Chapter 10

4.6K 140 11
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Put your phone in a loudspeaker mode, I'll talk to your friends." Nagulat ako at napatingin sa screen ng cellphone ko kahit hindi ko naman sya doon nakikita.

Is she really that serious? Propesora namin sya, baka nakakalimutan nya yun?

"Are you s-serious?" Nautal pa ako dahil hindi ako makapaniwala.

Hindi ba sya natatakot na may makaalam nitong ginagawa namin? Hindi ba sya kinakabahan na baka ireport sya nung tatlo? Kahit na alam ko na hindi naman nila yun gagawin, paano naman kung ibang tao diba?

"Follow me, Miss Velacruz."

Kamot kilay akong lumakad papalapit sa mga kaibigan kong nagtataka ang tingin sakin. Umirap ako sa kanila at umupo sa pwesto ko. Tulad ng sabi nya ay ginawa ko ang inutos nya.

Nagtataka ang tatlo ng ilahad ko ulit sa harap nila ang phone kong naka ongoing ang call. Binigyan nila ako ng tingin na nagtatanong. Kasalanan nila yan.

"Good morning, Ladies." Napatigil si Zel sa pagsubo ng sisig at naiwan yun ere. Si Val naman ay parang napako sa kinauupoan, si Juls naman ay nagkanda ubo-ubo.

Napangisi ako, iingay pa kayo?

"H-he-hello po Miss Imperial." Nauutal na bati ni Val. Nasaan ngayon ang yabang mo? Tsk.

"Goodmorning din po Miss Imperial." Halos magkasabay na sabi ni Juls at Zel. Bumait yata?

"Sorry if I disturb your bonding. I really just want to talk to Hya." Lihim akong napangiti sa sinabi nya.

What's up with her? Why is she doing this? She's making my heart happy.

"Aynaku, Miss Imperial! Wala pong problema yun." Nakangiwing sambit ni Val nang makabawi sya. Natatawa ako sa tatlong 'to, lakas ng trip kanina tiklop naman ngayon.

"Cut the formalities, ladies. You can call me Maive outside the campus."

Sabay na napangiti ang dalawa sa narinig. Si Juls naman ay nag kibit balikat lang.

"Cut the formalities too po, Ate Maive. Kilala nyo naman po siguro kami."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zel. Wow, naka Ate? Feeling close na naman ang isang 'to.

"Feeling close ka naman agad." Hindi ko maiwasan magkomento.

Natawa sila pati narin ang kausap namin sa kabilang linya.

"At least ako magalang noh." Pabirong umirap sakin si Zel.  "Tsaka, we've met several times na kaya." Dugtong pa nya.

Napataas ang kilay ko. Really?

"Oh? Bakit para kang nalugi? Eh, hindi ka naman kasi mahilig sa mga ganun, Gaga." Tukoy ni Val sa ekspresyon ko.

"Whatever." Sagot ko nalang.

"Ang cute nyo kulitan." Sabay na napatawa ang dalawa sa sinabi ni Paris.

"Mukhang aso?" Tanong ko. Diba cute ang aso? Edi mukhang aso.

Napamura naman ako ng batukan ako ng dalawa. Sinamaan ko naman sila ng tingin at inayos ang buhok dahil nasagi nila sa pagkakapuyos.

"Magpapaalam na rin ako dahil alam kong nakakaabala ako sa bonding nyo. Valerie, Hazel and Jullian it's nice to talk to you, I also wanna say sorry for inconvenience." Nakangiti ang dalawa sa narinig, si Juls naman ay nag ngisi lang.

Sabay sabay silang nagpaalam. Aalisin ko na sana sa pagkaka-loudspeaker ang call nang pigilan ako ng dalawa, napairap ako.

"Hya."

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now