Chapter 15

8.9K 573 60
                                    

Chapter 15: Ruins of the Old Museum

I swung my bag across my chest. I tightened my grip on its strap as I strode the long, white hallway of the hospital. Blurs of people passed by— doctors, nurses, other hospital staff, and even patients, I might have felt their eyes on me, maybe most of their brows were creased, some might grimace, and maybe some of them might have that look at me with curiosity or even pity, but I couldn't care less.

My face was still swelling, two band-aids covered the cuts on my cheeks, my neck was wrapped with a bandage and my whole body was still aching.

I could hear my every footstep as I followed the familiar path towards Dave's room. Nang sandaling makarating na ako sa harapan ng silid niya, ang tanging nagawa ko lang ay tumitig sa katawan niyang napupuno ng aparato.

It was all my fault. "You have to be alive, Dave. Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para mabuhay ka. And . . . I'd do everything in my power to put Vito and Eyah down. But not now . . ."

Napayuko ako. Ano nga ba ang kaya ko sa mga oras na ito?

They have the power and influence— and I don't have those. Madali nila akong mababaliktad at wala akong ibang paraan upang suportahan si Dave. Sino naman ang biglang magmamagandang loob na akuin ang lahat ng pangangailangan niya?

Hindi ko alam kung sino ang pamilya niya at tanging ako lang ang itinuring niyang pamilya— kapatid na nagdala pa sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Huminga ako nang malalim at hinawakan ko saglit ang bubog ng kanyang silid bago ako tumalikod at lumabas na sa hospital na iyon.

The moment I stepped outside of the hospital, I forced a smile on my face. "Alright! Here we go again!"

I spent years fooling everyone about my age, kaya nagagawa kong makapagtrabaho, isa pa hindi na rin naman iyon bago dahil marami rin katulad ko na maagang namulat sa hirap ng buhay. Pinasok ko lahat ng kaya kong trabaho para buhayin ang sarili ko.

"Kezalli, kunin mo ang order sa table number twenty-three!"

"Coming!" Masiglang sagot ko.

"What's your order, Sir?" Nakangiting bati ko sa mga customer.

Katulong ako sa kusina sa pagluluto, naghuhugas din ako ng plato, at nagmo-mop ng sahig. Akor in ang katulong nila sa pagpupunas ng mga lamesa.

Nakaranas din akong maging tindera sa palengke. Hindi mawala ang ngiti ko sa bawat araw habang hinaharap ko ang bawat tao sa bawat trabaho ko.

"Isang case daw po ng Red horse," sabi ng isang boy.

"Okay!"

"Dalawang bote ng mantika."

"Isang kaha po ng Malboro."

Ganoon lang ang bawat araw ko tuwing bakasyon. Minsan ay nasa mga parlor din ako na siyang naglilinis, kaya naturuan na din ako ng mga bakla roon kung paano maggupit.

Sa dami ng ginagawa ko ay hindi nakalilimot sina Eyah at Vito na magpadala ng mensahe sa akin sa mga susunod kong laban. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako sa dami at bigat ng mga ginagawa ko.

I just felt that I was born with a body with high survival skills. Dahil maging ako'y napapahanga na rin sa sarili ko dahil nagagawa kong mabuhay sa bawat laban ko.

Kasalukuyan kong sakbat ang malaking bag ko at nakatingala ako sa nasunog na museleo ng lolo't lola ko. Hindi ko akalain na matatagpuan ko muli ang sarili ko sa harapan ng lugar na ito, ngunit sa kabila ng lahat ng nararanasan ko, tila may bagay na pilit nagpapabalik sa akin.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon