Sunset

1 0 0
                                    

TORI'S POV

Nagising ako ng madaling araw sa kuwarto ni Ice. Ah! Ang sakit ng ulo ko, ang yabang ko kasi uminom, hindi ako nagtabi ng pang uwi. Sa ibang bahay tuloy ako nakatulog.

Kumuka ako ng paracetamol sa bag and ininom. Nakaramdam na rin ng gutom so I cooked breakfast na rin. Tulog na tulog si Ice sa sofa. The living room is such a mess kaya nag ligpit na rin ako. Kumain na ako afterwards at nagtabi na lang ng pagkain for him and umuwi na ako ng bahay. Hindi ko na sya inistorbo so I just chatted him, may pasok pa ako mamaya so I need to prepare my things at matutulog ulit ako, gabi pa naman ang duty ko.

Kinabahan ako ng very light, baka may kung ano akong nasabi nung nalasing ako!

--

Nakita ko si Marius with his girlfriend. They will have their first domestic travel together. Nagkamustahan lang kami sandali because I'm in a hurry.

As usual, work work work again.

After ng flight, I checked my phone and I have a lot of missed calls and text from Mama. Malapit lang daw sya from where I am kaya magkita daw kami.

Iniwan nya sa hotel ang partner nya since I still don't want to see him yet at kumain kami. Years passed since nag hiwalay sila ni Dad, tinitigan ko si Mama. Ang ganda ng aura nya ngayon, not like before na madaling makita ang mga wrinkles and fine lines, now, ang mukha nya parang tumanda paurong. I like what I'm seeing now. Ganun talaga siguro kapag nakita mo na yung tao na really meant for you, blooming at masaya lagi ang mga mata. Sabi nya sa akin na one day, sana pumayag na akong makilala ang partner nya. A few months from now ikakasal na daw sila. Pinakita pa nga nya yung engagement ring na tantya ko nasa 100k+? Sinabi din pala niya na puppy love nya si fiancee way back.

Yes, annulled na sila ni Dad.

Masakit? Yes.
Pero bakit mo pa pipilitin kung hindi sila masaya?

Mahaba haba rin ang usapan namin ni Mama. She actually ask me kung may boyfriend na daw ako. I said no of course. Bigla nga akong kinilabutan! This is the first time after a long time na may nag tanong ulit sa akin nyan personally. If you ask me, for now, ayoko pa. She ask me kung kailan daw ako mag bo-boyfriend. Hay nako, like a typical tita sa reunion. Na hawa na rin to sa mga tita ko na pinagbubulungan ako years ago na may career nga daw ako pero wala namang jowa. Ano naman ngayon sa kanila kung wala? Ikayayaman ba nila kung meron? Kaya di na ako pumupunta pa ng reunion, puros kaplastikan lang.

Natawa na lang ako sa tanong ni Mama.

She handed me the invitation and leave. Tumawag na kasi fiancee nya.

I wonder kung kamusta na si Dad. He is not that expressive. He will text me lang kung nag transfer sya sa account ko and the last words will be ingat ka palagi, anak.

---

ICE'S POV

Ilang araw na mula nung huling kita namin ni Tori, jam packed daw schedule nya, from work to alumni homecoming sa high school nya, may malaking part daw sya sa program which she didn't say. Nasabi din nya na sya yung magiging guest of honor sa upcoming graduation. Iba talaga ang level niya, but I love the way that she's humble sa lahat ng achievements nya... Este I like... Like.

--

Nakauwi na pala si ate together with his boyfriend. Magtatagal daw sila ng 3 months. Mag stay daw muna sila kila mama then travel sa Palawan, Davao and Boracay. Nagkita na din sila ni Tori at tuwang-tuwa ang ate.

Nag inom kaming apat sa bar malapit sa apartment. Iyak ng iyak ang ate nung naparami na ng inom, saying sorry repeatedly kay Tori then panay naman ang mura afterwards dahil sa ginawa ng ex ko. Halos ipagpalit nya daw ang friendship nilang dalawa sa kanya tapos lolokohin nya daw pala ako.

Pinakalma na sya ng boyfriend nya and he even invited us na sumama sa vacation nila sa Boracay. Last trip daw nila yun before going back abroad. Pumayag naman si Tori kasi matagal pa naman daw and for sure approve naman ang leave namin. She even said na wala naman daw kaming absent at konti lang naging leave namin for the whole year so pwede namin i-claim yung 1 week leave with pay.

Hindi ba nakakahiya sayo?

Ay sus Ice naman, it's okay. Isa pa, ngayon ko lang uli makakasama si ate. Tsaka as usual, saan ko pa ba gagamitin yung free leave na yan diba? Sa bahay, mag mumukmok?

--

Sakto naman at sabay kami ng rest day. Kaya inaya nya ako na lumabas, ngayon nya na daw kasi makikita finally ang partner ng mama nya, she's a bit hesitant at first pero sabi nya sa akin, malapit na sila ikasal kaya kailangan na daw syang harapin.

We ate lunch together at sa tingin ko naman, mabait at matino ang bagong mapapangasawa ni Tita.

Okay ka lang ba?

Oo naman. Tanggap ko na, tinanggap ko na, matagal na.

Pinabibilib talaga nya ako. Ang tibay nya.

But thank you, without you, hindi ko kakayanin na humarap sa kanilang dalawa. May konting sakit padin inaamin ko, pero tatanggapin.

At dahil sinamahan ko daw sya, ililibre nya ako ng merienda and dinner. We went to a coffee shop, bumili sya ng medium size Americano and waffles, hot choco naman sa akin with flatbread. We drove along the boulevard nang pinatigil nya yung sasakyan.

Park na muna Ice, gusto ko makita yung sunset.

Pag park ko, may nadaanan akong dirty ice cream kaya bumili na ako. Like nya yung mango+ube combination na naka stuff sa bread while ako naman any flavor basta nasa apa.

Ang ganda ng kinang nya sa mata noong nakita nya na dala ko ang favorite nya.

Uy, thank you! Di mo parin nakakalimutan favorite ko ha?

Pagkatapos nya kumain, binalik nya ang mata nya sa dagat, tahimik na nanunuod sa paglubog ng araw... Hindi ko namamalayan, sa kanya na lang pala ako nakatingin.

Bakit ako kinakabahan?

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon