Chapter 22

7.9K 638 221
                                    

Chapter 22: Campfire

We were gathered around, sitting on a wooden log, the crackling sound of the campfire echoed as the shadows of it danced playfully across our faces.

Blair, one of the princes of the prophecy was distributing a wooden mug filled with clean water.

"Here," he handed me and Tobias.

I smiled at him. "Thank you."

He nodded.

Tumalikod na sa amin si Blair at naupo na rin siya sa tabi ni Seth.

"Do you want it cold or hot?" Bulong sa akin ni Tobias nang marahan niyang hawakan ang mug ko.

"Oh?"

"The water," he whispered. His eyes looked so serious. I bit my lower lip and averted Tobias's eyes.

"I can make it hot or cold for you," dagdag niya.

Daig ko pa ang may water dispenser.

Water dispenser?

Hindi ko pa rin sinasalubong ang mga mata ni Tobias at nanatili akong nakatitig sa apoy kahit ramdam kong hantaran na siyang makatitig sa akin.

His face was so close that I could even feel his breathing. I tightened my grip around my wooden mug as I awkwardly glanced at the creatures in front of us. Surprisingly, as someone who couldn't see faces in the human world, I could clearly see the facial expressions of the three princes of the prophecy, Blair, Rosh, and Seth.

Napayuko ako at hindi ko na maiwasan ang ngiti sa mga labi ko. Akala ko ay hindi na darating ang panahong ito— na muli akong makakakita ng mukha at ekpresyon ng mga nilalang.

Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

I'm happy for you.

Tinanggal na ni Tobias ang hawak niya sa mug ko at naramdaman ko na lang ang likuran ng isang daliri niya para punasan ang biglang pagpatak ng luha ko.

Stop reading my mind!

Natatawa na ako at humarap na ako kay Tobias, hinawakan ko ang pisngi niya at hinawakan niya ang kamay kong naroon at mas humilig siya habang nakapikit.

Ilang beses may inubo sa harapan namin at nang lumipad ang mga mata ko sa unahan. Claret and Zen were busy with their wooden mugs, Rosh was coughing while Blair and Seth's brows were creased.

Marahas kong inagaw ang kamay ko kay Tobias at tumuwid ako sa aking pagkakaupo.

"May tubig ka pa ba, Blair? Lagyan mo nga ulit itong baso ko, isasaboy ko lang—I mean I am still thirsty."

Kukuha pa sana si Blair sa kanyang lagayan nang tamad na igalaw ni Tobias iyong daliri niya at sa isang iglap ay umawas na iyong tubig sa basong hawak ni Rosh.

"Anything else, Brother?"

Rosh rolled his eyes. "Anything else, Brother?" He mimicked him.

Nasamid na si Zen sa pagtawa, yumuko si Blair para pigilan ang sarili sa pagtawa at umiiling nang nakangisi si Seth. Maging si Claret ay natawa na rin.

Napahinga ako nang maluwag. Buong akala ko ay mahihirapan akong makisama sa kanila ngunit may mga ganitong parte naman pala sila kahit sa gitna ng ganitong sitwasyon.

It's good that Eyah— or should I say Freya was taking turns in taking care of the wounded goddess. Hindi ko alam kung magagawa ko pang tumawa kasama nila kung kaharap ko ang babaeng iyon.

Ngayon ko naiisip kung paano niya nagawang linlangin ang lahat. If she introduced herself as Veda's dearest friend, hindi pa inisip ng nina Claret at ng mga prinsipe na kaya niyang gawin ang lahat para sa kaibigan niya?

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon