Xaveri's P. O. V.
"Hoy, Asul! Patakas kana naman, tulongan mo ako dito!"
Napangiwi ako sa pagsigaw ni Valerie, bukod sa mala megaphone nitong boses ay wala pang kagalang galang nitong kausapin si Ate Blue.
"Can you stop shouting, young lady?" Naiinis na sambit ni ate Blue.
"Wag mo akong ingleshin, Gaga."
Mas lalo akong napangiwi kaya umalis ako sa pwesto nilang dalawa. Sila kasi ang naka-aasigned sa pag-iihaw.
Tinungo ko ang maliit na kubo kung nasaan ang iba. Ilang dipa lang ang layo nito sa dalawang nag-iihaw. Kukuha sana ako ng hotdog pero bunganga ng bunganga ang magaling kong kaibigan.
Sa gilid ng rest house ay meron katamtaman ang laki na kubo na tama lang sa isang buong pamilya. Tanaw na tanaw sa parteng ito ang bulkan Mayon.
First time ko rin makapunta dito kaya tuwing nakikita ko ang Mayon ay namamangha ako ng paulit ulit sa sobrang ganda nya.
"Hya, can you help me?"
Agad kong dinaluhan si Paris para tulungan, inaayos nya ang ibang handa sa lamesang gawa sa kawayan.
3 pm kami nagsimula mag asikaso at ala sinko na ng hapon ngayon. hindi na mainit kaya inililipat na namin ang mga pagkain dito sa labas, balak din daw nilang mag bonfire mamaya at syempre, hindi mawawala ang inuman.
"Here's the spaghetti and lumpia!" Nakangiting Hazel ang pumasok na dala ang spaghetti, kasunod nya si Ate Kaliwa na nakangiti rin habang ngumunguya pa; dala nya ang malapad na plato na puno ng lumpia na gawa nila, pansin ko rin ang awkward na ngiti sakin ni Ate Kaliwa.
Tingin lang ang ambag ko dahil wala talaga akong talent sa pagluluto. Pero tumutulong naman ako sa pag-aayos.
"Fried chicken, present!"
Sunod na dumating si Ate Kenny na may dalang malaking bowl na ang laman ay prinitong manok.
Kompleto na ang mga pagkain sa lamesa, natatakam na akong kumain ng lasagna na ginawa ni Ate Kaliwa. Pinasuyo nya ang ibang ingredients sa house keeper nila, at lahat ng kakailanganin sa pagluluto kaya hindi kami lumabas. Balak nga nilang mag extend ng another one day para daw makapasyal naman kami bukas.
Tinawag ni ate Kaliwa ang dalawang nag-iihaw dahil magpepray na daw. Pumasok na nakakunot ang noo ni Ate Blue at si Val naman ay nakangisi pa.
"Nasaan na si Juls?" Tanong ni Zel.
Si Juls nalang talaga ang wala dito.
"I'm here."
Hindi ko alam kung ngiti o ngiwi ang binigay sakin ni Juls ng magtama ang mukha namin pero napangisi ako. Dala nya ang chocolate cake na para kay Ate Kaliwa.
Sinindihan ng kaibigan ko ang kandila na nasa ibabaw ng cake at sabay sabay kaming kumanta ng 'Happy Birthday' song para kay Ate Kaliwa. She was smiling all the time. After nyang i-blow ang candle ay nag kanya kanya na rin kaming kuha ng pagkain.
"Maive, anong gift mo kay Kaliwa?" Naging interesado ang lahat dahil sa tanong na yun ni Ate Kenny.
Katatapos lang namin kumain at medyo nagdidilim na rin sa labas kaya nagpailaw na dito sa loob ng kubo.
"Me? I gave her the plate I made for her dream house in Laguna." Simpleng sagot ni Paris habang kumakain ng chocolate cake.
Wow! She must be lucky, lalo at na tumaas ang rating ni Paris after winning the award.
"What about you, Blue?" Ate Kenny ask again kaya napabaling ang attention namin kay Ate Blue.
"I gave her a tickets for two around Europe, all expenses is mine." Nagkibit balikat pa sya na parang wala lang yun binigay nya sa may kaarawan. "You?" Nakataas na kilay na tanong nya.

YOU ARE READING
Follow me, Professor
General FictionCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023