Xaveri's P. O. V.
"Finally!"
Napasimangot ako ng marinig ang sigaw ni Valerie pagkalabas na pagkalabas namin ng room matapos ang dalawang araw na finals namin.
"Hoy! Bunganga mo may nageexam pa sa kabilang room!" Pagalit pero nahihiyang suway ni Zel sa kaibigan namin dahil may nag eexam pa sa tabi ng room namin. Para na naman kasing may mega phone sa bibig Val.
"Masaya lang ako!" Nag 'duh' tone pa si Val at umirap kay Zel. Pareho nalang kaming napailing ni Juls.
Tuesday ngayon at last day ng exam namin, dalawang araw ang schedule ng exam namin at wala na kaming pasok hanggang friday. Next week naman ay clearance nalang then bakasyon na.
Busy sila sa pag-uusap na tatlo habang ginagawi namin ang parking lot. Nagpaplano na naman silang uminom sa friday dahil deserve daw namin yun after hell week.
Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin ni Paris doon sa condo nya. Pero masaya ako na naaalala ko na kung ano ang ginawa ko nung lasing ako. She assured me that night na deserve nya ako, na gusto nyang panindigan ang mga desisyon nya dahil iyon naman lagi ang ginagawa nya.
I told her about our family's only rule. Noong una hindi sya nagsalita pero pinaliwanag ko sa kanya iyon. At sinabi nya rin sakin yung about sa first name nya. Their family's only rule too, na simula daw talaga noon ay bawal na silang tawagin sa first given name nila maliban nalang kung isang Imperial. Iyon na daw ang pinang-hahawakan ng mga Imperial noon pa man, weird man at walang maayos na rason dahil trip lang daw yun ng pinaka lolo nila noon pero sinunod daw ng mga sumunod na henerasyon sa kanila hanggang sa makilala ang mga Imperial at ang isang patakaran ng pamilya nila. Their motto is that,
"Once you dared to call me by my first name, you'll be punish. It's either I marry you, or destroy you."
Pero sa una namin pagkikita, ang unang pangalan na nya talaga ang sinabi nya sakin na itawag ko sa kanya, but in second time around ako mismo ang pumili na tawagin sya sa unang pangalan nya. I like it though, her name is so beautiful just like her and her personalities.
Sinabi rin nya sakin na handa na rin naman sya magkapamilya dahil she already can provide na daw at may stable work na sya. Andami naman nyang stable work?
And she also said that she can handle me so well, she can protect me, she can provide things for me and everything I needed. She amused me, alam na alam nya kung paano ako makuha without her actually knowing it. And that makes me adore her more. She wants me and she wants to be with me.
Nabanggit ko rin yun sa mga kaibigan ko at syempre sa pamilya ko, and they're happy with it. They are happy with me together with Paris. Actually, nakaschedule na rin ang family dinner namin together with Paris' Family. And that will be tomorrow's night. Alam kong nasabi na rin yun ni Paris sa pamilya nya dahil plinano namin nung Sunday na sabihin na yun sa pamilya namin. She also told me that their family dinner went well, at excited na rin daw sila dad nya na makilala ako personally.
I feel sorry for them, nakokonsensya ako dahil all of sudden, in unexpected way makakasal sakin ang panganay na anak nila. But then, I don't regret what I've just did. It is a beautiful mistake indeed. She's the woman I've been looking for, the woman I can trust myself, the woman that satisfied my mind, the only woman I can be with, the only woman that I can give my soul to.
"Hoy, Xav! Tulala kana naman!"
Napahinto ako sa pagbabalik tanaw ko ng marinig na naman ang boses ni Val.
Nandito na pala kami sa parking lot.
"If I know, namimiss na naman nyan si Miss Maive." Ngumisi si Zel sakin.
YOU ARE READING
Follow me, Professor
Genel KurguCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023