kasi ako ng balanse dahil hindi ako sanay na nakatayo.

"Sorry, I should've asked you first, kung okay lang sayo na nakatayo tayo," she said as she leaned on me.

"Okay lang," sagot ko. Hinayaan naman niya akong sumandal sa kanya, ayoko sana kaso mas komportable akong mas malapit sa kanya.

Nakayakap naman siya agad sa may bewang ko. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa tiyan ko. Kung hindi mawawalan talaga ako ng balanse, yung driver kasi parang liliparin kami papuntang mars.

Huminto saglit ang bus at nagpapasok pa ng ibang tao, humarap ako sa kanya para humakbang paatras. Inangat ko ang tingin ko at nakatingin lang siya sa akin.

"Wala ng space!"

"Siksikan na kami!"

"Lima pa! Atras! Atras!"

Hindi ko na halos marinig ang mga sigawan at sinasabi ng ibang nandito sa loob dahil nakatitig lang ako sa kanya.

"Ay sorry iha," sabi ni lola nang bigla siyang tumayo at dahil siksikan ay napaatras ako at napayakap kay Saydie.

"Sorry," sabi ko. Shems.

I accidentally touched her chest.


Timeline:

Kirsten -- nauuna siya sa lahat. 3rd year na siya tapos si Mella first year. Sa kwento nila wala pa sila Saydie.

Graduating student na si Kirsten nong pumasok sila Saydie at Izzy.

Sa kwento ni Luna, 3rd year na sila Saydie

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon