TORI'S POV
Maaga kaming natapos mag movie marathon. Inaantok na agad si ate, dumeretso kasi dito after shift. Sabi nya sakin, after a month mag reresign na raw sya and mag hahanap na ng work abroad. Ilang taon na lang daw, mag reretire na si Tito kaya kailangan na daw nyang kumilos... Makabili na daw kahit maliit na lupa to serve as their retirement space sa hometown nila.
What I like about ate Cheese, kahit loka loka yan, she's very goal oriented. She will not stop hangga't di nya makuha yung things according to her plan. There are times na nag fe-fail sya, pero sabi nga nya...
If plan A fail, there's the whole alphabet. Pag naubos na ang alphabet, there's infinite numbers. Walang susuko bes!
Support tayo dyan of course. I just smiled at her and said goodluck. I don't know how to convey my overflowing happiness to her. After nito, baka matagal na ulit kami magkita.
--
Lumalim na lang ang gabi at nag iinuman padin kami ni Ice. Himala talaga, medyo tumaas na ang tolerance ko sa beer. Nag iinom kasi ako every weekend. Nagulat nga si Ice bakit ang dami ko daw beer sa ref.
Kinuwento nga nya yung about sa kanila ni Marquise, about dun sa last group project nila, yung trip nilang mga tropa nya na tiga sa amin, so on and so fourth. He asked me some questions pero tipid lang mga sagot ko. I'm trying not to drain myself agad kaya hanggang maaari ayaw ko mag kwento talaga. At sa tagal nang panahon, I used to be with Nanay, sa kanya na lang ako comfortable makipag usap.
Mind you, ang ganda ng speaking voice ni Ice, bagay na bagay sa physique nya...
I'm just looking at him right now, smiling habang nag kukwento sa love of his life. Actually, I don't know what I'm feeling right now, nagpa-palpitate ba ako sa dami ng nainom ko or dahil sa kanya?
Gosh, baka kung ano pa masabi ko kung uminom pa ako ng madami. So I already said goodnight at natulog na sa white room.
--
The next day, nag break fast kaming tatlo ng sabay pero in a hurry si ate, hindi ko na inalam kung bakit. Si Ice pala gumawa ng almusal. Ang aga nagising, anong oras na kami natapos. Di na yata natulog to.
Nag ligpit lang sila ng mga kinainan and kalat from yesterday at umalis kaagad. Sabi nya may lakad daw sila ni ate with Marquise. Now I know, I'm jealous of her excitement with her, kitang kita sa mga mata nya. Kating-kati syang umalis. Sana ako din...
Nagseselos lang siguro ako kasi madalang na sila dito, now that I need them more para kahit paano, makalimot sana sa problema. And I will miss what we usually do, actually bumili din sila ng bike kaya may times na napasyal kami. But of course, everything is different now. I don't know if this feeling is understandable, I feel so selfish.
I will try my very best na umiwas sa kanila, especially to Ice, habang hindi pa ganun kasakit. I don't want to have another heartbreak. Having a broken family is already too much to bear.
Yes, I like Ice. Ngayon ko lang na realize. Noong mga nakaraan, I tried na iwasan yung feeling ko, and still I do. Pero hindi to tama. May girlfriend yung tao. Hopefully, habang maaga pa, hindi na lumaki pa ang feelings ko sa kanya. Okay na din siguro yung umiwas and all para walang gulo.
--
Fast forward, nag OJT na pala ako sa isang travel agency. I love what I do. For me, simple lang yung ginagawa ko, na pick-up ko agad yung mga itinuro sa akin; and we only have weekdays kaya ginagawa ko 12 hrs akong nag duty para mas mabilis ko matapos yung 600 hours ko.
If you ask me, wala na akong balita sa kanila. I turned away myself to the world, well, hindi naman literally, I mean sa mundo na I used to have. My parents are trying to stay sa bahay, overnight lang, minsan nga wala pang isang araw, tama na yung maghapon tapos aalis na sila. Sometimes, iiwanan na lang nila ako with an allowance in my account and a ref and pantry cabinet full of groceries. Ano naman ngayon? Oo iisipin nyo, I have it all naman, but do I really?
I changed my schedule to afternoon until night sa uni until nakapag OJT. Morning person ako, kaya mahirap sakin mag adjust. Yes minsan, nakakasalubong ko sila but I rather put my headphones on and umiwas tignan or kausapin. I have a new set of friends sa uni and they're okay naman. May times na inaaya nila akong mag inom lalo na pag friday night and uuwi na ako sa bahay kinabukasan.
Back to present, nag birthday dinner muna kami with the celebrant, manager namin sa travel agency. After nun, hindi na muna ako umuwi. Nag kape na muna ako.
Mind if I join you?
Hindi ko sya namukhaan kaagad. Si Marius pala! Naka pustura kasi sya ngayon, lalong pumogi! Well anyway, tagal ko na ding walang nakausap ng matagal kaya I'm thankful for him. Hindi na rin sya yung mahiyaing lalaki before. Nilibre nya ako ng cake since coffee lang binili ko.
We became friends, exchange numbers and left.
As usual, tuloy-tuloy ang training namin hanggang maubos ang training hours. Pag uwi ng bahay, nasa harap ulit ako ng PC, inuunti-unti ko na yung documentation para ilang araw after ko matapos ang OJT hours, makakapag pasa na ako and finally waiting na lang for graduation. I'm planning for a solo trip kasi, sa malapit lang. Ang daming drama sa buhay ko for the past months. Gusto ko, ako naman muna.
--
It's the weekend, nag bike muna ako along the village papunta sa park na na-mention ko na before. Nag sudden stop ako kasi hindi tumitingin sa daan itong dalawang natawaid.
Si Dave at ang jowa nya pala...
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days