Chapter 16

8.8K 638 102
                                    

Chapter 16: Drown

My chest rose and fell as I looked bewilderingly at the burned museum.

"No way . . ."

I slapped my face, blinked twice, and stared at it again. All I could do was gasp and realize that everything wasn't the creation of my stress or even hunger— everything felt so real.

Napatungo ako sa sarili ko. Sinipat ko ang mga braso ko, ang pantalon kong may gasgas, at nang sandaling sinubukan kong tumayo ay napadaing ako sa sakit sa tuhod ko. Maging ang siko ko ay humahapdi rin.

Papilay-pilay ako nang abutin ko ang bag ko sa lupa, may dumaan pang batang naka-bisikleta na muntik pang matumba dahil sa paghabol ng tingin sa akin.

"Dahan-dahan ka!" Sigaw ko.

Nakangiwi na akong isinasakbat ang bag ko, ganoon din ang palasong kinuha ko sa loob at maging ang salamin na nagawa kong buhatin gamit ang dalawang kamay ko.

I lifted the mirror above my head, giving me a shadow behind the blasting sun.

Habang naglalakad ako sa gilid ng daan, papilay-pilay at pangiwi-ngiwi dahil sa iba't ibang klase ng sakit sa katawan na nararamdaman ko, marami nang batang nakabisikleta ang nakasasalubong ko na kapwa napapalingon sa akin.

Yes, I looked weird.

Dahil balak ko na rin maghanap ng bagong matutuluyan, napagpasyahan kong dito na lang sa aking dating bayan manatili, lalo na't alam ko sa sarili kong gusto ko pang bumalik sa museleong iyon.

Iniisip ko na lang na kailangan kong umaga ng gising para makaabot ako sa unang subject ko.

Hindi naman ako nahirapan makahanap ng paupahan dahil may mga nadaanan naman akong nakapaskil sa bayang iyon. Iyon nga lang ay nahirapan akong pumili dahil naghanap pa ako nang mas mura.

Natitigilan pa ang mga tao sa akin sa tuwing nakikita nila akong may dalang malaking salamin, puro galos ang mukha at braso, at hirap na hirap maglakad.

"Ibinebenta ba iyan, hija?"

"Ano ang nangyari sa 'yo?"

"Napag-trip-an ka ba ng mga tambay?"

Hindi rin ako nagugulat sa ilang bulungan na baka raw magnanakaw ako. It's a shame that they couldn't recognize that little girl who used to live inside that beautiful old museum. Kung tama ako sa aking pagkakaalala ay malapit sina lolo't lola sa mga tao rito sa baryong ito.

Nang mapansin ko na magdidilim na ay napagmasyan kong dito na sa huling pagtatanungan ko ako titigil, kahit anuman ang presyo nito. Isa pa, may naipon na naman ako sa mga trabaho ko.

Eyah and Vito even offered me money, but I refused. Tama nang ang lahat ng kinikita ko sa trabahong ibinibigay nila sa akin ay para kay Dave.

Nakangiwi sa akin ang mga tambay na kasalukuyang abala sa kanilang Red Horse. "Erm, excuse me po? Nasaan po ang land lady? May nakita po akong nakalagay na apartment for rent."

"Matilda! May naghahanap ng bahay!"

Ibinaba ko muna ang salamin, kinuha kong muli ang tubig sa aking bag at saka ako uminom.

"Saan ka ba nanggaling, hija? Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ng lalaking mukhang pinaka maedad base sa boses niya.

"Nasabit po ako sa aksidente."

"Aksidente? May nabalita ba kayong askidente kanina?" tanong ng matanda sa mga kasama niya.

Kapwa umiling ang mga lasing. "Nako, mahabang kuwento po."

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon