Solo

1 0 0
                                    

TORI'S POV

...Nakuryente ako nung accidentally nahawakan nya ang kamay ko!

Ah! No, no, just no! We are friends and colleagues. Hindi pwedeng may malisya kami!

Iuuwe ko ung isang loaf ha? Food ko habang nasa fight bukas.

Saan ka nyan?

Panglao kami. Kasama ko for the 1st time yung oppa mo.

Anong oppa ko dyan? Ah! Si Darryl? Wag ka nga dyan, oppa-kan kita!

Ay ang korni! Maisingit lang!

And he's not my type, pogi yes. But like? No, not a bit!

Tanda mo na, wala ka pa din shoshotain? Taas naman ng standards mo!

Hindi naman sa ganun, e sa walang lumalapit... Simply means it's not my time yet. Enjoy muna!

Kunwari pa 'to. Wag ka na mahiya! Ako talaga ang type mo, diba?

MY GOD MAURICE!

End of flashback

--

ICE'S POV

This is it! Kakalapag lang namin sa airport, nasa Boracay na kami! Finally, masosolo ko na din este kasama si Tori. Sa bagay, mamaya masosolo ko din sya kasi for sure gugustuhin din nila ate na mag stroll nang dalawa lang sila. Hay, what am I thinking? I'm actually planning na dito ako mag confess sa kanya, what do you think? Am I ready?

We are adults, have our career and savings. Hindi na kami high school na pabebe and mag alanganin when it comes to love life kasi we're on the right age. But that does not mean we will be pressured sa sinasabi ng iba na 'matanda ka na, kailan ka magkaka girlfriend/asawa?' Matanda na nga kami, and this is not the time na maglaro pa ako; and papasok ka sa relationship, pero handa ka ba? Heck yes! I won't play her heart! Shit, how cringe!

Maurice, ang lalim ng iniisip mo kanina pa, nandito na tayo sa hotel!

Alastair rented a two bedroom suite. Pinaghandaan nya daw talaga 'to kasi isa to sa mga dream destination nya, and this will be the last place na magiging single silang dalawa.

What?

Surprise! Sa huwes kami ikakasal pagbalik natin. Then we'll spend a week at babalik na kami doon.

We will have a wedding also in the UK. We talked about it with your parents and they will go there in the next six months. Hope you can come Maurice, also you Victoria.

Tumanggi si Tori kasi family affair daw. Sabi naman ni Alastair, part na din naman sya ng family kasi family friend sya.

...wait Alastair, just wait.

--

Day three na kami sa Boracay. On our 1st day puro kami kain at pahinga, 2nd day water activities. Half of this day is water activity rin and the other half, bahala na daw kami. Solo daw muna sila ng shota nya sabi ni ate.

I'm giving you a chance ha? Ayusin mo, umamin ka na!

Dito talaga ate? Hindi ba pwedeng mag enjoy lang tayo bakit may pag-ganyan pa?

Why not? This is Boracay! One of the best place to confess your feelings! Look, the place is so romantic diba? Saan mo gusto, sa eroplano while on duty? Eww!

Hindi ko alam kung susundin ko si ate. May point naman sya, isa pa, kami lang dalawa mamaya.

--

After lunch, nagpaalam na sila ate. Wala naman silang sinabi kung saan. But okay... Kami na lang dalawa. Noon pag kami lang, hindi naman ganito yung feeling ko, para akong nilalamig pero pinagpapawisan. Kinakabahan ako.

Ice, okay ka lang? Bakit pawisan ka? Di pa nga tayo nakakalabas sa resto.

Hinihintay ko sya matapos yung buco salad nya. Ang takaw nya since day 1. Can't blame her, masarap naman talaga yung food. Ate carefully searched about the places and food because obviously, sino ba namang gusto ma-ruin ang vacation?

Nag aya na syang bumalik sa hotel. Napagod daw sya sa water activities since yesterday at sumakit daw yung katawan nya. Pagbalik namin, pinagpahinga ko na and inabutan ko ng gamot.

Mamaya, labas tayo ha? Idlip lang ako.

Anyway, sa sala ako natutulog. We're staying at 2 bedroom suite. Alam nyo na kung sino may pakana, but of course gentleman naman ako. Yes, I like her pero ayaw ko namang samantalahin yun.

--

TORI'S POV

Sarap ng tulog ko. I checked the time at napasobra pa nga. I'm not used to activities na buong katawan ang gamit.

Malapit na rin mag sunset, Boracay has one of the beat sunsets in the world for me. Kahit 2 days ko na sya nakikita, hind parin ako nagsasawa.

Ginising ko si Ice. Nakakahiya pinag hintay ko pa, sabi ko iidlip lang ako pero anong oras na. Pinagmadali ko pa sya kasi gusto ko mahabol ang sunset.

Kanina pa nga wala sila ate kaya tinanong ko sa kanya, wala rin syang alam, basta ang sabi, they want time for themselves naman. So paano naman kami nitong kasama ko?

Actually, since nagka ground ako, I feel so awkward pero I'm trying na hindi nya sana ma feel kasi because ayaw ko namang magkailangan kami. Tinatawagan ko nga si Nanay pero ayaw nyang sagutin mga tawag ko kaya tinawagan ko ang kapitbahay nila sa province, yup I have their number and said busy daw sa pa activities ng barangay. Papalapit na kasi ang fiesta sa province nila. Ay oo, umuwi pala sya sa kanila. And I'm so dumb not thinking na mahina pala ang signal sa kanila. Kaya kahit sagutin ni Nanay, hindi rin kami magkakaintindihan. Gusto ko sana ishare sa kanya yung feelings ko towards Ice. I kind of like him kasi ulit but I want to make sure this time.

This time, what's not to like? He's totally single, kahit lagi ako kinukulit, mabait naman sya tsaka masipag sa work, a real gentleman, inaasikaso ako lalo na pag nalalasing and I feel sorry.

Huy, anong iniisip mo dyan? Iniisip mo ako no?

Natulak ko tuloy ng malakas, ang kapal din talaga nito! But he's right.

We're watching the sunset nga pala, it's so happy to see families, couples and friends na appreciated ang sunset. Very rare ko din makitang may mga nag pipicture ngayon unlike the last two days. There's different about the sun today, or there's different about what I feel right now?

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon