Chapter 55

11.8K 606 209
                                    

Chapter 55: Table

I was the guest when the pixies invited me into this realm, but when Tobias invited himself inside this blue tulip, I suddenly felt like the host who needed to serve her guest. He didn't even wait for me to offer him a seat; he sat comfortably on the small wooden chair in the most effortlessly seductive way. I couldn't tell if he was doing it on purpose or if he was genuinely unaware of how attractive he was.

Like who wouldn't?

Bulag lang ang magsasabi na hindi ulam itong si Tobias.

Malaki ang pasasalamat ko at naturuan na ako ni Claret na sarhan ang isipan ko kung sakaling hindi ko nais marinig ni Tobias ang mga iniisip ko.

Halos magkagulo na nga ang mga maliliit na diwata habang naglalakad siya sa gitna ng mga bulaklak kanina. Ikaw ba naman ang makakita ng hari na kaunti na lang hubad na? Tila biglang nakalimot ang lahat na katulad rin siya ni Pryor na may lihim na galit sa kanila.

Looking at him right now, leaning his back on his seat with legs crossed, arms resting lazily across his lap, and eyes filled with curiosity as he looked around, with his soft, long hair teasingly sliding from his shoulder to his bare chest, I couldn't help but get distracted.

Kapag ganyan ang susundo sa akin kapag bigla akong nawawala sa palasyo, lagi na lang ako magpapadala sa mga diwata ng Deltora.

Hindi ko na maintindihan ang emosyon ko sa mga oras na ito. Hindi ba ito ang kagustuhan ko? Ang magkaroon na kami ng oras sa isa't isa? Bakit ganito na lang kaba sa dibdib ko?

Dapat ay masaya akong sinusundo niya ako ngayon.

I remained standing in my position as I awkwardly watched Tobias look around, but when his eyes fixed on mine, I almost jumped with this stubborn heart that had been hammering so fast the moment he appeared in this garden.

Idagdag pa na hindi ko rin gusto na malaman niya na may ideya na ako sa tradisyunal na sayaw dito sa Deltora.

Pero tangina, guwapo talaga . . .

"So, this is where you play with your friends."

I nodded.

Nabalot ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Hindi siya agad nagsalita at nanatili kaming magkatitigan, bigla akong tumalikod at tumama sa aking mga mata iyong cabinet na napupuno ng iba't ibang klase ng inumin ng mga maliliit na diwata.

I anxiously took a few more steps in front of the cabinet, one of my fingers was pointing at the cabinet to distract myself from his gaze. "Wine or tea, Your Majesty?"

"Wine will do," Tobias calmly said.

I nodded without looking at him.

I suddenly remembered the wine that the pixies mentioned. They told me that it was Tobias's favorite. Nasaan na nga ba iyon?

Nakailang hakbang pa ako pakanan hanggang sa makita ko na iyong pamilyar na bote na ipinakita sa akin ng mga diwata kanina. Kinuha ko na iyon, pansin ko na tila may punit sa pangalan niyon ngunit hindi ko na iyon masyadong inisip pa. Siguro'y palatandaan na iyon ang ibibigay nila sa akin. Kumuha rin ako ng baso bago ako humarap kay Tobias na tahimik na nanunuod sa akin.

He took the glass and allowed me to pour him the wine. Habang ginawa ko iyon ay pilit akong nag-isip ng katanungan. "Tapos na ba ang paghahanda sa pagdiriwang?"

Tumango siya.

Nang matapos ko nang lagyan ng alak ang baso niya ay pansin ko ang pagkunot ng noo roon habang nakatitig roon. I even saw how he smelled it. I bit my lower lip.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon