Chapter 4

5.1K 159 15
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Sit down, Hya."

Awtomatikong napaderetso ang tingin ko sa kanya at kumunot ang noo. Nasa desk na nya sya at inaayos ang mga papel doon, at sya lang mag-isa sa office na ito. Hindi ito office ni Mrs. Hernandez dahil nasa faculty ang area nya.

"Don't call me by my first name, Miss Imperial." I don't want to sound rude pero ayaw ko talagang tinatawag ako sa first name ko.

"Sit down first. And I can call you whatever I want." Umupo sya. "I can even call you Love if I want." Ngumisi sya.

"Whatever you say, Miss Imperial." Padabog akong umupo at inilahad ang kamay ko sa harap nya. "Give me back my school Id." Walang galang na sabi ko dahil naiinis ako sa ngisi nya. Alam ko kasi talagang sa condo nya yun nahulog.

"Woah! Easy there, baby!" Natawa sya sa inakto ko.

Ibinaba ko ulit ang kamay ko at kinalma ang sarili. Tumayo sya at kinuha ang paper bag sa gilid ng table nya. Pinanood ko sya habang kinakalma ang sarili. Ayaw kong magsalita ng kung ano lalo na at professor ko sya.

Pumunta sya sa mini table nya at may sofa na mahaba doon at dalawang maliit na single sofa na magkatapat. Inilabas nya ang laman ng paper bag, tatlong lunch box yun at binuksan nya isa isa.

"Let's eat first." Umupo sya sa mahabang sofa at tumingin sakin na may malawak na ngiti.

Napairap ako sa ginawa nya. "I don't want to eat with you." Tanggi ko at hindi kumilos sa pagkakaupo ko sa harap ng desk nya.

"If you don't want to eat with me, maybe you can eat me?... again?"

Kung may iniinom lang ako ay siguradong nabilaukan na ako pero nasamid parin ako sa sarili kong laway dahil sa narinig.

Tumawa sya dahil sa naging reaksyon ko. Umirap ako bago tumayo at umupo sa single sofa.

"Kanina ka pa umiirap sakin, baka gusto mong tumarak ang mata mo ng wala sa oras katulad nung nakaraan gabi?"

Kingina! How can she even say such thing? Lalo na, isa syang Professor.

"Bastos po ba talaga lagi ang lumalabas dyan sa bibig mo, Miss Imperial?" Magalang pero madiin na tanong ko. Napahinto sya sa sinabi ko at marahan umiling at tipid na ngumiti.

Hindi mahaba ang pasensya ko at hindi rin ako mabait na estudyante, alam yan ng lahat na nakakakilala sakin. Hindi mabait dahil kadalasan may mga kalokohan kami.

"Nope, sayo lang. Let's eat first bago tayo mag usap about what happened between us, knowing that you are... you are my student."

Napabuntong hininga ako, kung hindi ko lang sya kailangan makausap, kanina ko pa sya nilayasan. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone to send a message with the girls na hindi ako makakasabay sakanila.

Kontento naman kumakain ang kasama ko dito sa kwartong pinasukan namin which is her office, I didn't roam my eyes around yet pero malaki ang silid na ito.

Nagsimula na rin akong kumain at hindi sya iniintindi, tahimik lang rin naman syang kumakain na parang wala din kasama. I should be thankful na rin dahil mas mapapadali ang dapat gagawin namin nila Juls. Ito na sya kasama ko at kumakain kami ng sabay, hindi na ako mahihirapan na hanapin sya at pakiusapan sa nangyari samin.

Sana naman matiis ko ang medyo maharot nyang ugali dahil ayaw ko talagang nilalandi ako at inaasar.

Ninamnam ko ang sarap ng pagkain na dala nya, sya kaya ang nagluto nito? Or pinadeliver nya lang? Pero nakalagay sa lunch box eh, baka pinaluto nya?

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now