Chapter 21

3.8K 102 1
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Goodmorning, Xav!"

Kunot ang kilay akong naglakad papalapit kay Valerie ng batiin ako neto.

"Morning." Nahihinang sambit ko dahil medyo antok pa ako.

Bukod sa kulang sa tulog, ay hindi ko na naman naabutan si Paris sa higaan.

Kami ang magkasama sa kwarto. At yung tatlo kong kaibigan, they decided to stay in one room kahit na meron pang available na kwarto. Sanay naman na kasi silang magkakasama sa isang kwarto, kung hindi ko kasama si Paris siguradong magkakasama kaming apat sa isang kwarto. At yung tatlong kaibigan naman ni Paris ay tig-iisa.

"Ang aga aga, mukhang manununtok na naman yan itsura mo."

I rolled my eyes on her as I sat beside her. Sya lang mag isa dito sa living room, pero may naririnig akong kalansing sa kusina kaya siguradong nandon ang iba.

Ala sais palang ng umaga kaya alam kong pare-parehong kulang kami sa tulog, malalim na rin kasi ang gabi ng makarating kami dito. Hindi ko talaga alam ang trip ni Ate Kaliwa, pwede naman kaming mag eroplano para madali pero gusto daw nya ng mahabang byahe.

"Thank you, Xav."

Napalingon ako sa katabi ng bumulong ito na sapat lang para marinig ko. Nakangiti ito sakin, tumango ako sa kanya na ikinayakap nya sakin. I maybe vocal about my thoughts but I'm not that vocal when it comes my feelings. I love my friends silently.

"Nasaan ang iba?" Hinagod ko ang likod ni nya, sumandal ako sa back rest habang si Val ay nakasandal sa dibdib.

"Si Ate Maive, Ate Kaliwa at Zel nasa kitchen sila nagluluto ng breakfast, siguro patapos na yun. Si Ate Kenny naman tas yung tarantadong Asul na yun nagjojogging daw sabi ni Ate Kaliwa kanina." Sagot nya. "Actually, kakagising lang rin naman namin nauna lang kami sayo ng trenta minutos." Kwento pa nya.

"Nasaan si Juls?" Tanong ko dahil hindi nya nabanggit.

Bumuntong hininga si Val. "Ayon ang gaga, tulog pa. Inatake na naman ng anxiety nya."

Hindi nalang ako nagsalita sa huling sinabi nya at pumikit nalang. There must be someone who can accompany her, bukod sa solong anak lang si Juls eh wala na rin syang tatay, silang dalawa nalang ni tita ang magkasama tapos lagi pang busy si tita sa business nila. That's one of the reason kung bakit laging kasama nya si Val at Zel, panay overnight nila. Kung hindi lang ako naging busy kay Paris this past few days siguradong kami ang magkakasama.

Speaking of, dalawang linggo palang pala pero ang dami ng nangyari sa buhay ko nung dumating si Paris.

Ang bilis ng pangyayari pero ang tagal ng process. Parang ang tagal ng bawat araw. Maraming nangyayari.

"Hya!"

Kunot moong nagmulat ako ng mata, umalis din si Val sa pag kakasandal sakin. Papalapit na si Paris ang nasilayan ng mata ko. Nakapantulog parin sya at may suot na puting apron, naka bun din ang buhok nyang mahaba.

"Goodmorning, baby." She smile at me and wink.

I rolled my eyes on her. Hindi nya ako ginising kanina. Gusto ko pa naman naaabutan sya kapag gumigising ako sa umaga.

"Morning, what's that?" Tanong ko sa hawak nya sa magkabiling kamay.

"These? What do you prefer? Cherry apple or Strawberry apple?" Nakangiting tanong nya at pinakita sakin ang dalawang prutas na hawak nya na halos wala naman pinagkaiba kundi ang shape. Maliit lang iyon at magkasing laki din.

"Can I just have you instead?" Parang wala lang na sabi ko.

"Gaga! Maka-alis na nga." Tumatawang sabi ni Val at pinalo pa ako sa braso bago umalis. Nakangisi rin itong nag thumbs up kay Paris na natawa lang rin.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now