Confused

1 0 0
                                    

TORI'S POV

Edi sige, hinahamon ako nito e.

Medyo nagkaka tama na ako, kaya makapal na ang mukha ko na sumayaw sa harap nya. I'm not a good dancer, pero pwede na rin.

Aba! Challenge accepted kuno! He went all the way down. Nag practice nga talaga 'to. Ang sagwa siguro tignan nito habang magpapractice mag isa haha!

I still have drinks on my hand and continue drinking it while we're dancing. Actually, noong nagsisimula pa lang ako as FA, inaya na ako ng mga bakla mag clubbing. Pero dito ang favorite namin kaya madalas kami dito. Buti nga, hindi ako pinababayaan ng mga to kahit madalas akong nalalasing. Yung hindi parin sanay ang katawan kahit madalas na uminom? That's me.

--

Nakauwi na kami sa bahay. Hindi ko na din sya pinauwi kasi parehas na kaming maraming nainom. After ko mag hilamos at magpalit ng pantulog, natulog na agad ako.

--

ICE'S POV

As usual, nauna akong gumising sa kanya ng maaga. Nagligpit ng kalat kaninang madaling araw, yung shoes and beret nya nasa sahig, at nagluto na rin ako.

Uy morning! Thank you sa almusal! Nakatulog ka naman ba?

Wow naman, mukhang maganda ata ang gising ng prinsesa ko ha? Inasar ko pa nga na buti hindi na sya sumuka, pero masakit daw ulo nya. I gave her paracetamol and sabi ko ako na bahala magligpit sa mesa, naka rest day ako and sya naman may pasok mamaya.

Ikaw ha? Bakit ang bait mo ngayon? May kailangan ka ba? Haha!

Wala no!

Sus, ikaw pa? Wala akong pera hahaha! Wag ka masyadong mabait, sige ka, baka ma-fall ako sayo.

Okay na sana e, sabay arte ng pagduwal pa talaga. I don't know what's on her mind pero sana... sana she feel the same way. Looks like suntok sa buwan but, di rin naman yun imposible. Aba, mabait naman ako, tsaka pogi pa. May trabaho, occasional drinker, not a smoker which she like. Naku, Victoria. Wag ka na tumingin pa sa malayo. Nandito lang ako!

--

TORI'S POV

Na-fall na nga ako sayo noon, pero ngayon? Not sure. Tumingin ka pa sa malayo, nasa tabi mo lang naman ako.

Posible kaya mangyari yun? Na ma-fall sya sakin? Compare to his exs, malayo yung ayos and personality ko dun.

Ah, erase, erase! Pinag iiisip ko! Ayusin ko na nga ang sarili ko, mamaya may duty pa ako, ang haggard ko! Ayoko na sumama muna sa mga bakla, lagi na lang kami nasa inuman.

--

I miss you 'nay!

Tagal kong di nakita si Nanay Melda, ilang months na rin. Umuwi kasi sya ng province nila. May pasalubong sya na pinasugbo, piyaya at pastel - my favorite!

Medyo pumayat ka anak, lutuan kita ha?

Doon sya ngayon nakatira sa bahay nila Ice since nasa province nga sila Tita, renting si Ice and tourist mode si ate. Pinapadalhan nila si nanay ng gulay at bigas monthly pati na rin pera bilang bantay ng bahay. Nilutuan nya ako ng picadillo, hindi ko na sya pinahirapan pa magluto kasi nga kadarating lang nya. Sya nag insist na lutuan ako. Namiss ko ang luto nya.

Of course, hindi ko kakalimutan ang ilang groceries at tahong chips na bigay ng katrabaho ko. Madami syang binigay kaya nagtira ako para kay nanay. Hiyang-hiya sya, madami daw kaming binibigay para sa kanya, lagi pa syang pinaaalalahanan na magpa check up every month at mag annual physical check up. Sa awa ng Diyos, kahit matanda na sya, she's still very healthy. Sabi nga nya, mas malakas pa sya kaysa sa kalabaw. Hindi rin sya pinababayaan ng nga kapitbahay namin dito, minsan iniinvite syang mag zumba sa plaza. Kung pwede lang sana, humaba pa ang buhay ni nanay, may kanya-kanyang buhay na ang mga parents ko. Sya na lang ang meron ako.

Kinamusta ko ang mga anak nya, ayos naman daw. May isa syang anak na pinili mamuhay sa hometown nya dahil nagtapos ng agriculture at doon din nakabili ng lupa para pagtaniman. Ang ibang anak nya ay nasa Manila at abroad. May mga asawa at anak na rin sila. Tinuruan ko syang gumamit ng tablet para kung sakali na tawagan sya ng mga anak nya. Ganun talaga siguro, pag mabait kang tao, bibiyayaan ka ng higit sa inaasahan mo. Very blessed ang nanay.

Tinatanong ko kung bakit ayaw pa nya mag retire. Sabi nya, napamahal na sya sa bahay at ayaw nya umalis. May pamilya na rin naman raw ang mga anak nya at ayaw nya makipisan, gusto nya makasundo ang mga in-laws nya kaya hindi rin sya nakikialam sa mga decisions ng mga anak at asawa nila, unless humingi sila ng advice.

Pinasyal ko sya sa salon para magpa hair color and perm dahil gusto raw nya ng kulot na buhok, pina mani-pedi ko na rin at kumain kami sa malapit na fastfood. Ang dami naming pinagkwentuhan!

Nay? Paano po kaya kung nain-love ulit ako kay Ice? Mga nakaraang araw kasi, lagi ko sya iniisip. Ayaw kong mag deny sa sarili ko na like I'm stupid. But I know for a fact na I'm attracted to him again... Nay...

Ngumiti lang si nanay sakin at niyakap ako. She didn't answer at sinabi lang nya na malalim na ang gabi kaya I need to go back sa apartment na.

--

No! This can't be! Maybe dahil close ulit kami.

So what? Okay nga yun diba? Close kayo, you know each other for so long, and he is single now! Ano pa bang hinihintay ko?

My gosh Tori! Of course babae ako! Ayoko nga na mag pahiwatig nor to make a first move! Never kong gagawin yan, ever!

I'm going crazy, kinakausap ko na ang sarili ko sa harap ng salamin. Pwede ba, mag me make-up na lang ako ng maayos, I need to focus sa eyeliner!

--

May bago kaming kasama na FA sa flight. He's in his early 30s, gwapo, chinito at maputi. Half korean daw sya pero dito na pinanganak at lumaki sa pinas.

Hello, I'm Kim Jae Hyun but you can call me Darryl. Nice to meet you all po.

Sabay ng pakilala nya, he pointed at his name plate. Hetong mga kasama ko, akala mo naiihi sa kilig. Common naman yan lalo na kung nanunuod sila ng Korean dramas.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon