Xaveri's P. O. V.
"Bunso." Tawag sakin ni Mommy nang makitang nakababa na ako sa hagdan. "May lakad ka?" Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa tabi ni Dad na nakatingin lang at saka sinalubong ako ng yakap.
Nakauwi na pala sila.
"Yes po, My." Humalik ako sa pisngi at lumapit kay Dad para bumati din.
"Saan ang lakad ng bunso namin?" Inakbayan ako ni Dad matapos akong umupo sa tabi nya.
Wala pa sila Kuya at siguradong nakulong na naman si Ate sa kwarto nya.
"Ah Dy, My, ano po.." Napakamot ako sa kilay. Paano ko ba sasabihin na susunduin ako ni Paris dito na hindi sila nag iisip ng kung ano?
"What it--"
Hindi na natuloy ni Mommy ang sasabihin nya nang may narinig kaming nag doorbell.
Awtomatikong napalingon ako sa relo ko. 6:21 pm. Talagang maaga sya dumating.
"Let me open the gate."
Sabay sabay kaming napatingin nila Mommy ng makitang nagmamadali si Ate lumabas ng front door. Ah, baka naman hindi yun si Paris at may bisita syang iba.
Napahinga naman ako ng maluwag.
"Ano nga pala--"
"Good evening po Tito, Tita."
Para akong nawalan ng hangin at nanigas sa kinauupuan ko. Alam kong ramdam yun ni Daddy dahil nakaakbay sya sakin kaya narinig ko ang mahinang pagtawa nya kaya pabiro ko syang siniko.
Nakasuot sya ng black slacks at black coat, at sando ang panloob nya. Hindi naman nakabutones kaya kitang kita iyon. Mukhang galing sya sa trabaho.
"Architect Maive!" Masayang sigaw ni Mommy at patakbong lumapit kay Paris at kay ate na nagbukas ng gate para sa kanya.
"Tita Hera." Nagyakapan pa silang dalawa na meron malaking ngiti sa labi. Pati si ate Xerrie nakangiting nakatingin sa kanila.
"You're smiling too, baby Xav." Bulong sakin ni Dad kaya nabaling ang tingin ko sa kanya na nakangiti rin.
"I'm happy, Dad." Bulong ko rin sa kanya.
I don't know but I really feel complete at this moment, their smiles fills my heart.
"Anong pinagbubulongan nyong dalawa?" Sabay kami ni Dad napalingon sa tatlong babaeng nakatingin na nakangiti samin pareho.
Pero napahinto naman agad ang tingin ko kay Paris, ang ganda ng ngiti nya.
Marahan akong tinapik ni Dad sa balikat at tumayo upang salubongin ang bisita.
"Architect Maive Imperial, long time no see." Balewala ni Dad sa tinanong ni Mommy at deretso ang tingin kay Paris.
"Tito Xaimon." Humalik sya sa pisngi ni Daddy at yumakap. "Maive nalang po tito at tita." Sabi nya at pagka kalas ng yakap kay Daddy.
Like what I've been thinking these past few days, kilala nga nila ng personal si Paris based sa inakto nilang nakita ko ngayon. Pero ayaw ko nalang magtanong pa ng kung ano.
Tumayo ako at napakagat sa loob ng pisngi.
"Hya." Ayan na naman ang ngiti nya na nagpapalabas ng liwanag sa mga mata ko.
"Paris." Lumapit ako sa kanya at deretso syang hinalikan sa gilid ng labi nya, napangisi ako ng mapahawak sya sa laylayan ng polo shirt na suot ko. "Ang ganda mo." Bulong ko sa tenga nya.
"Ehem."
Lumayo ako ng bahagya kay Paris at pinalibot ko ang braso sa bewang nya. Tumingin ako kay Ate na nakatingin sakin at umirap.
YOU ARE READING
Follow me, Professor
General FictionCOMPLETED Warning: GxG Date started: October 12, 2023 Date finished: December 10, 2023