TORI'S POV
Yun na nga Vicky, he's an oppa! Malapit na akong magka real life oppa!
Tumigil ka ha, akin yan!
Anong sayo? Ako unang nakakita dyan!
Hey, you guys know na he understands tagalog di ba? Naririnig kayo. Mahiya naman kayo!
Because first day ni Darryl, nahihiya pa syang i-approach kami. So in the meantime, ako na muna unang kumausap sa kanya since isa ako sa senior sa flight na 'to. He's very curious and have alot of questions which I answered naman. Ang sama na nga ng tingin ng mga kasama ko sakin. Mamatay sila sa inggit, I'm not like them hello?!
Pag lapag namin, nagpakilala ulit yung mga kasama ko sa kanya. Kahit pano hindi na sya nahihiya, naging comfortable agad sya sa mga kasama namin, ang dadaldal kasi.
--
ICE'S POV
Aba, ang ganda ng ngiti ng Tori ko ha? At sino naman itong kasama nya at yung iba grabe kiligin?
Uy Ice, Khel our new FA, si Darryl. Darryl, si Maurice and Michael.
Nagpakilala kami sa kanya and he reaches his hand para mag shake hands kami. Umuusok ng konti ang ilong ko 'cause there's a part of me na nai-insecure. May lahi, pogi at matipuno ang katawan.
Huy Ice. Iba kilos tsaka tingin mo kanina... Aba! Bakit ka nagseselos? Yeeee may crush na sya kay Vicky! Hahaha! Wala namang binatbat yun! Half-half lang yun. Hindi hamak na mas lamang ka sa kanya!
Sus! Sumipsip ang tropa?
Hindi naman, but of course, bias kita. Kung bakit naman kasi sa tinagal-tagal nyong magkakilala, hindi na lang sya yung shinota mo? Nasaktan ka pa tuloy!
Ikaw tumigil ka na dyan!
Oo nga naman. Bakit pa kasi ako lumayo ng tingin? Lagi naman sya nandyan para sa akin? Este sa amin ng ate... She's loyal and patient, maasikaso din. Haayyy tama na nga, nagse-serve ako ng pagkain. I need to focus!
--
What I love being a cabin crew ay ang layover. Kahit paano, nakakapag relax, lalo na ngayon. May pasahero kaming panay ang rant and he insist na ma-refund ang ticket nya. Nasa kaulapan na kami para sabihin pa nya yan. Hay naku ibang tao nga naman. May isa pang pasahero na keeps on insisting na gusto nya sa tabi ng bintana knowing na they have an assigned seat plan.
Back to layover, nasa Palawan kami. Yes, Palawan! Ang saya! Sayang, hindi ko kasama si Tori. I chatted her kung ano gusto nya ipabili.
Baker's Hill Hopia! Yung ube ha, please? Naglalaway tuloy ako ngayon. Kailan balik mo? Salubungin kita!
Nabuhayan naman ako ng loob, kaso hindi naman ako yung gusto nya makita. Yung hopia ang gusto nya. Hay.
--
Ahh grabe! Sobrang na-miss ko 'to! Ang sarap! Try mo na bilis!
I'm not a fan of hopia. Hindi naman sa di ko gusto, ayaw ko lang sya kainin. I have this memory na nakakain ako ng hopia na may patay na langaw sa loob. Disgusting right?
Ano ba iniisip mo? Masarap 'to, promise! Say aaaaaa!!!
Minsan lang 'to, hindi ko na tatanggihan... and yes, it is delicious! Magsisisi siguro ako kung hindi ako kumagat ng isa.
Sayo na yan. Ubusin mo. Madamot ako sa favorite food ko so you're lucky.
Yes, I'm lucky to have you...
Teka teka Ice, nananaginip ka naman ng gising! Kaharap mo si Tori, nakakahiya!
Ay wow! Pumipikit ka pa talaga ha? Ikaw lang 'tong may ayaw, ang sarap diba?
Ahh oo, sobrang sarap nga! Bili ulit ako ng madami pag balik doon.
--
Next week na! Ready ka na ba? Sabihan mo yung isa baka makalimot yun!
And this is it, next week na nga ang bakasyon namin. Excited na ako makasama sya for the whole week! May kasama nga lang kaming asungot, pero okay na rin, at least I have her.
Anung binubulong bulong mo dyan?
Alam na nya yun ate. Pinakita na nga nya laman ng maleta nya for next week, baka mas prepared pa yun sayo!
Mukhang madalas kayong magkasama ha?
Of course not! Pag may free time lang.
Buti hindi na humirit si ate, pero tinitingnan nya lang ako ng masama. I get it naman. Iniinvite ako ni Tori para kumain sa apartment nya, pinapatikim nya yung mga luto nya. Sabi nya, lagi sya nasosobra sa luto sayang naman kung masisisra lang. In favor naman sa akin, choosy pa ba ako? It looks like indirect dating na din, wala nga lang malisya sa kanya.
--
TORI'S POV
Sinadya ako ni ate sa airport para i-remind ako for next week. Since I'm done with my work might as well nag coffee shop na din kami.
Nilibre nya ako ng frappe and cheesecake. Sa kanya naman sugar glazed donut with americano. Tulog daw maghapon si jowa at nabore sya kaya naglaboy muna.
Sabi ni Ice nung isang araw sakin, ready ka na raw ha?
Yes ate, hindi ka maniniwala na 1st time ko makakapag Boracay!
Maiba ako, may something na ba sa inyo ni Ice?
Ha? Why? Bakit nya naman natanong?
...well, pag free time magkasama kayo, if not in his place, sa'yo. May lakad, kayo rin magkasama. Kulang na lang magkapalit na kayo ng mukha. Did I miss something?
Ikaw naman ate, wala! Ganun din naman tayo noon diba? Wala ka lang kasi kaya baka namimisinterpret mo yung ginagawa namin. But promise, no malice or anything, we're friends.
Asows! Narinig ko na din yan sa mga artista! Kuntodo deny pa ang mga 'to!
Natawa na lang ako. Kahit ano pa ang isipin mo dyan ate, wala lang yun... Or wala nga ba talaga?
--
2 weeks ago
Nagsteam ako ng banana bread this morning. Wala kasing oven, nag crave ako then sakto may overriped bananas. As usual may sobra, so I tried to chat Ice kung wala syang duty today. Dumating naman agad sya.
May dala syang coffee-to-go box and a dozen donuts. Madalang sya mag kape. But if time favors, para naman syang lumalaklak.
Kumuha ako ng boston kreme nung saktong kukuha rin sya, nahawakan nya ang kamay ko.
Ah, sorry. Sige kunin mo na yan.
No sige, that's yours na.
Nag inarte ka pa. Heto, kunin mo na.
Hinawakan nya ang kamay ko sabay abot ng donut...
Nakuryente ako!
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days