Chapter 20

4K 97 4
                                    


Xaveri's P. O. V.

"Hya, wake up."

I groaned when I feel something on my cheeks. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko only to see a goddess.

"Love." Hinapit ko sya at sumiksik sa leeg nya. So soft, so comfy.

"Nandito na tayo." Natatawang sambit nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango lang ako sa kanya pero hindi gumalaw. I still want to sniff her.

"Hya.." Marahan nya akong tinulak pero hindi ako umalis.

Dinadampian ko ng mumunting halik ang leeg nya, ang bago kasi.

Hinapit ko sya sa bewang at bahagyang binuhat at pinaupo sa kanduangan ko na ikinagulat nya kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso na ikinatawa ko. Napunta naman ang dalawang kamay nya sa magkabilang balikat ko.

"Ang ganda mo." Wala sa wisyong sabi ko at hinalikan sya sa labi.

Marahan, naghahanap at humihingi ng sagot.

Napahigpit ang hawak ko sa bewang nya ng tumugon ito sa halik ko kaya mas lalong dinikit ko pa sya sakin.

"Nakakagigil ka." Pabulong na sabi ko nang humiwalay ako sa halikan namin.

Magkalapat parin ang noo namin at parehong nakangiti.

"Nakakapang hina ka." Natatawang sambit nya.

"Pero ang—" Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ng pinto ng Van.

"Hoy kayong dalawa—Tangina nag lalandian lang pala!"

Napailing ako sa lakas ng boses ni Val na syang nagsalitang pasigaw. Nasa likod nya si Ms. Delvario na nakangiwing nakatingin samin ni Paris.

Natatawang umalis si Paris sa kandungan ko. Napakagat naman ako sa loob ng pisngi. Lagi nalang kaming naaabutan sa ganitong senaryo.

"Nag usap lang kami." Nakangiting sabi ni Paris na nakalabas na ng Van at hinarap ang dalawa.

"Hindi kami naniniwalang usap lang." Nakangising sabi ni Ms. Delvario "Tara na nga penguin." Hinila nya si Val paalis sa harap namin.

"Hoy gagang run away lawyer, hindi ako penguin ah! Matangkad ka lang!" Para na naman nakalunok ng megaphone ang kaibigan ko.

Napailing ako sa sigaw na yun ni Val nakita ko pang binatukan nya ang kausap. Bangag talaga ang isang yun.

"Let's go?" She asked while smiling at me. Walang wala talagang epekto sa kanya kapag may nakakakita samin na ganun tulad nalang noong nakaraan na si Mommy ang nakakita.

"Nasaan na gamit natin?" Tanong ko.

"Nandon na sa loob ng bahay ni Kaliwa." Pinulupot nya ang isang braso sakin at naglakad kami papasok.

Remembering what happened earlier makes me want to punch Valerie because of her megaphone-like-mouth.

"You! You fucking run away Lawyer!"

Lahat kami napatigil sa sigaw na yun ni Valerie at sabay sabay pang napabaling sa isang babaeng nakasuot ng puting polo at short na umabot hanggang tuhod nya. Nakatago ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa at nakatitig sa kaibigan ko. But what caught my attention is her deep blue ocean eyes.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now