Chapter 19

4.2K 105 5
                                    

Xaveri's P. O. V.

"Are you happy?"

Mas hinapit ko pa sya papalapit sakin at inalis ang ilan strands ng buhok na humatang sa kanyang mukha. Maliit akong ngumiti at marahang tumango.

"So much." Halos pabulong na sabi ko at pumikit. "Are you?"

Humigpit ang yakap nya sa bewang ko. Nakaunan kasi sya sa braso at hinahaplos ng isang kamay ko ang malambot nyang buhok.

"I can't express my feelings, Hya. My heart is full." Marahang sambit nya. Hinalikan ko sya sa bunbunan at di sumagot.

Hindi namin alam na nanunuod pala ang pamilya namin kanina while I was kneeling infront of her, Ate Xaveri took a video of us. They were so happy for us, My Mom and Tita Patricia cried while watching us sabi ni Maverick. I can feel the happiness in their eyes.

They congratulate both us, Dad even said that he's so proud of me. He also said that I was really her daughter.

I really have this feeling na kilala ko ang pamilyang Imperial, lalo na ang gaan agad ng loob ko sa kanila the moment I saw them together, they smiled a lot except ang masungit na si Maverick na laging nakangisi sakin. Kung ano ang ugali ni Paris na mapang-asar at laging nakangiti yun naman ang kabaliktan ng bunso nyang kapatid. Lagi itong seryoso at nakangisi na akala mo'y nakikipaglaro nalang lagi ang itsura.

Hindi ko alam, pero gusto kong magtanong na parang gustong gusto pa nila ang nangyari sakin ngayon ni Paris. Sila Daddy, they didn't even got mad at me after knowing what I've done to our family. And for Paris' family, they didn't asked why instead nag proceed na agad sila sa kung ano ang plano namin na parang hinihintay nilang mangyari. They didn't even ask me what can I give to their daughter?

At ako? I actually don't want this at first pero nung makilala ko si Paris hindi ko alam pero parang umatras lahat ng mga plano ko na gawin sa kanya because she got me first. She's bubbly and always smiles like a child who has a lot of candy on her pocket.  

At para bang hindi lamang sya nag dalawang isip na magpakasal sakin. she's really flashy like a crystal clear, her name, her personalities, her credentials, everything about her.

While me, Incoming 4th year college palang taking up ECE major. But I'm a part-timer in my Dad's company, a writer and a painter with an anonymous name because I don't want to brag things about me, I'm okay of what I have now, I'm earning money on my own. Blood and Sweat.

"Paris." Tawag ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikan pero ramdam kong gising pa sya dahil marahan nyang hinihimas ang likod ko.

Matapos kasing magpaalam ng mga magulang nya ay dumeretso na kami dito sa kwarto dahil late na rin, hindi talaga nawala sakanila ang usapan business. They are planning to merge their company.

"Po?"

Bahagya akong lumayo sa kanya upang makita ang maganda nyang mukha. Nakangiti ito kaya napakagat ako sa loob ng pisngi dahil ang ganda nya parin.

"It feels like I've known you and your family since then." Panimula ko. "But I don't remember a thing, makakalimutin kasi talaga ako. Gusto ko lang malaman kung kilala mo na ako dati? Because I can see that you're not hesitating to say yes when it comes to me." Huminga ako ng malalim. "Are you part of my childhood memories?" Marahang tanong ko.

Hindi ko kasi sya naaalala or kung nakilala ko ba sya dati, kasi sila kuya parang close na close sa kanya eh. They even laughed it off nung malaman nila na si Paris yung nakasama ko ng isang gabi sa condo nito. At wala rin akong naalalang kapangalan nya dati or something. At si Maverick, she called me 'Ate' like she used to. Like, she knows me long time ago.

Follow me, ProfessorWhere stories live. Discover now