Chapter 1

14.5K 177 1
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Any plans for tonight, mga babe?" Tanong ni Val sa amin na tatlo. Walang ganang nag kibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko ng strawberry cup cake for my dessert.

Lunch break palang at Friday ngayon kaya nagtatanong si Val dahil gawain na namin na lumabas every Friday after school since maaga naman ang out namin.

"Let's drink later, nakakastress and week na ito." Sagot ni Zel kay Val. Silang dalawa ang magkatabi at katapat namin sila ni Juls, we're still eating our dessert at nagpapalipas lang rin ng oras dito sa cafeteria.

"Parang gusto ko rin mag inom mamaya." Pag sang ayon naman nitong katabi ko matapos uminom ng tubig.

"Okay then, paalam nalang ako kela Mom mamaya." Sagot ko nalang rin. Samin apat kasi ay kailangan ng approval ng lahat bago gawin ang isang bagay. It makes our friendship strong, we supports each other.

"Yehey! Doon tayo sa Sky ah. Same time." Excited naman na sambit ni Val. Tumango lang kami sa kanya dahil kumakain pa kami, sya lang naman itong madaldal na nagsasalita parin kahit may laman ang bibig.

Ang Sky na sinabi nya ay yung Bar na lagi namin pinupuntahan, sikat ang Bar na yun at laging puno ng mga party goer people. Ang ganda naman kasi ng ambiance at malaki pa, meron second floor at mga VIP rooms. At mga sikat na banda rin ang kumakanta kaya talagang dinarayo.

"Tara na, malapit na mag ala una ng hapon." Anunsyo ni Zel pagkagapos mag check ng oras sa relo nya.

Sabay sabay naman kaming tumayo not minding everyone who keeps on looking at us as if we are celebrities. Sanay na kami sa ganitong seremonya dito sa school.

Pare parehong kasing kilala ang mga parents namin sa business industry pero kahit ganun, we stayed humble in any ways.

.....

"My, Dy. pupunta kami sa Sky." Paalam ko kay Mommy at Daddy

Nandito kami sa dining at kumakain ng Dinner, nakaupo si Dad sa kabisera at si Mommy naman ang nasa kaliwang bahagi nya after her my oldest brother, si Kuya Xevie. Sa kanang bahagi naman si Dad ay si Ate Xerrie then kuya Xeverio at ako naman sunod.

"Sus mag-iinom na naman kayo noh?" Si kuya Xevie at ngumisi ito.

"Kuya, parang di ka nag iinom araw araw." Sabat naman ni ate Xerrie sa malambing na boses. Kahit galit nga sya ay ang lambing parin ng boses nya.

"Pinagkakaisahan nyo na naman ang bunso natin." Hinawakan ni Kuya Xeverio ang kamay kong nakapatong sa mesa, katulad nya tapos na rin akong kumain.

"Wala naman problema samin ng Mommy nyo ang pag inom inom at paglabas with your friends basta know your limits." Nakangiting sabi ni Dad samin na apat.

Hindi sila mahigpit samin na maglakapatid, at malaya kaming gawin ang gusto namin but they always remind us to keep in mind our limitations. so far, wala pa naman napapagalitan samin apat na ang dahilan ay ang pagsaway sa kanila.

Sa Pamilya namin, para lang kaming magbabarkada, kahit sila Mom and Dad ay nakakainuman namin kapag inaaya namin sila at kaming magkakapatid ay magkakaclose talaga. But still, we know the limitations in every things, kahit magbabarkada ang turingan namin pero ang pagmamahal namin sa isa't isa ay higit pa, Hindi namin kinalilimutan that respect is still important in between.

Pinalaki kaming magkakapatid na malaya sa kung ano ang gusto namin, Hindi mahigpit samin sila Daddy and that's makes them the best Mom and Dad in the world.

"Don't forget your curfew, baby Xav." Si Mommy naman ang bumaling sakin, natawa naman sila ate.

"My, sa condo nalang po ako matutulog, please? I'm always with my girls naman po." Ngumiti ako sa kanya ng matamis at nag beautiful eyes na parang bata kaya natawa sila.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now