ICE'S POV
I feel bad for her. Masakit para sa kanya na makita nyang may ka holding hands ang shota nya, este ex, at lalake pa. Well, kung ako din siguro, masasktan ako, obviously.
Have you already move on kay Maine? Yung totoo?
Matagal akong di naka move on sa kanya, pero nung finally nakausap ko sya, gumaan ang pakiramdam ko. Tsaka ang tagal na rin nun.
Gusto ko sana na makapag usap din kami, baka gumaan ang feeling ko. Haaayyy...
Tumahimik ulit, lumiliit na ang apoy ng bonfire.
Kinuha ni Tori ang beer ko.
Bakit ang lamya naman ng lasa neto? Mahina ka pala e.
Sakto lang naman ah, nasa level 5 daw yan.
Inabot nya sakin ang beer nya, tikaman ko daw. Ang tapang ng alak nya, heto pala yung level 7 daw. 8 beers ang pinakilala sa amin, ranges from light, level 1 to pinaka matapang which is 8. But honestly, masarap.
Mauuna na sana akong pumasok sa room namin pero si Tori ayaw pa. Malamig na at wala na ang apoy, hinila ko na lang papunta doon at naku, akala ata nya ang gaan gaan nya. Nung nilakasan ko ang pwersa para hilain sya, nasa likod lang namin yung upuan at wala na akong maatrasan, ending, bumagsak kami.
Nakapatong sya sa akin, nagka titigan kami at na realize namin na mali. Tumayo kami kaagad.
Ayaw pa kasi pumasok at matulog, ayan tuloy ang daming buhangin sa damit ko.
Asus! Kung maka titig ka nga dyan, feeling ko matutunaw ako. Don't tell me...?
Kilabutan ka unano! Nakainom ka lang, ikaw ang mahina haha!
Sino kaya ang bumagsak? Che!
~~~
Malapit na finals namin, grabe, ilang taon na lang, graduate na kami! Iniisip ko tuloy, ano kaya ang mangyayari sa future ko? Nakaka praning. Hindi applicable sa lahat na yung kung anong gusto mong mangyari sayo in the future ay mangyayari talaga. For example, yung kapitbahay namin. Cum laude sya at gusto nyang maging flight attendant, but he ended up in BPO. Uy, don't get me wrong ha? But it really happens in reality. Sakin okay lang naman yan, kung saan ako dalhin ng kapalaran, doon ako, at impotante may trabaho. Maging praktikal kumbaga, doon kikita e. Pero wag ka, yang kapitbahay namin na yan, di man nasunod ang gusto nyang trabaho, tumaas naman ng mabilisan ang position nya, and since may connection naman sa course nya, kinaibahan lang is nasa office. Not bad, right?
Anyway, ang dami ko nang sinabi, advance talaga ako mag isip.
--
After ng tour namin, biglang dumami ang nanliligaw dito kay unano. Nalaman nga kasing single kaya ayan naglipana sila. Lagi nga syang nasa likod ko pag uuwi na kami kasi sasalubungin sya ng mga yun. Ang haba ng buhok ng unanong 'to.
Naku ikaw grabeng blessings naman ang dumating sayo. May natipuhan ka na ba?
Asan ang blessings dyan? And Ate, ayoko pa. Alam mo yan. Required ba mag jowa pag single na?
Binato ako ni ate ng libro kakatawa ko. Totoo naman, masyado nyang pinangungunahan e. Ang kapal din na ngumata ng chocolates na di naman kanya. Hindi kasi mahilig sa flowers si Tori, kaya puro chocolates binibigay sa kanya.
Nasa bahay na kami ni ate. Maligo lang daw kami at magbihis tapos doon kami kila Tori matutulog. Iba talaga to, ginawang extension ang bahay nila. Buti na lang, very welcoming ang parents nya.
Dumating kami, nagluluto na sya ng hapunan namin. Pork steak niluto nya, so far sa lahat ng mga natikman kong luto nya, yun na ang pinaka masarap. Tapos heto, movie marathon uli kami habang nainom. Tahimik lang yung dalawa, pinapakiramdaman ko kung sino unang magsasalita sa kanila.
Huy ate, nano. Bakit ang tahimik nyo naman? Naninibago ako sa inyo ah.
Shhhhh!!!
At sabay pa talaga ha. Mahilig kasi sila sa movies, ako lang hindi kaya di ako naka focus. Heto, chatting and texting muna... Si Marquise, same year, different section. Sila yung kasama namin sa bus nung tour. Naging friends kami sa social media after ko malaman ang name nya, bali friend sya ng tropa ko sa school.
As usual, wala namang masamang makipag chat sa iba, dahil una, single naman ako, same age, tsaka whatever happens, happens. Nasa getting to know stage na kami. Paano ba... Almost the same height nya na ako, but of course I'm still the tallest, fair skinned at malaki ang mga mata nya, I like girls with big eyes.
Tulog na si Tori nung sumilip si ate sa phone ko. And yes, dito ulit ako sa kuwarto ni Tori natutulog.
Yan? Malaki naman din mata ni Tori ah, ang amo pa. Bakit di na lang sya jowain mo?
Ano ate, pala desisyon?
Kung ako lalake, jojowain ko yan si Tori. Can't you see?
Can't you see ano?
Bumaba muna ako para uminom ng tubig. Parang ewan ko si ate e. Minsan talaga tinutulak ako nito kay nano. Nag stay muna ako sa kusina nila, tinawagan ko si Quise at nag usap.
Nag iinit na tenga ko sa phone nung tapos na kami mag usap. Mantakin mo ba namang 3 hrs kami sa phone. Well not all the time nag uusap kami, may times na enough na yung marinig namin ang hininga ng isa't-isa. Abot langit ang ngiti ko.
Nakita ko si Tori, kumuha ng alak sa ref at dere-derecho ang inom.
Uy Tori, kagigising mo lang, wala pang laman tyan mo, mapano ka.
Ice...
Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa mga sinabi nya.
... Hiwalay na parents ko. Matagal na, pero I don't know when. Kanina lang nila sainabi sakin. Ginagawa nilang excuse ang mag vacay, pero iba na pala mga kasama nila. May saril-sarili na din silang bahay. Pakitang-tao na lang pala sila pag kumpleto kami sa bahay.
Paano na ako?
Iyak sya ng iyak. Hindi ko alam kung paano mapagaan ang pakiramdam nya, binigyan ko ng tissue, ng tubig para mahimasmasan, ayaw naman.
Niyakap nya ako. Nagulat ako.
Humagulgol sya ng iyak, binuhos nya lahat ng sakit, ng sama ng loob. Hinayaan ko na lang sya, tinatapik ang likod, kung ito ang magpapagaan ng loob nya.
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days