Chapter 7

4.5K 156 4
                                    

Xaveri's P. O. V.

Pala isipan parin sa akin ang sinabi ni Juls kanina. Ganun din ang sinabi ni Dad nung nakaraan at based on their reactions, they really are afraid? Why? Just because it's their family rule? Whatever.

Hindi nalang ako umimik sa sinabi ni Juls kanina, pati ang mga reaksyon ng mga kaklase ko.

Sinamahan ko yung tatlo sa cafeteria at sumabay sa kanila na bumili ng pagkain, pero nagpaalam din ako agad sa kanila dala ang pagkain na binili ko dahil pinapatawag ako ni Miss Paris, since we have an hour and a half for lunch.

Hindi naman umangal o tumanggi ang tatlo at nag-aya nalang si Zel na mag sleepover sa kanila mamaya kahit na may klase kami bukas. Pumayag nalang ako dahil alam kong gustong gusto na nilang malaman ang nangyayari sakin lalo na hindi ko na sila pinag plano kung paano namin mahahanap ang nakasama ko ng isang gabi dahil bakit pa? Eh nasa harapan na namin si Miss Paris. Hayst.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng office ni Miss Paris nang makarating ako sa tapat nito. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin, mabuti nalang rin at inaya nya akong makipag usap dahil gusto ko rin syang makausap. Hindi na rin naman kasi nasundan ang pag uusap namin nung first day nya dito. Sobrang busy namin dahil finals na next week.

Hindi ko alam pero simula nung makilala ko si Miss Paris parang lagi nalang problema ang sumasalubong sakin sa araw araw. Pero napakaganda nya naman na problema kaya ayos lang---

"Are you with me, Hya?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses nya. Masama ko syang tiningnan.

"Why are you laughing, Miss Paris?" Walang pakundangan na tanong ko dahil tawang tawa talaga ito.

"Kanina ka pa kasi dyan nakatayo at kanina pa kita tinatawag, are you lost?" Nakangisi sya sakin. Umirap ako at dumeretso papasok sa office nya, wala naman makakakita sa attitude ko sa harap ng propesora dahil lunch break ngayon, walang tao ang hallway. Swerte nga itong isang ito dahil may sarili syang area.

"What do you want to talk about, Miss Paris?" Tanong ko ng makaupo sa single sofa nya.

Nakahanda na ang mga pagkain sa mini table nya, I'm expecting this already kaya dessert ang binili ko. Hindi ko man aminin pero gusto ko yung hinanda nya nung nakaraan, masarap ang pagkakaluto at malinamnam talaga.

"You can call me by my name and remove the 'Miss' word, Hya.  I already told you that last time." Inilock nya ang pinto ng office nya at dumako dito sa sitting area nya at umupo sa katapat kong sofa.

"Nakakawalang respeto naman po kung hindi ko igagalang ang pagiging propesora nyo dito sa university." Sarkastikong sabi ko at sumandal sa head rest ng sofa. Pagod na pagod ako mentally.

"Well, kapag tayong dalawa naman." Umirap ako sa hangin. "Hindi ka ba napapagod na umirap, Hya?" Natatawang tanong nya kaya napakamot ako sa kilay.

"Lahat mo nalang pinupuna sakin." Pasungit naman na ganti ko. "At hindi ka ba napapagod kakangiti?" Dugtong ko pa at humarap na ng deretso sa kanya.

Nakangiti parin sya.

"Why would I get tired of smiling, Hya? I won't get tired especially that you're around. Your presence makes me happy though."

Napatitig lang ako sa kanya nang marinig ang sinabi nya, she's too vocal, I haven't met someone as honest with her feelings as hers. Kahit nga ako ay palihim lang din humanga, pero sya? She's making it easy by telling what's on her mind.

"I don't like your smile, Miss Paris." Tumitig ako sa maganda nyang ngiti na onti onting nawawala kaya napakagat ako sa loob ng pisngi ko.

"W-what? Are you--"

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now