TORI'S POV
Miss na miss ko na si nanay, sobra. Pero mas pipiliin ko na sa province na lang sya tumira kung nasaan yung anak nya. Wala naman daw problema sa kanila kung doon si nanay and they even provide a small house na just for her. Sya lang daw talaga ang nagpupumilit na mag stay malapit sa amin.
Dahil may flight ako, iniwan ko muna si nanay sa bahay at doon na muna sya mag stay for days, next rest day ko babalik kami kila Ice.
---
ICE'S POV
Nay! Kamusta po kayo?
Aba, at bakit may susi ka ng bahay ni Tori? Hmmm?
Ipinahiram lang nya sakin. Nagkasalubong kami sa airport, nag alala sya na walang makakain si nanay kaya pinakisuyo nya na bilhan sya ng hapunan.
Anak, samahan mo muna ako. Kamusta na kayo ni Tori?
Hindi ko alam kung bakit pa ako pinag pawisan ng malagkit.
Alam ko na, huwag ka na mahiya sa akin. Basta ang bilin ko ha? Naalala ko ba sinabi ko sayo nung nasa bukid tayo?
O-opo nay, para kay Tori nay, hindi ko sya sasaktan.
Ilang oras din kami nag usap at sabay na din kumain ng hapunan bago bumalik sa apartment. Ang daming nakuwento ni nanay sa akin, all of the hardships and resentment Tori faced. She almost celebrated her graduation alone, kung hindi dahil sa kanya, buong araw syang walang kasama. Si nanay ang naging magulang at kaibigan nya from then until now. Kaya pala nung papunta kami sa bukid masaya sya na kasama si nanay.
Nasaktan ako. Pinipigilan ko umiyak habang nagkukwento si nanay sa akin. Sa hiwalayan ng mga magulang, ang anak ang pinaka nasasaktan, naiipit sa gitna, naiiwan mag isa. Tapos iniwan pa namin sya, hindi namin sya nabigyan ng konting oras, doon pa sa mas kailangan nya kami, doon kami wala. Inisip ko, naging makasarili ako.
Nag recall sa isip ko ang mga sinabi ni nanay sakin.
Anak, wala kang kasalanan. Lahat tayo may kanya-kanyang pinagdadaanan. Nagkataon lang na masaya ka noong mga panahon na yun at sya hindi.
... Nangyayari talagang iikot lang ang mundo mo sa taong mahal mo at wala nang iba, hindi tayo makasarili, selfless oo... ganoon naman tayo pag nagmamahal, diba?
... Ayaw lang din niya na abalahin pa kayo dahil ayaw nyang maging malungkot kayo para sa kanya gayung masaya kayo sa buhay nyo... Kaya sya umiwas.
Kahit sabihin ni nanay na wala akong kasalanan, I still blame myself.
Kinabukasan, nag chat sa akin si Tori, thanking me na sinamahan ko si Nanay. Rest day nya and uuwi sila sa bahay namin. Sakto na hindi na din nagtagal yung nag rent kaya si nanay na pinatira namin at tulad ng dating gawi, kasama nya ang mga ka zumba nya sa plaza. Actually, hindi na dapat nya kami responsibility kasi matanda na kami ni ate. Gusto namin na magpahinga na sya kasama ng anak nya pero pinili nya na mag stay dito. Nakakalungkot naman daw ang bahay kung walang tao. Kaya kahit anong pilit namin, hindi na namin sya kinontra pa.
Tinawagan ko nga sila mama para kunin si nanay at doon na muna sa kanila tumira para naman may iba pa silang kasama at kampante kami ni Tori na safe si nanay dahil matanda na nga ito at nag iisa lang sa bahay.
---
TORI'S POV
Huy! Ikaw ha, di ka nagsasabi na nililgawan ka na ni Ice? Kelan pa? Sa wakas!
Gabi na nung nakauwi ako ng apartment galing sa bahay nila Ice, tumawag si ate, nagtatanggal pa ng muta sa mata habang ka video call ko.
Nalaman daw nya ang balita sa parents nya, na sinabi naman ni nanay. Ang bilis kumalat ng balita!
Kinamusta ko ang married life nya at kung saan sila nag honeymoon. For now, wala pa silang plano mag baby at nag eenjoy pa sila sa isa't-isa. Mahirap nga naman daw na hindi pa handa emotionally especially sa financial dahil hindi biro mag alaga at magpalaki ng bata.
---
Lumipas na rin ang ilang linggo, biglang nambulabog ang mag jowa para mag clubbing daw kami. Namiss daw nila ako. If I know, gusto lang nila sumagap sa balita na kumalat sa mga chismosa ng village, which is true. Ang ingay nilang dalawa sa phone pero pinababa ko na kasi malapit na ako mag duty.
Sa ngayon, parehas na kami ni Ice nakakalipad internationally, bago na rin ang mga uniform namin; and may 4 storey apartment na mas malapit sa airport na lilipatan namin. Gusto nya tabi kami, ayaw ko. Gusto ko sa may pinakadulo ng 4th floor para solo ko ang terrace, mas accessible sa roofdeck at malapit sa fire exit.
Nasa iisang lugar na nga tayo, gusto mo pa lagi tayong magkita, ang over Maurice!
Ano naman ngayon? Ayaw mo nun? Makikita mo ako araw-araw?
Wow lang ha? Kapal mo!
Pinili na lang nya sa 3rd floor dulo din daw. Para hindi daw mahirap mag abot ng pagkain kasi nga naman, 1 floor lang pagitan namin or if we feel lazy daw, idadaan na lang nya sa terrace gamit ng rope.
---
ICE'S POV
Months passed, nakalipat na kami ni Tori, mga one week na rin. Binigyan kami ng two days leave para asikasuhin ang paglilipat. Alternate kaming mga katrabaho ko since majority kami-kami ang nag rent sa buong apartment building. Si Michael, napa rent na rin, nasa 2nd floor sila kung saan may mga 1 bedroom included, and yup, magkasama sila ng girlfriend nya. 3rd and 4th floors are studio type rooms.
We also conducted garage sale bago kami lumipat ng mga katrabaho namin. Well, I need to let go of some things like yung mga bigay ng ex ko, ayaw naman din nya na ibalik ko pa sa kanya. Proceeds are in the company's foundation. Tuwang-tuwa ang kumpanya and we actually gave us incentive for the job well done.
Almost a year na din since nag confess ako kay Tori. Hindi naman sa nagmamadali ako but, do you think may pag-asa ako sa kanya? Hmmm, hindi naman nya siguro ako i-e-entertain kung wala, diba?
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days