Chapter 47

6.4K 476 143
                                    

Chapter 47: Dark Alley

The pixies jumped off the water to remove the images on the water. I tilted my head and my eyes squinted to avoid the water droplets, but I still felt it on my cheeks.

"We have to hide the queen!"

Hindi agad ako nakagalaw sa posisyon ko. Hindi ba't ito naman ang gusto ko? I shouldn't let these pixies hide from me. Dapat ay hintayin ko na lang si Pryor sa lugar na ito dahil ibibigay na sa akin ni Tobias ang gusto ko.

"No. I'll just wait for him."

Nanlaki ang mga mata ng diwata, marahas silang umiling sa akin at higit silang nagliparan sa paligid ko na tila isang maling kasalanan ang sinabi kong iyon.

"The king loves you! He even cried!"

"Kawawa naman si King Tobias!"

Nagsimula nang mag-iyakan ang maliliit na diwata na ngayon ay tila nasa panig na ni Tobias.

"It was against his will!"

"We shouldn't let the queen return the palace!"

"Ask the other fairies to hide the mirror!"

Nagsisimula na rin magkagulo ang maliliit na diwata habang unti-unti na akong tumatayo. Dahan-dahan na akong humahakbang paatras upang hindi na nila ako mapigilan, ngunit nang sandaling mapansin nila ako ay agad silang nagliparan papalapit sa akin.

"No . . . get away from me!"

Sinubukan kong salagin ang mga diwata para hindi sila dumikit sa akin, ngunit wala akong nagawa. Para silang mga bubuyog na hindi mapigilan.

Sa kabila nang pilit kong pagtulak at pagsalag sa kanila, wala akong nagawa, lalo na nang bigla akong natalisod dahilan kung bakit bumagsak ako sa napakaraming bulaklak.

"Hide the queen!" anunsyo ng lider nila.

Noong una ay iilan pa lang sila, ngunit tila higit na dumami ang bilang nila sa bawat pagdikit nila sa katawan ko.

Both of my hands were trying to grab every pixie on my body, but as I threw one of them, more and more of them were attacking me. In the end, I just extended one of my hands as if I could grasp something to run away from them but that didn't stop them.

"No . . ."

I couldn't see the lights of the shrine as they completely overwhelmed me. "He's looking for me . . ." bulong ko.

Until I could no longer see my skin as I was covered by little fairies and their glowing wings. Before I knew it, my huge body disappeared in the air, and the dust of golden glisters scattered the whole shrine.

I gasped.

The pixies around me grew bigger. Their hands clasped all together in circles as they surrounded me happily. All of them were singing and dancing.

Marahas akong lumingon sa estatwa at higit akong napamura nang makitang mas lumaki iyon.

"No way . . ."

I shakily looked at my hand and when I looked down. I cursed under my breath. I was naked!

Hindi sila lumaki, kundi ako ang siyang lumiit. Marahas akong bumangon at tumakbo ako, ngunit higit akong natigilan nang makita ang nagtataasang mga damo at bulaklak.

"The queen needs a new dress!"

Nagliparan muli sila sa akin ngunit higit nang tumalim ang mga mata ko sa kanila. "Stay away from me!"

"But you will get cold!"

Muling lumipad sa paligid ko ang mga diwata at ang kumikinang na alikabok mula sa kanilang mga pakpak ang siyang unti-unting bumalot sa kahubaran ko.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon