Xaveri's P. O. V.
"You look great, Xav." Sabi ko matapos sipatin ang sarili sa salamin.
I should be presentable right now, ayaw kong may masabi sakin ang pamilya ni Paris, kahit na wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sakin. Pero iba parin ang pamilya ng babaeng pakakasalan ko.
Black fitted pants at white long sleeves polo ang suot ko na itiniklop ko hanggang siko, nag tuck in din ako to satisfied myself dahil iyon ang signature ko. Sinuot ko din ang relo na ibinigay ni Paris. It looks good on me, though. I also braided my hair as always. Hindi kasi ako sanay ng nakalugay at minsan lang rin naman ako mag ponytail. I'm wearing my black and white Converse chucks.
Kinapa ko ang bulsa at agad na napangiti, nandon ang singsing na binili ko kanina, pero inalis ko na yun sa square box neto para hindi halata. Tumingin ako sa relo at muling sinipat ang sarili sa salamin. Quarter to seven na.
Huminga ako ng malalim bago napagpasyahan na bumaba.
"You look so beautiful, daughter." It was my dad who approached me first.
"So are you, Dy." Binigyan ko sya ng marahan na ngiti.
Umupo ako sa tabi ni Daddy sa right side nya and Mom was in the left side. Kompleto na kami dito sa sitting room, nakaupo sa single sofa si Ate Xerrie and she's doing something on her phone. Si Kuya Xevie ay nakaupo rin sa isang single sofa while si kuya Xeverio naman ay sa arm rest nun kahit may bakante pa naman na upuan. They were talking about their investors na wala naman akong pakealam talaga kaya hindi ko sila pinapakinggan.
"Ehem."
Halos sabay sabay kaming magkakapatid na napaayos ng upo sa narinig.
It was our Mom. She's wearing her infamous black pencil dress that really suit her, she looks really young wearing that one.
"Is everyone okay?" Tanong ni Mommy out of nowhere kaya napabaling sa kanya ang tingin namin lahat na ikinatawa nya.
"Yes My, why?" Si Ate Xerrie na bahagyang inayos ang suot nyang Demin shirt dress na bumagay talaga sa kanya lalo na at inilugay nya ang buhok.
"Maybe, Mom felt that someone's is nervous." Natatawang sabi ni kuya Xevie. Nakasuot sya ng maroon na long sleeves polo at itim na pantalon.
Natawa sila kaya sinamaan ko ng tingin ang panganay namin kapatid na mas lalong ikinatawa nya.
"Don't worry, Bunso." Napatingin ako kay Kuya Xeverio. Simpleng polo shirt lang sya na may shaded blue sa paligid ng suot na damit at blue fitted pants. "Mababait sila." Kumindat pa ito sakin.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Kuya Xeverio dahil ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo ang oras.
Naramdaman ko naman ang pag akbay sakin ni Daddy, naka formal suit sya as always. Seems like he's saying that everything will be okay.
Minutes later, narinig na naman ang ugong ng sasakyan.
"They're here." Agad na tumayo si Daddy na sinundan ni Mommy, pumunta sila sa may main door at naghintay doon.
Tumayo rin kaming magkakapatid at sa likod nila Mommy kami nag stay. Umakbay sakin si Kuya Xeverio na syang katabi ko sa kaliwa. Dahil wala naman na akong katabi sa kanan. Magkakatabi kaming nakalinya from panganay to bunso.
"You've got a beautiful bride there, bunso. I'm so proud of you." Bulong ni Kuya Xeverio na siniguradong kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Napangiti ako sa sinabi nya. He's not referring to Paris' physical appearance, but to her personalities.
![](https://img.wattpad.com/cover/353820067-288-k441920.jpg)
YOU ARE READING
Follow me, Professor
General FictionCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023