Chapter 29

3.4K 93 1
                                    

Paris' POV

Flashback

"Let's drink!" Sigaw ni Blue at itinaas pa ang hawak na tequila. 

Kararating lang namin dito sa Bar pero mukha na naman syang baliw na nakawala sa hospital. Isumbong ko kaya sya sa Mommy nya dahil iinom na naman sya? 

"Let's get laid tonight! Natatawang sambit pa nya bago muling umupo. 

"Pass." Nakangiwing tanggi agad ng kaibigan kong dalagang pilipinas. Si Kenny, di lang halata sa mukha. 

"Ayaw ko, Na-ah, No." Mabilis din na sambit ng katabi ko, Si Kaliwa. 

"Ikaw, Architect?" Napairap ako ng tanongin ako ni Blue. 

As if. Umiling ako sa kanya bago tumagay ng alak. Pinauna ba naman ako ng gague. 

Ngayon nalang ulit kami nagkita kita, kung hindi pa nag-aya si Kenny hindi pa kami magsasama sama ulit. Pareho pareho kaming busy. Blue has a lot of cases on her desk. Kaliwa is always out of the country because of her Fashion week and other stuffs. I should visit her store one of these days, I really like her dresses. Kenny's been busy, Kung paano ako kabudy ganun rin sya. She's an Engineer, sya ang kinukuha kong partner madalas kapag hindi puno ang sched nya, nag-hahandle din sya ng school nila at Professor pa sya kaya ang hirap nya mahagilap. 

Ako? Arkitektong siraulo lang ang ambag ko sa mundo. I'm also a part-time Professor sa La Artega University, Kaliwa's family own the university, but she's not really fond of teaching. 

"How I wish, Han would noticed me. I've been sending her flowers and she was like, 'Sino na naman impakta ang nagpadala nyan' Argh!"

Natawa kami sa sa kwento ni Kenny, para itong tanga na kunwari nagpahid pa ng luha. 

"Lasing kana." Umiiling iling na komento ni Blue na dere-deretso ang tagay. 

"Hindi kana nun mapapansin, sa panget mong yan?" Pang-aasar ni Kaliwa sa kanya na ikinatawa namin ni Blue. 

"Why would she notice you? Eh hindi nga nun alam kung sino nagpapadala ng bulaklak." Segunda ko pa. 

"Sa ganda kong 'to hindi ako mapapansin? Halos lahat nagkakandarapa sakin!" Palatak ng nagrereklamo. 

"Hindi sya kasama sa halos na yan." Agad na sabi ni Blue. 

"Kumalma ka girl, bata pa yan pinapantasyahan mo ah." Kunot noong sabi ni Kaliwa. 

Here comes the Mother of the circle. 

"Gaga! Hindi ko sya pinapantasyahan! I'm just being a good woman for her, I just want to be the best for her. Seeing her smiling makes me alive and happy, I want her to love me even if it takes me to hell someday."

"In love nga talaga ang gaga." Umiiling na sambit ni Blue. 

"How can she love you when she doesn't even know you?" Kaliwa with her 'duh' tone. 

Binuksan ko ang pinto ng VIP room kung nasaan kami. Napakagat ako ng labi ng sakto kong makita ang kinahuhumalingan ng kaibigan ko. Kasama nya ang dalawa nyang kaibigan at may kausap sila sa katabi namin na room. 

"Kenny!" Mabilis ko syang hinila sa damit para makasilip agad sya. 

"Shit. She's really hella gorgeous!" Pasigaw nyang bulong at titig na titig pa sa babae habang malakawak ang ngiti sa labi. 

She really looks so in love with that girl. 

"Let's follow them. I think, they are heading to the dance floor!"  Pag-aaya ni Kaliwa dahil nakisilip din ito. 

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now