Chapter 3

6.9K 181 1
                                        

Xaveri's P. O. V.


"Where the hell is my ID?" Naiiritang kausap ko sa sarili habang hinahanap ang school Id ko sa bag na gamit ko. Bawal pa naman pumasok sa university na walang suot na school Id. Ang higpit pa naman ng mga guard doon. Kahit nakakotse kana ichecheck parin kung may dala or suot kang Id. Nasa loob rin kasi ng university na pinapasokan ko ang parking lot. At mas mahigpit ang bantay doon sa part na yun.

Kanina pa ako naghahanap ang I can't find it!

Inalala ko kung saan ko yun nailagay after class last friday and,

Wait...

Patakbong pumunta ako sa may walk in closet ko para hanapin doon ang leather jacket na suot ko nung friday, hinalungkat ko yun sa mga labahan kong damit at agad ko yun nakita dahil konti lang naman yun.

Kinapkap ko ang nga bulsa nun at chineck sa loob pero kingina.

Bakit wala dito? Ito lang ang alam kong pinaglagyan ng school Id ko since hinubad ko yun after ng last subject namin dahil deretso agad ako sa parking lot para umuwi.

Damn. Where did I lost it? Wala dito sa bag ko, dito sa jacket at sa kwarto ko na pwedeng pag lagyan ng Id ko.

Sa bar? Mukhang malabo since hindi ko naman hinubad ang jacket ko doon.

Could it be... No! It can't be! Damn.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko kaya napaayos ako ng tayo kahit nanghihina na ako, lumakad ako papunta doon at binuksan.

"Oh? Bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?" Nakakunot noong tanong ni kuya Xeverio.

Sinamaan ko sya ng tingin. "I think, I've lost my school Id somewhere." Pag amin ko.

"Well, that explains kung bakit agang agang nakakunot na naman ang noo mo." Umakbay ito sakin at hinila ako palabas.

"Kuya! I'm already wearing my uniform!" I hissed.

"Sus, may pinopormahan kana ba at-" hinampas ko sya sa braso na ikinatawa nya.

Inayos ko ang white long sleeves polo ko at pinasadahan ang nagusot na parte. Umirap ulit ako kay Kuya Xeverio at bumaba na para mag breakfast.

"Goodmorning, Everybody."

********

"Oh, nakakunot na naman yan noo mo. Mamaya maging straight yan kahit hindi ka naman straight." I rolled my eyes at Valerie dahil yun agad ang bungad nya sakin ng makapasok ako sa room namin. Nandito na silang tatlo.

"Bakit hindi mo suot ang school Id mo?" Zel noticed.

Napabuntong hininga ako at naupo sa tabi ni Juls na tahimik lang at naka earphones, though alam namin na nakikinig sya samin.

"I've lost it." Walang ganang sambit ko.

"Oo? Edi hindi ka agad nyan nakapasok?" Tumawa si Val kaya inirapan ko sya.

"Nag request na ako sa registrar for a new one at sinabi kong nawawala ang Id ko. Pero si manong guard kanina ang tagal bago maniwala, kesyo palusot ko lang daw yun para makapasok chuchu." Natawa sila pareho sa sinabi ko dahil para akong bata na nagsusumbong.

"Saan mo ba nawala?" Inalis ni Juls ang earphones na suot nya at humikab.

Sumandal ako sa upuan at pumikit. "I think, nahulog doon sa condo nung babae na naka one night stand ko. Naalala ko kasi na nasa jacket ko yun." Mahinang pagkakasabi ko.

Napamulat din ako agad sa sinabi ko and realization hits me, it's my school identification for goddess' sake! Napakamot ako sa kilay dahil sa naisip. Baka hanapin nya ako, kilala pa naman ang pamilya ko sa larangan ng pagnenegosyo.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now