TORI'S POV
Bakante ang bahay namin ngayon, and ako na ang pumunta para maglinis. Usually kasi I'm hiring cleaners dahil busy ako but sakto rest day ko ngayon.
Mabait yung previous renter, nilinisan na nya yung bahay kaya konting punas at linis lang ginawa ko, pati mga banyo nalinisan na din nila. Nag check na lang ako kung may mga possible na ayusin like a leaking faucet or sirang kisame at tiles, I made a list and tinawagan ko yung regular na tiga ayos namin ng bahay.
Habang nag hihintay ako na dumating sila, nag order na ako ng tanghalian ko, dinamay ko na din sila, dalawa daw kasi sila ng anak nya na mag aayos ng mga sira.
Dumating na yung order ko nung dumating si Ice. Nagulat ako of course, akala ko may pasok sya. I texted him na uuwi ako sa amin to check the house nga.
Mag isa ka lang na babae dito, dapat bantayan kita.
My god Ice! You're so baduy ha? Ganyan ka pala haha! Parang others naman sayo sila kuya? Anyway, may extra pa akong food since madami akong inorder for myself, kain tayo.
Sabi samin nila kuya Ricky na minor lang ang aayusin at kailangan na daw nila bumili ng gagamitin. Pinakain ko muna sila ng lunch bago sila pumunta ng hardware. Naiwan lang kami ni Ice sa labas, sa ilalim ng puno.
Habang wala sila, nag ikot muna ako sa loob ng bahay, sa kusina at sa kuwarto ko. It brings back good memories.
You know, to be honest, I was looking at you back then while you were sleeping. Alam kong may feelings na but I refuse to like you kasi we're almost like siblings back then. I tried to look for another until I found my ex which I loved so much. It's just that, ayokong masira ang friendship nating tatlo.
Pero iniwasan ko kayo. Why? Because may girlfriend ka. Obviously, pagseselosan ako nun and I don't want that to happen. Babae ako, so I kniw hiw it feels. Not also that, I tried to avoid you not just because of what is happening on my personal life, it's because the night na mag co-confess na sana ako sayo, is the night you said that you like someone else.
---
ICE'S POV
I am also the reason for her pain.
Sana huwag mo sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan, ngayon mo nga lang nalaman diba? Choice ko na umiwas and to heal on my own. Kasi yun lang ang nakikita ko na reason for me to grow and to learn how to be independent, and also to move on. Tinuruan ko sarili ko na mabuhay mag-isa kasi obviously, they left me.
Ngumiti lang sya sa akin. My admiration for her grew stronger. Kinaya nya lahat ng yun? She doesn't deserve all of it but mapapatanong ka, bakit sya?
Hinintay namin matapos yung repairs. Almost 5 pm natapos na sila. Hindi pa kami umalis, ayaw pa nya raw.
Namiss nya ang bahay, lalo na yung times na mag-isa sya, nasa duyan, nagbabasa ng libro, nag aalaga ng halaman or mag two bottles bago matulog. Iniisip ko tuloy, baka malabong sagutin nya ako kasi she prefers to be alone na all the time so I asked her.
It's fun to be alone especially when you get used to it. The deafening silence while flipping book pages amuses me... Pero kung may darating para sa akin, bakit ko naman yun tatanggihan, diba? I have this fear na iiwanan ako ng mga taong mahal ko tulad na lang ng ginawa nila mama sa akin and hindi biro yung sakit na na-feel ko, it's the thing that's hindering me from falling in love.
Hindi ko alam how will I assure her na hindi ko gagawing iwan sya kung sakali man na maging kami, ayoko maging mayabang ang dating ko sa kanya. But one thing is for sure, I'm a loyal man, and I won't leave her alone if ever.
Tara na nga, bumalik na tayo.
---
TORI'S POV
Bigla na lang tumawag si mama from nowhere, wala namang occassion or what. Nasa mall daw sya malapit sa airport. Sakto rest day ko, I hurriedly went there.
I was a bit shocked na nandoon si Ice kasama ang mama ko, paalis na din daw sya at may flight sya later, kinindatan nga ako. Kami na lang ni mama ang naiwan. Nag order na rin sya ng pagkain namin.
Why you didn't tell me, manliligaw mo na si Ice? Yeee!
Hindi na ako sumagot, kasi alam kong boto sya sa kanya. She also ask me kung bakit pinapatagal ko pa. I said na may pag asa naman sya pero huwag naman agad-agad.
Sus! Ganun din yun 'nak. Doon din kayo papunta, go na!
I'm just smiling kasi parang teen-ager si mama kung kiligin. It's time for me to have a love life naman, we're almost at the end of our 20s at baka mahinog na daw ang matris ko. Bakit nakarating agad ang usapan sa ganyan? Hay mama talaga!
But in all fairness, I like what Ice did. Kasi he asking permission na manligaw sa akin. May konting kilig, yes. Yet pinipigilan parin ako ng sarili ko dahil alam kong when I fall in love, I fall hard.
---
Papa called me. Si mama talaga, ipinagkalat agad, sabi nya bakit daw hindi ako nagkukwento. And like mama, gusto din nya si Ice for me. I'm happy kasi if ever na sagutin ko sya, hindi na ako mahihirapan na suyuin pa ang parents ko to like him, after all matagal na kaming magkakilala. Papa even demanded na magkita raw kami at magkwento ako. I said sa next rest day ko na lang and masyado nang gabi para umalis pa.
Dinaanan ako the next day ni Nanay Melda. Sobrang saya ko, ang tagal naming hindi nagkita! Hinatid nya ang anak nya kahapon sa airport and isa yun sa pinaka masayang mga araw ng buhay nya dahil nakasama nya ng matagal ang isa sa mga anak nya. Natapos daw kaagad maasikaso yung kailangan nyang asikasuhin at namasyal raw sila sa mall, museum at park. Mas magiging masaya daw sya kung sana kumpleto sila ng mga anak nya na nagsasaya at namamasyal. I told her bakit hindi na sya mag stay na lang sa province at di hamak na mas maayos ang buhay nya doon, makakasama pa nya ang anak nya, but she told me na namimiss nya daw ako. Hay nanay talaga! Namiss ko talaga sya!
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days