Chapter 8

5.9K 160 6
                                        

Xaveri's P. O. V.

"Sure." Walang pag-aalinlangan na sagot ko. Napangiti ako ng palihim, dahil yun talaga yung balak ko kanina, na imbetahin din syang lumabas bukas ng gabi.

And I wonder how she manage her time knowing that she's really a busy person.

"Okay then, now let me go."

"S-sorry." Binitawan ko na sya at agad naman syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan ko.

"Sorry if I ruined you hair though."

Tukoy nya sa buhok ko, kaya napahawak ako doon. Literal na nasira nga sa pagkakabraid.

"It's okay. Oh, please don't expect me to say sorry for kissing you because I don't regret it." Sabi ko at inalis sa pagkakabraid ang buhok at pinusod nalang iyon.

"Don't worry, I'm already expecting situation like this, Hya." Agad na sagot nya na nakatingin sa ginagawa ko. "Do you want me to do it for you?" Habol na tanong nya.

"I don't want anyone touching my hair, Paris." Nabaling ang tingin nya sakin dahil sa seryosong pagkakasabi ko. "But you're an exemption."

Natawa sya ng bahagya sa sinabi ko. May nakakatawa ba roon? I'm just being honest.

"You're really lowkey flirting with me, I like how bold your mind is."

"I'm not flirting with you, I'm telling the truth." Kunot noo na sabi ko dahil totoo naman.

"Okay, if that is what you want." Pagsuko nalang nya.

"I'm going home." Paalam ko.

Uuwi muna ako at magpapaalam kela Daddy bago pumunta sa bahay nila Zel, alam kong tadtad na naman nila ako ng calls and text massages but I didn't check my phone, lagi rin naman yun nakasilent at nakasilid lang sa bag ko.

"Sabay na tayo, Hya. Total ala sais na, konti nalang naman ang tao sa labas."

Tumango lang ako sa sinabi nya. I don't mind if someone might saw us, they are not my responsibility and my business is not theirs.

"Let's go." Aya nya ng matapos syang mag ayos ng damit at nilagay ang personal stuffs sa hand bag nya, pinanuod ko lang sya the whole time because she's really organized in everything.

Nang makalabas kami sa office nya ay malamig na simoy ng hangin agad ang bumugad samin. Halos wala na akong makitang students at professor. 5 pm kasi ang dismissal lahat ng klase sa university namin kaya hindi na yun nakapagtataka.

"Do you have a car with you, Miss Paris?" I asked her as we made our way to the university's parking lot.

"None, coding kasi yung car ko. But I already texted my Dad's driver so he could pick me up."

"Well, maybe I can drive you home?" I asked again and secretly bit my inner check, this is my first time asking a woman to drive her home and I never let anyone sit on my passenger side, not even my siblings and parents. And now, I just offered her that sit? Everything happens so fast when it's about her, her presence didn't allow me to think twice.

"You sure? Maybe your parents are waiting for you at home." Paninigurado pa nya.

"I'll call my Mom." Nakarating na kami sa parking lot at lumapit sa kotse ko dahil nandito lang naman ito sa bungad.

"Nice ride." Ngumiti sya.

"Thanks." Kamot kilay kong sabi. Kinuha ko sa bag ang phone ko, at bumungad nga sakin ang sandamakmak na calls and text massages ni Val and Zel and Juls also sent me one asking where was I and if I'm okay.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now