Xaveri's P. O. V.
"Oh my god!"
"Mom! Out!" Sigaw ko dahil sa sunod na narinig at mabilis kong hinarang ang katawan ko kay Paris dahil wala na syang kahit na anong suot sa top.
We are damned.
"Sorry!" Kasabay nun ang pagclick ng pintuan ng kwarto ko.
Nang kumalma ay sumiksik ako sa leeg ni Paris. Maya maya pa ay sabay kaming natawa sa nangyari.
"That's... " Natawa sya ulit kaya natawa rin ako. Umalis na ako sa pagkakadag-an sa kanya.
"Let me serve you my Queen." Pigil ko sa kanya na magsusuot na ng brassiere nya. Tumango sya sakin kaya ako na ang nagsuot ng bra nya, pagkatapos ay sinunod ko ang white t-shirt nya. Pinasadahan ko ng palad ang balikat nya para mag straight line at mawala ang gusot nito. Napangiti ako.
"Thank you, Hya." Nakatitig sya sakin at nakangiti, hindi ko napansin na nakatingin lang pala sya sakin the whole time, kapag kasi focus ako sa ginagawa ko wala akong pakialam sa paligid ko.
I kissed her forehead. "Always for my Fiance, it's my pleasure to serve you."
Inaya ko na sya na lumabas, dahil baka kung anong isipin pa nila kung bakit kami nagtatagal, lalo na pumasok nalang si Momny, hayst! Itong isa, parang wala lang naman sa kanya natawa lang kanina at walang sinabi.
Pagkapasok namin sa dinning area ay si Mommy agad ang nasulyapan ko, nakangisi ito. Si Dad naman ay nakangiti lang. At ang tatlo kong kapatid, nang-aasar ang mga ngiti.
"So, Let's eat first before anything else." Bigkas ni Daddy nang makaupo kami pareho ni Paris.
Sa tingin ko nga talaga ay si Paris ang inutusan nilang gumising sakin para kumain, medyo malamig na kasi ang pagkain na nakahanda. Siguro kanina pa sya dito bago sya umakyat doon sa kwarto ko. May nakita rin kasi akong mga paper bag doon sa center table doon sa living room namin at may ilan na mga tsokolate.
"How was Thailand, Maive?" Basag ni daddy sa katahimikan habang kumakain kami ng dessert. Talagang hindi sila nagsalita kanina kahit sila Kuya hindi nag open ng topic, maybe they knew that Paris won't be talking while eating her main dish.
"It was great Tito Xaimon, I already closed the deal with my clients." Masayang sagot ni Paris.
Business pala talaga ang pinunta nya sa ibang bansa, pero hindi ko alam na sa Thailand pala sya pumunta.
"Congratulations to your business trip and to your award, Maive. You are really one of a kind." Napatingin ako kay Kuya Xevie na nasa harap ko.
Award?
"Award?" Takang tanong ko na ikinatingin nila sakin na para bang isa akong bata na biglang nagsalita.
"You didn't know?" Takang tanong rin ni Kuya Xeverio sakin.
"I don't, that's why I'm asking." Kunot noong sabi ko dahil hindi ko naman alam ang sinasabi nila, what got my attention is the award they were talking about na parang ako lang ang di nakakaalam dahil proud na proud ang tingin nila sa katabi ko.
"Oh, you really don't know." Si Ate Xerrie.
"Anak, it's all over the news, local and international." Sambit ni Daddy na ikinakunot lalo ng noo ko.
"Dad, Xav never watch TV news or TV shows, she don't even have an any social media accounts so how would she know?" Natatawang komento ni Kuya Xevie na nakatingin sakin, napailing pa ito. "Why don't you ask your lady?" Dugtong pa nya.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Paris na hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa.
I looked at her only to see her awkward smile.

YOU ARE READING
Follow me, Professor
Ficción GeneralCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023