Xaveri's P. O. V.
"Oh, buti naisipan mo pang pumunta dito?" Bungad sa'kin ni Zel nang makarating ako sa garden nila kung saan sila nakatambay.
Nakasalubong ko pa sila tito at tita sa sala nila at nakipagkwentohan saglit bago magpaalam na pupuntahan ko ang tatlo.
"Buti naman dumating kana, akala ko papatayin mo na kami sa gutom." Umirap sa'kin si Val at padabog na tumayo at umalis sa garden area ng bahay nila Zel.
Mag aalas dyes na kasi ng gabi.
Natawa ako dahil inis na inis talaga ang itsura nya, minsan lang mainis si Val at kailangan talaga syang suyuin ng masinsinan.
"Suyo well." Tipid na sabi ni Juls na nakangisi sakin. Inirapan ko naman sya at umupo sa tabi nya.
Pabilog ang lamesa at may apat na bangko, nakakalat din ang mga papel nila at may dalawang laptop na nakauwi.
They must be busy doing their projects.
"Oh bakit wala kang dalang gamit?" Tanong sakin ni Zel ng maupo ito sa tabi ko.
"I'm done with the stuff." Sagot ko at sabay kamot sa kilay.
"Edi sana all nalang." Ngumisi lang ako kay Zel, ayan kasi tatamad tamad. Pare-pareho silang tatlo, kung kelan pasahan na saka lang mag aasikaso.
"Alisin na muna natin ang mga gamit at siguradong kukuha yun ng pagkain si Val, kanina pa yun gutom."
Kanya kanya kaming kilos dahil baka inis parin si Val pagbalik nya, siguradong hindi kami nun kakausapin, kahit kasalanan ko madadamay ang dalawa. Ganun yun kapag nagagalit, hindi magsasalita hanggang sa matunawan nalang sya.
At hindi nga nagkamali si Zel dahil may dalang pagkain si Val at may nakasunod pang tatlong maid nila Zel. Tahimik lang itong naglapag ng pagkain at hindi man lang kami sinulyapan hanggang sa maupo sya at umalis ang tatlong katulong.
Bahagya akong napakamot ng kilay. Napalingon naman ako kay Zel ng mapansin na nagpipigil ito ng tawa. Kingina talaga ng babaeng 'to.
"Let's eat first before anything else." It was Juls and started putting foods on her plate.
Ganun nalang din ang ginawa namin at nagsimula ng kumain.
"So, what's your reason for being late, Xav?" Tanong ni Zel nang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
Tahimik lang ang dalawa at parang naghihintay ng sagot ko.
"Inihatid ko si Paris sa condo nya since coding--"
Zel didn't let me finish my sentence because she fires a question.
"W-what? W-who?" Napainom ito ng tubig.
Nakatingin lang sakin si Juls and there, I got Val's attention. She's eyeing my soul.
"Si Miss Paris, inihatid ko sa condominium nya." Ulit ko at sumubo ng pagkain.
"Paris lang tawag mo sa kanya kanina, tama ba pagakakarinig ko?" Nagulat ako nang magsalita si Val. This is unusual kapag galit sya sa isa samin.
Tumango lang ako at sumubo ng isang buong meatball. Ansarap!
Napatingin ako sa kanila ng walang nagsalita.
"Tell us everything later after dinner."
Tumango nalang ako kay Val dahil balak ko rin talaga magkwento sa kanila at sabihin na lahat.
Tahimik nalang kaming kumain at ninamnam ang bango ng hangin dito sa garden nila Zel.
Nang matapos kami ay agad na nag aya si Zel doon sa kwarto nya at doon daw kami tumambay sa balcony nya, may inutusan rin syang magdala doon ng beer.
YOU ARE READING
Follow me, Professor
Genel KurguCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023