Supress

1 0 0
                                    

ICE'S POV

Hoy, who are you and why you're here? Tatawag ako ng pulis!

Tumigil ka nga dyan, si Ice nga 'to! Pinupunasan kita, pumirmi ka!

Ang hirap pala kasama nito talaga sa inuman. At nakakatakot baka mamaya mahila ng ibang tao 'to at iuwi. Buti na lang ako ang sinama nya.

... I can't do this anymore. I'm wiping her legs right now. She's morena at ang kinis nya, alagang-alaga ang sarili. Well, that's what FA should be but... Ah! No I can't!

I went to her kitchen to drink lots of water. Bigla akong natuyuan ng lalamunan. Nag CR na lang din ako to pee what I'm feeling right now.

--

Buti na lang nakatulog na sya. Nag latag na din ako ng kumot sa sahig at inaantok na rin ako.

---

TORI'S POV

I woke up with this mad headache. Everytime na lang na nag clubbing kami nila bakla, hindi na ako nadala!

So obviously, alam na ni Ice kung saan ako nakatira. Nakita ko nang may towel and basin with water sa mesa, and saw him sleeping sa lapag.

Ayaw ko lang malaman ng iba kung san ako nakatira ngayon. Wala lang, gusto ko lang. Well except sa dalawa because I want to go home kahit nakainom na ako. But hindi pa naman sila nakarating sa bahay. Si Ice ang 1st visitor ko after years of living here.

--

Oh Tori, nagising ka na pala. Kanina ka pa gising? Kumain ka na? Magluluto ako. Ikaw nga, stop excessive drinking! Kung ano-ano na ginagawa mo kagabi. Buti na lang sinama mo ako.

Ay may pag nagging? Kailan ka pa naging ganyan Ice? But thank you... Akala ko kung saan mo ako dadalhin hahaha!

Huwag kang magbiro ng ganyan, kahit inaasar kita palagi, I respect you...

We got an awkward silence.

Inaya ko na lang sya kumain ng almusal. Since nauna ako nagising, after maligo, nagluto na din ako. My thanks to him. I'm honestly fluttered nung sinabi nya na nirerespeto nya ako.

--

Umuwi na sya when I got a call from Mama. Pupunta daw sya sa isang araw, pero may duty ako nun. Kahit sandali lang daw, dadaan sya sa airport, may ibibigay daw sya sakin. I said yes.

Lately, wala ako masyadong balita kay Mama. As usual, busy sa kanyang married life for the 2nd time. Hindi na rin daw nya gaanong inaasikaso yung business nya, may ibang nagpapatakbo para sa kanya. Sinisingil na daw sya ng katawan nya. Deserve nya mag pahinga na lang after all ng pagpapalago nya sa business nila ng asawa nya at meron na din syang sarili.

Weird no? They're both business minded naman pero hindi nila yun ginawa nang magkasama?

--

Tori ha? Super lapit na ng bora natin! Secure mo na yung dates at naku magtatampo talaga ako!

Oo naman ate, matagal na naka file yung leave ko, huwag kang atat!

Atat na kung atat! Teka lang, rest day mo naman diba? Bumili na tayo ng isusuot!

I have na ate.

Tse! Nakita ko sa damitan mo dati, puros one piece! Boracay yun neng! Mag two-piece ka naman!

Nagkita kami sa mall at kung anu-ano ang pinag dadampot nya. I admit, maganda mga napili nya. Saming dalawa, she has a good taste in fashion. Kaya lang naman ako maayos manamit dahil kay google at sa mga bakla.

--

ICE'S POV

Weeks passed, but I still can't forget what happened. The way she dressed and acted that night. I can't help it.

Huy Ice! Mag seatbelt ka na kaya? Mag te-take-off na!

Magkasama kami sa flight going to Kalibo.

--

Ice, kanina ka pa walang imik dyan? Ayos ka lang ba? Not feeling well?

Dito kami ngayon sa convenience store sa airport, kailangan daw nya ng chocolates kasi may period sya. Nag worry ako so I bought her a lot. Nag thank you naman sya and as usual, naninibago sya sakin.

Teka nga, sabihin mo nga sakin. May nangyari ba while I'm drunk last time?

I told her what happened that time. Nahiya sya bigla and at the same time, natatawa.

Ngayon ka pa talaga nahiya? Hindi ba ginagawa yun sayo ng ex mo?

Ginagawa but... Iba tayo, we are friends.

Ay sus! Just think of it na comfortable ako sayo, and I know wala kang gagawing masama sa akin. Takot mo lang kay ate haha!

Akala ko talaga nagbago na tong si Tori. Nag iba sya the way she dress or acts lalo na sa trabaho, pero yung saltik nya sa ulo di parin nawawala.

Hindi sya ang nagbago Ice, the one who's looking in the mirror is.

--

"I had a picture of you in my mind
Never knew it could be so wrong
Why'd it take me so long just to find
The friend that was there all along"

This song is running around in my head for days.

Uy, di ko naman alam na into 90s boybands ka?

Papunta kami sa wedding ng Papa nya. And yes, ako ang +1. Nag patugtog ako sa phone ko since walang music sa taxi.

Saktong sakto yung kanta from what I'm feeling today. Why'd it take me so long just to find, the friend that was there all along? Ang layo layo ng tingin ko, noon pa naman nandyan lang sya sa tabi ko.

You know what, lately pansin ko ang tahimik mo na. Hindi ako sanay! Mang asar ka minsan, na-miss ko yun!

Sya nga yung nang-aasar, tawa pa ng tawa.

--

Dito na kami sa hotel where we will staying. Nag book yung dad nya ng two-bedroom suite. Malayo kasi kami from where we're staying and ayaw ng dad nya na umuwi kami ng alanganing oras so...

Nag hihintay na din sa lobby yung mag aayos daw para sa amin. Pati ako, aayusan?

Sorry Ice ha, bigla ka kinuha ni dad as one of his abay, just now lang. Kasi nag preterm birth yung misis ng friend nya. I'm sure naman kakasya yung damit sayo. Please, payag ka na ha? Payag na yan, wala ka nang choice hahaha!

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon