Chapter 8

16K 1.1K 291
                                    

Chapter 8: Memories

I woke up earlier than King Tobias. It was good news for me, but if he was peacefully spooning me with his legs entangled with mine, arms protectively wrapped around as if I'd escape, and how he buried his face in my bushy hair— how could I possibly get up without waking him up?

I felt like a little rabbit that couldn't even move with those huge legs of the king of the jungle— the lion.

I glanced at the mirror with my claw mark with the trace of our mixed blood. Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko nang biglang bumalik sa isip ko ang ginawa naming dalawa sa harap ng salaming iyon. Mabuti hindi nabasag?

Ibinalik ko ang atensyon ko sa brasong nakapulupot sa akin. And when I noticed Tobias' hand, I miserably closed my eyes to stop myself from remembering how those hands with their visible veins tightly gripped the mirror frame just to fully thru—I shook my head.

But didn't I request it?

Dahil marami nang pumapasok sa isip ko dahil kay Tobias na nakayakap sa akin, dahan-dahan ko nang inangat ang braso niya. Ilang beses akong nagdasal sa isipan ko na sana hindi siya magising pero nang hindi ko pa man tuluyang natatanggal ang braso niya ay mas humigpit pa ang yakap niya.

"Kezalli. . ."

I blinked. Gising na ba siya?

Hinintay ko siyang magsalita at kausapin ko pero ang tanging narinig ko lang sa likuran ko ay ang banayad niyang paghinga.

Did he just call my name in his sleep?

Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko ulit kumawala sa kanya, at sa pagkakataong iyon ay nagawa kong makababa sa kama nang hindi siya nagigising. Pinakatitigan ko pa siya nang matagal bago ako umalis sa tabi ng kama bago ako nagtungo sa harapan ng cabinet at naghanap ng isusuot na damit.

Ilang beses pa akong sumulyap kay Tobias habang nagmamadali ako sa pagbibihis. At nang matapos ako, agad akong humarap sa salamin. Gusto kong sumigaw dahil sa nangyari sa buhok ko, dahil nagmukha lang naman akong mangkukulam dahil sa sabog kong buhok.

Mariin akong napahawak sa salamin pero agad ko rin iyong binitawan na tila napaso ang aking dalawang kamay nang biglang bumalik sa alaala ko kung paano kami ni Tobias halos dumikit na doon. Ilang beses akong napaatras at hinilamusan ko ang sarili ko dahil kahit anong gawin ko ay naalala ko nangyari noong gabi.

I never even thought that we'd do it like that. . .

Tumalikod na ako sa salamin habang nakasabunot sa sarili ko. I started to pace around. I need to distract myself. Our memory of last night might trigger my hunger and thirst again. And with Tobias, still sleeping right now that means I must have been taken too much of his blood.

"Distraction. . . distraction. . ." bulong ko sa sari ko.

Until I realized what's the most important thing for me— for the human Kezalli. Nagmadali na akong nagtungo sa drawer ko at kinuha ko ang susi. At halos tumakbo na ako sa harapan ng vault ko para kuhanin ang nine million ko.

I grabbed my money by arms and hugged it with my chest. Naglaglagan pa nga ang ilan nito sa sahig bago ko ilatag iyon sa sofa. Pinulot ko muna ang lahat nang nahulog bago ko ilagay rin iyon sa sofa.

Since the money looks good on our long sofa, I chose to kneel in front of it. Nilanghap-langhap ko pa ang amoy ng pera at hinawakan na ng dalawa kong kamay iyon habang ipinapaypay sa sarili ko. Ilang beses ko pa iyon itinapik sa magkabilang pisngi ko.

"Focus tayo sa goal, Kezalli. This is the real nine million of your life."

Ilang beses ko pa iyong binilang kahit nabilang na namin iyon ni Tobias. I kept telling myself that I'd be one of the known businesswomen in human world with my money and some loot that I'd be able to bring from this room.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon