Looking

2 0 0
                                    

ICE'S POV

Finally! Natapos ko na rin ang months of training! Mahirap sya, yes. But I love what I'm doing.

Baka naman makahanap ka ng ibang babae sa ibang lugar? O baka naman sa ka-trabaho mo. Puputulin ko talaga yan!

Of course babe, ikaw lang.

First day ko na officially as FA. Assigned ako sa economy class. Hours before the flight, nag introduction muna kami ng kasama kong si Khel. Sabay kaming na hire at na train, sya rin ang naging close ko. Bonus na yung kasama ko sya ngayon at least di awkward ang first day of work.

Dumating ang nga tenured naming kasama at ang aming flight service manager. Pinakilala nya kami sa kanila.

May na late ng 2 mins, yung gulat ko, not being OA but as in nagulat talaga, si Tori!

Pinakilala din sya sa amin, ang name na nasa badge nya is Victoria. Kaka assign daw nya sa business class at matagal na sya dito sa airline.

Naks naman! Akala ko di ka makakapasok as FA, ang liit mo kaya!

Sobra ka sakin ha, 5'5" naman ako. Matangkad ka lang talaga.

Nag kamustahan kami habang nag take off ang eroplano, magkatabi kami sa upuan. Ibang iba na sya, maliban sa name nya sa badge, pati ang tindig nya, the way na magsalita sya, pati ngiti nya. Siguro dahil sa trabaho din namin, o baka dahil sa ginawa ng buhay sa kanya. Nahihiya pa akong tanungin sya about personal stuff but maybe soon, dadating din kami dyan. Nahihiya rin ako, sa tagal naming di nag usap, tsaka senior ko sya. By the way, local flight kami, papuntang Dumaguete.

Pag baba namin ng eroplano, mayroon kaming a day and a half para mag ikot-ikot outside airport. Lumabas kaagad kami ni Khel pag lagay ng gamit namin sa hotel room, nag lakad-lakad ng konti at di kami familiar doon.

Maurice, Michael! Sama kayo samin!

Tinawag nya ako as Maurice. Nakakapanibago... At kinilabutan ako doon, no one calls me by that name except sa parents ko pag pinagagalitan nila ako.

Ayos ba? Gusto mo full name ko pa?

Mapang asar padin sya but in a different way, as I said, iba na the way she speaks.

Nauna na ang iba naming kasama kung saan kami kakain. Naiwan kami tsaka si Khel. Dumaan kami sa isang souvenir shop habang bukas pa daw. As promised, bumili ako ng ref magnet para kay Quise, bumili na rin ako ng mug dahil collection yun ni Mama at bumili na rin ako ng silvanas.

Ang sarap ng pagkain dito kung san kami kumain, ang mura pa. Nagtagal pa kami ng ilang oras para mag inom, before 11, nakabalik na kami ng Hotel.

Ay shit, nakalimutan kong hingiin number ni Tori. Para finally, magkaroon na din sila ng communication ni ate. Malaki ang naging pagkukulang namin ni ate bilang mga kaibigan kaya gusto sana naming bumawi.

Pagbalik namin sa Manila, binalita ko kaagad kay ate ang good news, she's so thrilled.

Of all the chances, sa trabaho pa talaga kayo ulit magkikita. Ano yan magkasama kayo palagi?

Of course not. There are times lang but I don't know when's next.

I texted my girlfriend para ibalita sa kanya na nakabalik na ako. Hinintay ko na matapos ang shift and nag dinner afterwards. Mamayang madaling-araw, lipad ulit kami.

Nag rent na rin ako ng apartment malapit sa airport para hindi na mahirap pa na bumyahe, with the permission of my parents na din lalo na si Mama, she's always dead worried everytime na wala kami sa bahay so she helped me na makahanap ng place to stay at para alam na rin nya kung saan ako titira, I even gave her my duplicate keys. She felt sad kasi wala na nga si ate, pati ako umalis na din sa bahay. A month after, lilipat na sila sa farmhouse na pinagawa ni ate at mababakante na ang bahay. Nandoon parin naman si Nanay Melda to check and clean the house if needed.

--

Many months passed, I prepared a dinner in a hotel, to celebrate our anniversary and also to surprise her with a ring. Yes, I will propose to her.  Sobrang excited na ako, kinakabahan, iniisip ang sasabihin ko before popping the question.

Hindi muna ako nagpakita sa kanya throughout the day, sinabi ko na pabalik pa lang ako sa Manila which is not true. I filed a leave for this one. I just texted her na after shift, dumeretso na sya sa sinabi kong address. I give her a dress na susuotin nya for the occasion.

Tinitigan ko ng paulit-ulit ang singsing. I hope she will love it. I'm excited na isuot to sa kanya and to have our marriage plans. I can't wait to hear her 'yes'.

Maaga akong nakapag prepare, I checked the reservation and the set up, bought flowers and now I'm on my way sa trabaho nya. Nag sudden change ako ng plans, susunduin ko na sya.

Iniwan ko muna yung flowers sa kotse na hiniram ko muna kay Papa. I'm looking for her everywhere. Nag tanong tanong ako sa mga workmates nya, sabi kaka-out lang nya 10 minutes ago. Wala naman syang update sakin, naku, baka nagmadali nang pumunta sa venue.

Ice...

Pinatigil ako ng ka-trabaho ko dati at kumpare ko sa binyag na si Jethro.

Kanina ka pa paikot-ikot dito ha? Di pa sya nakakalabas dito, look better. Saan ba kayo usual na tumatambay during breaktime?

Oo nga. Hindi ko naisip, baka nandoon sya sa isa sa mga madalas namin tambayan, or nasa CR pa siguro para mag ayos. Nakisuyo pa ako sa workmates nya to check the restrooms pero wala sya.

I'm still searching for her. Naku Marquise, you don't need to prepare too much, just the dress and light make up will make you the most beautiful girl for me.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon