Sympathise

1 0 0
                                    

ICE'S POV

I remember, we use to hang out sa fire exit and storage area ng airport. Well, you know, so we can do some little deeds nang walang makaka kita sa amin. Sa may roof deck natambay din kami. I went sa deck, wala. Storage area, wala din. Lastly, sa fire exit na ako pumunta.

May naririnig akong noise pag bukas ko ng pinto. Aba, may bago na palang naka tambay dito. I proceeded.

I am so upset from what I saw, it's Marquise kissing a ground crew rin upon seeing the uniform. She's already wearing the dress that I gave her.

Kailan pa?

I... I'm sorry. Lagi ka kasing wala. Oo, kasalanan ko, hindi ako nakuntento, gusto ko lagi lang kita kasama, and he's there pag wala ka.

What a lame excuse! I am very loyal to her, so much that I got no time for my friends and family for years! Ang tagal na namin! Tapos lolokohin lang pala nya ako dahil busy ako sa work? Of course, I'm doing this for us! I thought naiintindihan nya yun? I always texting her, giving her assurance na mahal ko sya and I missed her everyday. Pag may time naman ako, sa kanya agad ako dumideretso.

Lagi nyang sinasabi sa akin na sya lang dapat ang mahal ko, walang iba. Ginawa ko naman yun, ginawa ko ang lahat, di ba?

---

I went to my apartment, called the resto and cancelled the reservation, grab some drinks sa ref and became emotional as usual, I drunk myself to sleep.

I don't know kung ilang araw na akong naka kulong sa apartment. I am so heartbroken. All I do is eat and get a lot of sleep just to forget everything. I forgot na may trabaho ako, but for now I don't care. Para sa kanya lahat, ang future namin, bigla biglang wala na?

May kumakatok sa pinto. Nagulat ako, I'm still wearing what I'm wearing that night, I totally forgot myself. I look at my surroundings, puro take out boxes and bottles of beer. Bubuksan ko ba?

Nagtanong ako sa HR kung saan ka nakatira. Nag aalala kami sayo, sinabi ko na lang sa work na emergency leave ka. Pumasok ka na bukas, okay?

Pumasok sya sa loob, nag tanggal agad ng sapatos at pumunta agad ng kusina. Kumuha ng garbage bag at isa isang inipon ang mga kalat na meron ako sa bahay. Medyo natauhan na ako, tumulong na din akong mag ligpit pero pinapaligo nya muna ako. The stench, I know.

Hindi sya nagsasalita hanggang sa nalinis nya na lahat. Sya na din nagtapon ng mga kalat. Pinadala na nya yung mga damit ko sa laundry shop. Dumating na din yung pinadeliver nyang pagkain. Sabay kaming nakain.

Ice, wag mong kimkimin yan. May problema ba?

Just right after she asked me, tumulo agad ang luha ko. Kinuwento ko lahat ng nangyari that day.

Tinapik nya at hinahaplos ang likod ko, to comfort me.

Naging marupok sya because you're busy sa future nyo? Are you doing the deed almost everyday before, hindi natiis kaya nagpakamot sa iba?

Sa dami ng pagbabago sa kanya, yung pagiging taklesa ang hindi, may point naman sya as usual.

Why are you doing this?

Because I know what it feels. Simple.

Para akong sinaksak sa puso. After all ng nangyari, we abandoned her, nandito sya para ayusin ang apartment at damayan ako.

May mga kalat pa akong naiwan at nilinisan nya na lahat after namin kumain. Dumaan din sya sa grocery, bumalik and filled my ref with stuff. Late night na rin nung umalis sya. Hindi sya umalis hanggang di ako ngumingiti.

Tama sya, I still have a lot of time for myself, to fix myself. Those years with her, oo matagal din kami, but it's all a waste. Hayop sya, akala ko talaga sya na. Sya center ng buhay ko tapos gagaguhin lang pala ako. I never expect na lolokohin nya ako.

I have a career to be taken care of and doon ako dapat mag focus. Ako yung nag mahal ng sobra, pero bakit dapat ako ang masaktan the fact that I already did my part?

Ang dami kong nareceive na missed calls, chat and texts from her, na nag so-sorry and bumalik daw ako sa kanya. Of course I can't do that, that passionate kiss I witnessed is still in my head! Kailangan ko na talagang pumasok sa trabaho nang makalimot!

Sinalubong ako ng mga ka-trabaho ko, saying condolences. Nag thank you naman ako, sorry sa lolo ko he's with the Lord na but nagamit pa sya sa stupid excuse ko. But honestly, it was Tori's idea all along para hindi ako pagalitan ng superior namin.

--

Months have passed, and as usual, busy sa work. Nag eenjoy ako sa benefits na free travel, hindi nakaka boring ang ganda ng view from the top and the local foods we eat. Lagi akong bumibili ng pasalubong and pagdating ko sa Manila, I ship it right away sa parents ko. Of course nag titira ako for myself para when Tori drop by sa apartment, food trip kami.

Yes, you read that right. When time favors, pumupunta si Tori sa apartment para makipag kwentuhan at inuman. It's a relief na may makausap, topic lagi yung mga toxic na workmates namin and sa places na napupuntahan namin.

She's flying abroad na. Nakaka inggit, well, slight. Sana soon ako rin. Nag dadala sya ng mugs para dagdag daw sa collection ni mama. Lagi din nyang kinakamusta si ate. There's one time na nag video call kami at etong si ate, nagwawala sa kabilang parte ng mundo. And guess what? She already got a British boyfriend! Syempre, dream come true yan. Hopefully na maikasal sya sa guy, as we all know, gusto nya first and last love na.

When I asked kung may social media account sya, Linked In lang daw. I didn't asked for others pa baka maalala na naman nya ang nakaraan. Sinabi ko sa kanya na pinauupahan muna namin yung bahay.

Me too. Para hindi na rin ako pabalik-balik doon, they transferred their monthly rent sa account ko. Buti na lang mabait yung renters... Hay, namiss ko tuloy yung bahay.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon