Chapter 6

4.5K 147 11
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Ayos ka lang, Xav?" Tanong ni Zel nang mapansin na hindi ako nagsasalita.

Nandito na kaming apat sa room, kaonti palang kami dahil maaga pa naman. Nakagawain na talaga namin magkakaibigan na laging maaga sa klase.

"Ayos lang ako." Tipid na sagot ko sa kanila. Napayuko ako at napahawak sa relo na suot ko. Nakasanayan ko ng hawakan ito sa tuwing nag iisip ako na dapat gawin. Thursday na ngayon, at next week finals na. Pasahan na ng mga project namin bukas, kulang din kasi ako sa tulog sa dami namin ginagawa.

Alam na rin ni Mommy at ng mga kapatid ko ang nangyari, sinabi yun ni Dad nung Tuesday after namin mag dinner. Nung una hindi nag sasalita si Mommy, akala ko magagalit sya sakin. Pero bigla nalang syang umiyak at yumakap sakin at sinabing mag anak na daw ako agad para daw may kapalit na ako agad na baby. Kingina. Sila Kuya at Ate, inasar lang ako at sinabing hindi na daw ako baby because I can now make babies. Lalo na si Kuya Xevie, hindi nga ako nagkamali n grabeng asar ang inabot ko sa kanya. And I also recieved a heart warming hugs from them.

Naiiyak ako kapag naaalala ko ang nagyari na yun, lagi nalang tanggap at tinatanggap ang mga nangyayari. They don't even know how to get mad, lagi nalang iniintindi at lagi lang silang nakasupport.

Nung sinabi ni Dad kung sino yung nakasama ko, curious din kasi sila kaya yun agad ang tanong nila.

"She's an Imperial." Dad answered Kuya Xeverio when he asked who was the girl I slept with.

Nakwento na ni Dad sakanila kung ano ang nagyari, he even showed them the copy of CCTV footage which is I didn't watch. I want to remember what happened without watching the video. Dahil alam kong kulang naman ang detalye doon.
Nagtawanan pa nga sila dahil daw sa pagluhod ko doon sa babae na ikinakamot ko ng kilay.

Bakit ba ako napunta sa pamilyang ito? Halos lahat yata ng problema na dumadating ay tinatawanan lang nila. Except doon sa nangyari kay Ate Xerrie. Nagalit talaga ng sobra nun si Daddy.

"Which one?" Seryosong tanong ni Kuya Xevie. Hindi naman ako sumagot dahil hindi ko kilala ng lubusan si Miss Paris at ang pamilya nya, at hindi ko rin alam kung meron syang kapatid o wala.

Bumuntong hininga si Dad. "The oldest."

"What the fuck?!"

"Hiroko Xevie, Watch your words!" Biglang sigaw ni Mommy ng marinig na magmura si Kuya Xevie, ayaw na ayaw nya kasing nagmumura kaming magkapatid.

"Si Maive.." Nabaling ang tingin ko kay Kuya Xeverio dahil magkatapat lang naman ang inuupoan namin. Nandito kami sa sitting area at pareho kaming nakaupo sa single sofa, si kuya Xevie ay nakaupo sa arm rest na na inuupoan nila Mommy at Daddy na mahabang sofa. Si ate naman sumiksik dito sa tabi ko at nakayakap sa bewang ko ang isang braso nya.

"Kilala nyo?" Nakapag salita na ako dahil hindi ko na matiis. Curious din ako dahil parang nagulat sila nang malaman nila kung sino ang nakasama ko ng isang gabi.

"Sinong hindi makakakilala sa kanya? Hindi mo ba sya kilala Bunso?" Sagot ni ate sa tabi ko.

"Huh? All I know is that she's the new Professor of our University." Kibit balikat na sagot ko.

Tumawa si Kuya Xevie at Ate Xerrie sa sinabi ko.

"Baby, she's one of the best and famous Architect in town!" Nakangiting sabi ni Kuya Xevie.

"Her family owns an Architectural firm here in Manila, Sweden and Hawaii. She graduated with a program of BS in Architecture, Summa Cum Laude. And she also top the board exam and got her masteral degree after a year. She finished college at her young age, 21 years of age. Dalawang beses din syang naaccelerate, isang beses nung elementary at isang beses nung high school. At ang alam ko, sa La Artega University sya nagtuturo kaya nagulat ako nung sinabi mong sa university nyo na pala sya nag tuturo." Mahabang paliwanag ni Ate Xerrie.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now