Bouquet

2 0 0
                                    

TORI'S POV

Wedding day na ni Mama and ginawa nya akong maid of honor. To be honest, ayaw ko, but of course I'm her one and only daughter, makakatanggi pa ba ako? At least makikita ko sya in her wedding gown, hindi nga lang for 25th year anniversary nila ni Dad.

Not too long, reception na. As usual, may hagisan ng bouquet and garter, and guess what? Kami pa talaga ni Ice ang nakakuha.

Shet naman.

Mama invited him and ate. Paborito nya kaya si ate diba? So yun, the host interviewed us kung single ako. Nag hiyawan ang mga bisita. Sobrang kinilabutan ako.

Ang weird sa feeling, nasanay kasi ako na ako lang mag isa, halos ipagtabuyan ko yung mga sumubok manligaw sakin. I've been living alone for years. Kailan ba ako huling nagka boyfriend? College days pa? Oh well.

--

ICE'S POV

Bakit. Ako. Kinakabahan?

Nakita ni ate na pinagpapawisan ako, hinawakan pa nya ako.

Aba, ang lamig ng pawis natin ha? Anong meron?

Tinignan nya lang ako ng masama sabay ngiti.

Ako yung nakasalo ng garter. At si Tori ang nakasalo ng bouquet. Tuwang-tuwa ang mama nya na nasa harapan kami at iniinterview. I don't understand anything sa questions. I just prayed na matapos kaagad to.

At hay salamat, nakaraos na rin. I went straight to the CR para mag hilamos at sapak sapakin ang sarili. Paglabas ko...

Huy, okay ka lang? Your lips look pale. Samahan kita sa medic?

Ang mga mata nya, kitang-kita ang pag aalala nya. Bigla akong nabuhayan ng loob and I said na okay lang ako. Gustong-gusto ko na umuwi. I'm literally acting crazy. I should not feel this way.

Is this about earlier? Naku, kalimutan mo na lang kaagad. Happy naman si Mama e, kaya dapat masaya na din tayo.

Uwian na... Hindi ko parin pala alam kung saan nakatira si Tori. Malapit lang din sya from where I live, lagi lang sya sa kanto nagpapababa. Nahihiya ako magtanong e. But naisip ko, tinanong nga nya sa HR kung saan ako nakatira diba? Try ko rin kaya? What if sundan ko sya on the way home? Ay stalker naman ang dating. Pero hindi kaya sya magagalit? Gusto ko sya puntahan some other time.

--

TORI'S POV

Nauna nang umuwi sila Ice at ate. So heto, nag sasayawan na ang mga bisita. Someone approached me.

Hi, I'm Hero, your stepdad's colleague. I may look old, but I'm still single.

Ay talaga ba? Bakit may pagsabi ng 'I'm single'?

Hindi naman sya looking old, he said that he's 36yo, pero hindi halata for his age. Maybe dahil wala pa syang responsibility like having a family so he can take care of himself well. Good naman ang built nya, TD&H.

Nag usap lang kami sandali and he ask for my number pero hindi ko binigay. Mukha naman syang matino pero hindi lang talaga ako interesado. Ayoko din naman magpaasa kung wala naman talagang pag-asa. Nagpaalam na ako kila mama and tito, nag taxi na lang ako.

Buti na lang malapit and venue sa apartment kaya nakauwi na ako. Hay salamat! Ang sakit ng sapatos na suot ko, now ko lang uli kasi nasuot, I bought this 2 years ago maybe, ayoko na gumastos pa so pinagtyagaan ko na lang.

I can really feel yung pintig ng mga paa ko pag tanggal ko ng shoes, what a relief!

--

May tumtawag sa app, si ate.

Remind ko lang ha, don't forget to file your leave! Nag extend na kami ni jowa for you guys so please ha, sama ka?

Our colleague kasi, nag maternity leave. End of month pa ang balik nya, I need to fill her schedule. Hindi naman ako nag rereklamo. For what? I'm working and flying at the same time. Yes, walang hindi mahirap na trabaho, but I'm enjoying it so...

--

ICE'S POV

Pre, may nanganganak, sino ba pwedeng mag anak sa kanya?

Tinawag ng iba naming kasama si Tori, may experience na sya sa ganyang bagay. We are all trained for that pero sya ang may experience among the crew. Nakwento nga nya na dalawang baby na ang nilabas nya.

Hindi in-expect ng mommy na lalabas na ang baby nya. She had the permission from OB naman na pwede syang lumipad, ilang oras lang daw naman ang flight.

Nagtawag muna si Tori if may nurse or doctor on board pero walang sumagot. Kaya sya na naman daw ang maglalabas sa baby.

Mommy, please relax, don't worry, trained po kaming lahat and may experience po ako about dito, safe po ang anak nyo sa amin. Deep breaths...

As much as I don't want to look kasi takot talaga ako sa dugo, kailangan para next time na may mangyari, makakatulong na ako.

It's a baby girl! Congratulations mommy!

The baby named after her, at sakto palapag na kami. Sinamahan namin ang mag asawa sa ospital.

I hope you don't mind but, okay lang ba na kunin namin kayong god parents ni baby?

Nag oo si Tori, sinikuhan nya ako para sumagot, it's my 1st time kasi.

I know I will encounter this in my entire career but, sobrang nakakabilib yung ginawa nya. She never hesitates to take action, at mabilis syang kumilos. She's trying her best na mapakalma ang mommy because she's really nervous since sa airplane nga daw sya nanganak at walang medical professional na pasahero. But she assured the mom na everything will be fine.

--

Ikaw ba, ano yung target age mo to get married? To build a family?

HA? I don't know, hindi ko naman iniisip yun.

Why?

Siguro nga I have the means to raise a child, but I don't know if I will become the mother that my future child wants. How can I be effective kung feeling ko hindi ako complete? I don't want my child to suffer. And marriage? What happened to my parents? Hindi ko na naiisip na ikakasal ako... At least for now. I dunno, we'll see... Baka may magpaiba ng paniniwala ko. Bakit mo naitanong? How about you?

Of course gusto ko, but for now hindi muna. Sana early 30s kasal na ako.

Sayo. WHAT?

I excuse myself papuntang CR. Hindi naman nya siguro narinig diba? Pabulong ko namang sinabi e. Buti di sya nakatingin habang nagsasalita ako, baka ma lip read nya.

What am I thinking?

Pablo, sira na ulo mo!

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon