Chapter 5

5.1K 156 6
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Good Afternoon, Sir. Sorry for being late." Bungad ko kay Sir Pajarillo ng mapatigil ito sa pagsasalita ng pumasok ako sa loob ng room namin.

"It's okay Miss Velacruz. Miss Lavarro already explain why you are late." Ngumiti ito sakin. "You may now sit."

"Thank you Sir."

Agad akong umupo sa tabi ni Juls at pabulong na nagpasalamat sa kanila.

"As what I'm talking about... "

Napahawak ako sa relong suot ko na galing kay Miss Paris. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakipagpalit ako sa kanya ng relo, hindi naman na ako nagreklamo kanina dahil based sa sinabi nya ako ang nangungulit. Kahit na ayaw kong may ibang humahawak ng sa mga gamit ko hinayaan ko nalang muna. Ang problema ko lang ngayon kung paano ko maaalala ang nangyari samin.

Ayaw ko man isipin pero parang hindi ko nakilala ang sarili ko kapag nasa paligid sya. Una, kumain kami ng lunch together which is not so me, hindi ako madaling pasunurin kung hindi ko pamilya ang nag uutos sakin. Pangalawa, wala akong naramdaman na panghihinayang nang sinabi nyang nakipagpalit ako ng relo sa kanya, halos wala rin naman kasing pagkakaiba. Pangatlo, I felt safe when she's around, ilan beses ko na bang sinabi na napakakalmado ng paligid kapag nakikita ko sya?

Natapos ang klase namin na parang wala ako sa sarili.

"Xaveri, ayos ka lang?" Inakbayan ako ni Zel kahit na mas matangkad ako sa kanya. Naglalakad na kami papuntang parking lot.

"Oo naman." Tipid na sabi ko at pabirong siniko sya kaya inalis nya ang pagkakaakbay sakin at umaktong nasasaktan.

"Ano nga palang pinag usapan nyo ni Prof. Imperial?" Taning ni Val pero nakafocus sya sa pag type sa cellphone nya.

Sasabihin ko ba sa kanila? Sasabihin ko ba sa kanila na si Miss Paris ang naka one night stand ko, at sya ang nakakuha ng pinagkakaingatan kong virginity? Sasabihin ko ba sa kanila na sya yung babaeng iniwan ko matapos namin mag ano? Sasabihin ko ba sa kanila na si Miss Paris ang hinarot ko at inaya paalis sa Bar?

Sasabihin ko ba sa kanila na si Paris Maive Imperial ang nakasama ko ng isang gabi?

"Hoy, Xav!" Naramdaman ko ang tapik ni Zel sakin

"Ha?"

"Ano kako ang pinag usapan nyo ni Miss Beautiful kanina?" Ulit ni Val at tinitigan ako.

"Miss beautiful?" Kumunot ang noo ko.

"Si Miss Imperial."

"Ah? Yun ba? T-tinanong nya lang ako about s-school stuff and kung bakit daw ako natulala kanina at kung may s-sakit daw ako." Nauutal ako dahil hindi naman ako sanay mag sinungaling sa kanya. Natahimik sila at nakatingin lang sakin.

Nakarating na kami sa parking lot kaya huminto na muna kami.

"Saan ka kumain?" Tanong ni Juls na nakapamulsa at nakasandal sa hood ng kotse nya.

"Sa plato malamang." Umirap ako kahit lunch box naman ang kinainan ko kanina at hindi plato.

Tumawa ang dalawa dahil sa sinagot ko.

"Funny, Xaveri. Funny." Masungit na sambit ni Juls kaya napangiwi ako. "Mauuna na ako." Deretso ang pasok nya sa kotse nya at di na hinintay ang sagot namin.

"Xav." Tawag ni Zel sakin dahil tumalikod na rin ako sa kanila.

"Oh?" Kunot noong sagot ko.

"Wala kang suot na relo kanina pag pasok mo." Napasulyap ako sa relong suot ko at bumalik ang tingin sa kanila, pareho silang nakatingin sa relong suot ko.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now