Xaveri's P. O. V.
"Argh." Ungol ko at napasapo sa ulo.
"Hya, baby." Napamulat ako ng maramdaman ang haplos sa pisngi ko. Nag-aalalang mukha ng magandang babae ang bumungad sakin.
"What h-happened?" Litong tanong ko dahil nakahiga ako dito sa sofa nya sa sala ng condo.
Hinaplos nya muli ang pisngi ko, malamlam ang mga mata nya. "Bigla ka nahimatay kanina nung pagkapasok natin dito sa condo ko. May masakit ba sayo? Ayos ka lang?" Nag aalala ang mga mata nya.
Hinawakan ko ang pisngi nya at hinaplos din yun. "Ang ganda mo, Love." Ngumiti ako sa kanya.
Umiwas sya ng tingin at pansin ko ang pamumula ng mukha nya.
Umupo ako at hinila sya paupo sa kandungan ko dahil nakaluhod sya sa sahig, awtomatikong pinalibot ko ang braso sa bewang nya.
"Sorry if I made you worry, Paris." Bulong ko sa kanya. Nakatingin sya sakin na parang binabasa ang iniisip ko.
Napakagat ako sa loob ng labi ng maalala ang unang gabi pagkikita namin. I didn't know I can do such thing like that.
Now I know why she keep on calling me names, especially the word 'baby.'
Napatingin ako sa center table at nakita doon ang sunflower na naalala kong binigay ko sa kanya, malinis ang tubig na nandoon at parang alagang alaga pero matamlay na yun mukhang malapit ng mabulok. I should thank kuya sir for allowing me to had that flower.
"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong nya.
Tumitig ako sa kanya, she handled me well that time, she never left me, she never made me feel embarrassed of what I did even if I was drunk.
"My fiancé."
Bahagyan nanlaki ang mga nata nya sa sinabi ko, itinaas ko ang isang kamay ko para alisin ang ilang hibla ng buhok nya na nakaharang sa mukha nya at inipit iyon sa tenga nya. Nakapalibot ang braso nya sa leeg ko habang nakatagilid na nakaupo sa kandungan ko.
"H-hya, you r-re-remembered?" Hindi ko maintindihan ang ekspresyon nya dahil halo halo ang kanyang emosyon. Napakadaldal ng mga mata nya ngunit kaonti lang ang lumalabas sa bibig nya.
Kagat labing napatango ako sa kanya ng dalawang beses. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at paharap syang naupo sa kandungan ko, siniksik nya ang mukha sa leeg ko. Marahan kong hinaplos ang likod nya nang maramdaman ko ang basa sa leeg ko.
Napapikit ako, I hurt her. Sino ba naman magiging masaya ng makalimutan ka ng taong hiningi ang kamay mo out of nowhere at layasan ka kinabukasan? Tapos kinalimutan ka pa?
"Sorry, Paris. I'm sorry Love." Paumanhin ko dahil sa ginawa kong pagkalimot sa kanya at sa nangyari.
Hindi sya umimik at nagpatuloy lang ang pagluha, mas humigpit ang yakap ko sa kanya dahil hindi ko alam kung paano mag comfort, bago sakin ito. Bago lang sakin ang mga bagay na nararamdaman ko simula nung makilala ko sya.
I don't regret what happened between us, I don't regret asking her to marry me. I don't regret meeting her. She's too precious that I can be nothing to give her everything.
Maya maya pa ay tumahan na sya at hinarap na ako. Natawa sya ng bahagya kaya napatitig ako sa kanya at ako ang nagpunas ng luha sa mga mata nya gamit ang dalawang kamay ko.
"Thank you, Hya." Ngumiti sya sakin at sinapo ang mukha ko. "Thank you for remembering me, thank you for being with me, thank you because you didn't leave me, thank you for not avoiding me and thank you for believing me kahit alam kong naguguluhan ka at walang maalala."
YOU ARE READING
Follow me, Professor
Ficción GeneralCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023