Chapter 42

9.4K 598 146
                                    

Chapter 42: Argument

"When will you be ready, Love?

I kept tossing on my bed as his words rang in my head. Unlike the first time I opened my eyes with thoughts that I was in a long dream or that everything was just the effect of drugs I assumed had been injected into me, I had learned to accept his words.

Pero kahit ano ang mangyari ay nakapagpasya na ako. Pipiliin ko ang mundong alam ko kung saan ako nararapat.

Tobias might have said to me that I had turned into a vampire before I lost my memory, but I was convinced that I was not one of them. The only thing clear that I had right now was my attraction to him.

Frustrated, I got up from my bed. I brushed my hands over my face and ran them through my hair.

I only need a few more weeks.

The priestesses were also eager to help me and Tobias, but no matter how they tried they felt like something was blocking them.

Halo-halo na ang nagiging emosyon ko. I was torn between my hope to return home, to learn what really happened to me, and all my decisions that made these creatures, and Tobias believed that I chose this life than in the human world.

Kinalimutan ko na ba si Dave sa mundo ng mga tao? Paano ko agad natanggap ang lahat ng impormasyon na sumalubong sa akin sa mundong ito?

I couldn't even believe that I was aware of this world from the beginning. Sinabi nilang pinalaki ako ng mga lolo't lola na may alam na sa mundong ito.

I sighed. I laid back on my bed and stared at the dark ceiling of my room. Should I just ignore Tobias in my remaining weeks in this world? Alam ko ang epekto niya sa akin at hindi ko gugustuhin na higit pa akong mahirapan sa desisyon ko dahil lang sa atraksyon kong ito.

Maybe I'd take a boyfriend when I return and start dating?

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang kumidlat at kumulog sa Deltora na agad sinundan ng malakas na buhos ng ulan at hangin.

Hinila ko na lang ang kumot ko at higit na binalot ang sarili ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Hanggang sa ang tanging naalala ko na lang ng gabing iyon ay ang malakas na hampas ng ulan sa aking bintana.

***

Lumilipas lang naman ang araw ko sa pagharap sa mga babaylan. Pakikipag-usap kay Rosh at ang saglit na pagdalaw sa akin ni Tobias.

I tried to avoid him, but it seemed like he was really busy with his political affairs. Kaya hindi na ako nahihirapan pa na iwasan siya. Maagang nagpaalam sa akin si Rosh na aalis siya sa palasyo kaya sinabi niya sa akin na mas mabuting manatili na lang daw ako sa loob ng silid ko dahil baka magpang-abot na naman kami ni Marah.

What I noticed about her was she loved to talk. She might be aware that she had better strength than me, but she never crossed the line. Kaya talagang nauuwi lang talaga kami sa sagutan. Dati ay natatakot pa ako kay Pryor pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako, sa halip na yumuko at umiwas sa kanya ay pinagtataasan ko na rin siya ng kilay.

Hindi ko sinunod ang sinabi sa akin ni Rosh, lumabas ako sa silid ko. Napagpasiyahan ko na lang na magtungo sa isa sa silid-aklatan nila. Pinili ko iyong dulo na pansin ko ay hindi masyadong pinupuntahan, ngunit nagkamali ako ng desisyon.

I was about to enter the library when I heard Marah's voice. She was talking to her servant, asking for a snack.

Napangiwi ako. Gusto ko ng payapang araw ngayon, kaya tumalikod na ako. Hindi ko na siya gusto pang makita at hindi ko magagawang magbasa ng aklat dahil mag-aaway lang kami.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon