Xaveri's P. O. V.
It's been two weeks after Ate Kaliwa's birthday. Namasyal nalang kami buong araw bago kami umuwi. Sobrang nag enjoy kami and we also build a new friendship together with Paris' friends.
And last week, dumating sila Lolo. I can sense the dissapointment in their eyes but accepted me anyway. Though, nagalit talaga sila hindi sakin kundi kela Dad that's why I felt sorry for them. But he assured me that it's okay and this is life, we have to deal with every problems that comes on our way.
Nag patawag ulit ng family dinner sila Lola together with the Imperials to talk about the wedding. At sila na mismo ang nagdesisyon sa lahat. We will get married in two weeks. Ayaw nilang mag labas kami ng pera, they just asked us kung ano ang dream wedding namin and so on then sila na daw ang bahala sa lahat. Ang dapat daw namin gawin na dalawa ay kilalalin pa ng husto ang bawat isa.
"Come in." I said after I heard a knocked on my door.
Isinarado ko ang zipper ng maletang pinaglagyan ko ng damit. Pang apat na ito at huli na rin.
"Done?" Nakangiting si Paris ang bumungad sakin.
Ang ganda talaga ng mga ngiti nya, nagliliwanag ang nga mata ko dahil doon.
Tumango ako sa kanya at ngumiti din dahil nakakadala talaga ang ngiti nya.
Pinapalayas na ako nila Dad dito sa bahay at wag na daw akong babalik kahit kelan dahil ayaw na daw nila akong makita pa. Sobra sobra na daw ang pasakit na ginagawa ko sa pamilya namin. Pati sila lolo, ayaw na akong makita at bahala na daw ako sa buhay ko. Syempre joke lang.
Gusto na nilang lumipat ako sa bahay ni Paris. We all know na sa condo nag i-stay si Paris, pero na pag-usapan din nila na dapat daw mag sama na kami sa isang bahay before the up coming wedding.
Pinag usapan din muna namin ni Paris iyon bago kami nag-desisyon at ito na nga ang resulta. Sinusundo na nya ako.
Sabi ko naman kela Mommy na after the wedding nalang ako lilipat sa bahay ni Paris, kaya lang hindi sila pumayag. Talagang ayaw na nila akong makita dito sa bahay. Malaki na daw ako at kaya ko na ang sarili ko, bukod sa may sarili na akong pera galing sa mga partime ko ay kailangan ko na daw mapag-aralan kung paano ang pag-aasawa. Hindi ba nila naiisip na fourth year college palang ako sa pasukan? Tinatakwil na agad nila ako.
"Hya, are you okay?" Napatitig ako sa kanya dahil kahit na nakangiti ay nag aalala ang mga mata nya.
"Of course, I am." Sagot at hinila sya pa-upo sa sofa.
"Then, why are you pouting like a baby?" Tanong nya ulit.
Umiling lang ako at pinaupo sya sa kandungan ko. Sumiksik ako sa pagitan ng leeg at balikat nya.
Ang bango, amo'y sa'kin lang.
"H-hey!" Natatawang inilayo nya ako sa leeg nya kaya napanguso ako. "You're acting like a child today."
Ewan ko ba, masaya naman ako na makakasama ko na si Paris sa isang bahay. Na mag kakasama na kaming dalawa. kahit na bago ito sakin, kahit na hindi ko alam kung paano but I know that Paris will lead me as she always do. Nalulungkot lang ako dahil mahihiwalay na ako ng bahay kela Mommy, at sa mga kapatid ko. Alam kong malaking pagbabago ang mangyayari ngayon sa buhay ko, sa buhay namin.
"I love you."
Napahinto ako sa pagsiksik muli sa leeg nya dahil sa narinig. Kahit na madalas ko ng marinig sa kanya yan ay hindi parin ang nasasanay. Para bang unang beses ko lagi naririnig iyon. Lagi akong naninibago at nagugulat.
YOU ARE READING
Follow me, Professor
General FictionCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023