ICE'S POV
Kapansin-pansin namang toxic ang social media. Mostly cause ng jealousy, envy and hatred. Nakaangat ka lang ng kaunti, may hihila agad sayo pababa. Nabuhay naman tayong walang social media so I can live without it... well almost.
She limit herself sa social media app except for she said before na LinkedIn and one message app na main communication sa work namin. Tama naman sya, social media is toxic nowadays unlike before na mag dedesign ng background and maglalagay ng music sa profile okay na.
--
As usual, a lot of months have passed. Still busy with work. I am really thankful that I am busy, it helps me to move on and syempre, may mga kaibigang nakakausap.
One time, nagkita kami ni Jethro. Nagkasabay kami ng labas ng airport. Nag apologize sya sa akin kasi hindi raw nya sinabi na may ginagawa nang kalokohan ang ex ko.
Matagal ko nang alam, pero ayokong manggaling sa akin. Pwede nyang ibahin ang kuwento, alam ko pa naman na sobrang blindly inlove ka sa kanya. Gusto ko na ikaw ang mismong makakita at sa kanya mo mismo marinig.
Alam ko na hindi nya kukunsintihin ang maling ginawa ng ex ko. At tama rin syang mabuti pang ako na mismo ang nakikita in action. Sobrang tama rin sya na I was blindly in love with her. A month after naghiwalay kami, napansin ko na I lost a lot of weight pala because of too much investing on our future. So I started to gain weight a little and I like the way I look today.
Upon checking her social media page, don't get me wrong... officially naging sila nung boy na nakita ko with her sa fire exit and they're going out together like we used to do. Goodluck na lang sa boy, sana nakakapag ipon sya sa date style ni ex; and yes, friends parin kami sa social media.
--
Dapat pupunta si Tori sa bahay ngayon e. Ano kayang nangyari doon? I checked my phone, nag chat sya 3 hrs ago pa pala, she need to fill in yung workmate namin na nag emergency leave. Ang sipag nya talaga. She's always available kahit halos wala nang rest day. Everytime na may mag leave, kahit anong klaseng leave pa yan, matik sya agad ang replacement.
Bukas pa daw ang balik and change rest day sya kaya niligpit muna ako. I need to prepare na din for my work tomorrow.
--
Nagkita kami ni Marquise sa airport. Dumaan kasi ako kay Jethro para ibigay yung regalo sa inaanak ko. Naka dress sya at suot nya yung sandals na binigay ko sa kanya noon.
Inaya nya akong pumunta sa cafeteria. Sinagot ko na ang kape.
Sorry Ice, hindi ako pwede sa kape...
Nagtaka ako because halos gawin nya nang tubig ang kape until kinapa nya ang tyan nya. So I assume na buntis sya. Kaya umorder na lang sya ng chocolate shake. Nag file na rin sya ng resignation para mag focus sa dinadala nya, frequent kasi ang spotting nya while working. Tinanong ko kung ilang buwan na at kung nasaan ang boyfriend nya. Baka kako magalit pag nakita nya kami.
Alam naman daw ng bf nya na magkasama kami, nag text daw sya sa kanya. Nag apologize sya sa akin about that last time na nagkita kami - nung nahuli ko silang dalawa.
I told her that was a long time ago, importante na ang present at ang magiging baby nila. She also said na ikakasal na sila next month para sa legitimacy ng magiging anak nila. Hindi din nagtagal ay umalis na sya.
Masaya ako on how things turn out for them. Yes, they started wrong, pinanindigan nila at ngayon magkaka-anak na sila. At ako naman, I'm happy and contented sa career na meron ako, I got the closeure I needed. Hindi ko ipagpapalit yung buhay na meron ako today, at least for now. I'm not ready for a lifetime commitment after ng nangyari sa akin.
--
Oy, mahirap yan... Wag kang magsalita ng tapos. Iinom mo na lang yan!
Hay nako, etong si Tori tinatawanan na naman ako habang nagkukwento. Inaasar ako na until now hindi parin daw ako maka move on.
Nag kwento nga rin sya sa akin about sa closure nila ni Dave at kung paano sila naging mag bff. Inaaya nga nya ako sa drag show once na ayain daw ulit sya. Nag hesitate ako kasi kala ko pang gay lang yun pero sabi naman nya any gender is welcome.
Nanood na nga ako, anong pang gay ka dyan?
Oo mukha ka kasing bakla.
Maurice ha wag mo akong masabi sabihan na bakla, kiss kita dyan, ano?
Naku, bigla nang tumapang, di kasi sya hiyang sa whiskey. Tinigilan ko na asarin, baka mamaya ituloy pa.
Tungo na ng tungo ang ulo nya. Isinandal ko na sya sa upuan, bigla namang tumayo, edi nabigla ang baliw, muntik na matumba buti nasalo ko.
Alis dyan, CR lang ako. Kaya ko pa hindi ako lasing!
Sabi ko nga, HINDI sya lasing.
Kumuha sya ng beer sa ref at nag gewang gewang na naglalakad papunta sa sofa. Lakas ng loob kumuha ng alak!
Sabihin mo nga, pangit ba ako? Hindi naman diba? Maganda naman ako, ang sexy ko pa naku! Matalino naman ako, mahusay sa trabaho, may pera, may ipon, single na single! Kaso ewan ko ba, bakit ayaw nya sa akin?
Tinanong ko kung sino.
Naku Dave my dear, ikaw parang di mo kilala. I told you na before diba? I know it's been so long but I'm just wondering why?
Kita mo 'to, akala pa ngayon si Dave ang kasama nya.
Kinukuha ko na yung boteng hawak nya, aba, ayaw pa bumitaw hanggang sa natapon yung laman. Hinila nya damit ko, napahiga sya sa sofa at ako naman nakapatong sa kanya.
Tinignan ko sya, tuluyan nang nakatulog.
Hay, buti na lang. Buti na lang at nakainom sya, hindi masyadong awkward. Hindi nya maaalala to kinabukasan.
Niligpit ko muna yung mga kalat namin sa sala. Inayos ko rin yung mga kalat ko sa kuwarto at doon ko patutulugin si Tori.
Hindi ko magising, binuhat ko na lang...
Bakit ako kinakabahan?

BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days