Xaveri's P. O. V.
"Hey!" May nabangga akong babae. Oo babae at boses palang pambabae na.
"I'm sorry, Miss." Sambit ko. Tumingin ako dito pero di ko masilayan ang mukha nya dahil nanlalabo ang paningin ko.
"You okay?" Tanong nito at hinawak ang braso ko. Napatigil naman ako dahil doon, para bang natahimik ang paligid dahil sa ginawa nya.
Nanghihina na talaga ako, nahihilo at inaantok na ako.
Napahawak ako sa balikat nya dahil muntik na ako matumba.
"Oy, teka!" Nagulat na sabi ng babae at hinawakan ako sa bewang. "Easy there, tiger." Bulong nito.
Nawawala na ako sa katinuan ko, kahit nanlalambot ang katawan ko at nanlalabo ang mata ko ay nagawa ko pa syang pasadahan ng tingin, she's wearing a black halter dress that compliments her looking goddess body.
Parang nabuhayan ako ng mapasadahan ko ng tingin ang magandang babae na hawak ko sa balikat at nakapalibot sa bewang ko ang dalawang braso nya.
"Hey babe, do you want to come with me tonight?" Bulong ko dito kahit medyo nanlalambot pa ang tuhod ko at medyo nahihilo pa ako.
Medyo mas matangkad ako sa kanya, pinalibot ko rin ang dalawang braso ko sa leeg nya at inilapit ang labi ko sa tenga nya. "Yes or yes?" Malanding bulong ko dito.
If Valerie wants to get laid tonight, so do I. Even if takes my life.
"Who can't say 'No' to you, Love?" Bulong nito at kinagat pa ang tenga ko kaya nag init ang buong katawan ko.
This is also one of the reason kaya ako nagpaalam kela Mommy na sa condo ako matutulog, may kung anong nagtutulak sakin na may ibang mangyayari ngayon.
This beautiful lady is so irresistible, I won't stop myself for the first time.
"Let's go." Hinila ko sya at papuntang parking lot. Nahihilo parin ako pero kaya ko pang magdrive.
"Can we go to my place nalang?" Napatingin sa maganda nyang mukha. Tumango ako sa kanya.
Sumakay kami sa kotse ko pero she insisted na sya ang mag drive so I let her.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako dahil naramdaman ko nalang na may humahaplos sa pisngi ko at ginigising ako. Napamulat ako dahil sa amoy nyang matamis at nakakaakit.
YOU ARE READING
Follow me, Professor
General FictionCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023