TORI'S POV
Nalaman siguro ni Nanay sa dalawa ang nangyari sa akin. Dahil hindi na nga ako dumadaan sa kanila, si Nanay na ang sumasadya sa bahay. Laging may dalang ulam o kahit anong pagkain. May dala din minsang masanas or orange.
Nay, hindi nyo naman kailangan na gawin 'to. Bigay nyo na lang sa anak nyo yung mga binibigay nyo sa akin.
Anak, mga anak ko na puros lalake may trabaho na. Ginusto ko mag trabaho para may sarili akong pera. Malakas pa naman ako. Isa pa, anak na rin turing ko sayo. Gustong gusto kong nakikita kang kumakain. Sana anak kahit sa pagkain mo man lang, sumaya ka. Alam ko yung bigat ng dala mo. Galing din ako sa broken family. Kaya hanggang malakas pa ako at kailangan mo ako, nandito lang ako.
Sumubo na ako ng isa. Ang sarap ng caldereta ni Nanay, sunod-sunod ang kain ko, habang dumadaloy ang luha sa mata ko. I'm so grateful na nandito si Nanay, nilutuan ako ng pagkain kahit hindi naman nya dapat pa gawin. Nandito sya para damayan ako, kasabay ko kumain na sana ang mga magulang ko ang gumagawa. Ngumiti ako kay Nanay habang may laman na pagkain ang bibig at patuloy pading lumuluha. Ang sakit naman, sobrang sakit. Masaya sila ngayon, tapos ako mag-isa lang.
--
Napansin nga mga friends ko sa uni na matamlay ako, sinasabi ko na lang na masama pakiramdam ko. Though not everyday kailangan ko iparamdam sa kanila na ganito ako. I still trying to be more alive than usual, the usual Tori that they know, pero ang hirap magpanggap na okay. Buti na lang convincing, maybe I have this inner actress in me. Hindi na din ako sumasama tuwing may gala, I'd rather stay at home and do something productive.
Bumili pala ako ng bagong cabinet para lang sa mga libro, bago kong libangan. Hindi bali nang nasa bahay lang ako, pag nagbabasa ako ng libro, my imagination is limitless, para na din akong nakalabas ng bahay with my imaginary friends who are the book characters.
Bumili na rin ako ng Bluetooth speakers, meron sa kuwarto at sala, pati mga decor sa kuwarto. Kung dati pink na pink ang kuwarto ko, I changed it to white na may purple wall accent. Ang sarap sa mata, lumawak yung tingin ko sa kuwarto. Yung kabila naman I painted them plain white lang. Inayos yung iilang damit nila na I think only good for two days. Talagang wala na silang plano umuwi dito. Nakakalimutan ata nilang may anak sila.
Tinanggal ko na din yung girly stuff and changed it to something neutral and yung talagang mga need ko na lang. I admit, ang gulo tignan ng kuwarto ko before. Oo malinis, pero ang daming kung ano-ano na naka lagay. Ang sarap tignan nung nalinis ko na, nakaka clear ng pag-iisip. Pinakisuyo ko kay Nanay ang mga gamit na dinispose ko at sabi nya ibebenta na lang nya dahil halos lahat magagamit pa.
Bumalik si Nanay after a week na may dala-dalang loam soil, pataba, basta mga gamit sa tanim, pati mga seeds na madaling magbunga.
Sayang naman ang bakanteng lote anak, taniman natin. Pag nag bunga lahat yan, lutuin natin, ako ang bahala.
Tinuruan nya ako kung paano ang tamang pag tanim, pati ang pag aalaga. Nakakatuwa pala. Isa na ito sa mga bago kong hobby. Ang laki ng tinulong ng Nanay sakin para ma divert ang isip ko and do something productive. Actually, sya rin ang nagsabi sa akin na subukan ko ibang activities like biking at reading books na nagustuhan ko kaagad, pati na din itong planting. Paano na lang ako kung wala si Nanay?
--
Nagtataka siguro kayo bakit parang ang dami kong pambili ng pang renovate, kung ano-ano... Their new partners are parehas businessman, and they doing well sa mga business partnerships nila. Abala sila doon at lovelife nila. Oo, masaya ako para sa kanila kasi they found something na mapapakinabangan at the same time, nagagawa nilang mag travel. Pero universe, lugi naman ako. Miss ko na sila, sana maalala nila ako, laging nag iisa.
Malaki ang binibigay nilang allowance sakin every month. Hindi naman ako magastos, well except sa mga needs sa bahay at sa food. Minsan, mag tatabi din ako pang mall, bibili ng one set ng damit na mura lang, snacks kung magutom man. Pinaka malaking nagagastos ko is ang mag sine. Ginagawa ko yun twice or once a month if I feel na nakaka drain sa bahay dahil madalas ako mag isa... Yung may feel na I want to see people again, but umuuwi agad ako because I easily overwhelmed unlike before. Nag bukas na din ako ng separate account for my own savings. Pag nag graduate na ako, for sure hindi na nila ako padadalhan so might as well save.
I bought snacks sa grocery nang nakita ko sila ate Cheese na namimili din. Nandoon yung excitement ko, gusto ko syang yakapin pero I tried my very best na pigilan ang sarili ko. I invested my feelings on other people so much that I forgot to save for myself.
Punta kami sa inyo this weekend, okay lang ba?
Yeah, sure.
After that, umalis na agad ako. Hindi naman sa I don't want them to come, I actually excited. It's just that, maliban kay nanay, kahit small talk lang, drained na kaagad ako.
--
Nasa bahay sila ngayon. Not as fancy as before, but we do what we usually do. Fancy I mean, no more long talks. Isang tanong, isang sagot, short and simple.
I get what they want na they're trying to cheer me up, yung happiness tulad dati, wala na.
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days