TORI'S POV
I never treated like this before. I am really my dad's princess. It's just sad that like mama, I can witness their wedding, but with someone else. Ganun nga daw talaga sabi nila, masaya sila from where they are right now so masaya na rin ako.
Pinaligo muna nila ako, after that sila na ang nag shampoo ng buhok ko, na by the way it feels so light after na parang tinanggal lahat ng dust and oil from my scalp. After that they gave me this lotion na si dad daw ang bumili and I should wear it daw so, okay... And inayusan na nila ako.
I called mom na nandito nga ako somewhere kung saan ikakasal na si dad. Sabi nya nasa bahay daw nila sya, and she's also happy.
Please give him my warm congratulations! Sayang, bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi man lang ako mag contribute ng gift for them.
Okay na ma, may gift na naman ako and you don't need to do that. Hindi ba nakaka ilang yung news ko? Sorry ma, ang insensitive ng dating ko.
No anak, that's fine. It's been a long time. Tinanggap na namin years after we got separated na we should end up as friends. May pinagsamahan din naman kami, at hindi porke nag hiwalay kami, magiging bitter na kami with each other kung in the first place we mutually decided hindi ba?
I'm happy sa estado ng buhay nya ngayon. Sana ikaw rin anak soon. You are close to 30 na, wala ka paring boyfriend. Hindi pa ba kayo ni Ice?
Ice? Why Ice?
Si mama naman! Why in the world? Tsaka ang bata ko pa, nasa 20s pa naman ako. Ni hindi pa ako nakakarating sa dream destination ko. Maybe when I get there, saka ko na iisipin yung love life ko.
Uy, boto sakin si Tita? I can't deny the fact that I'm a good catch!
Narinig ni Ice! Ang tigas ng mukha, grabe!!! Palibhasa naka loud speaker ako. Pinaalis ko since sumisilip sa room ko while doing my makeup.
I'm wearing a square neck midi dress in rose - their color motif and his partner's favorite color paired with silver colored high heels sandals. Ang simple, pero ang ganda! I like it! But yung hair ko, hindi ko alam yung tawag. Hindi sya bun, basta nakataas lahat ang buhok ko. I really feel like a princess today!
My princess!
I cried when dad came over and he said that I'm so pretty. The last time he saw me wearing a gown when I was 6 years old, my 1st and last sagala kasi napagod ako kakalakad at napaltos ang magkabilang paa ko, binuhat na nga lang nya ako until matapos.
Sinabi nya din sakin na ang mag hahatid sa kanya ngayon ay si Lolo but naka cane. Naka wheelchair na talaga sya pero he insisted na maglakad kasi minsan lang naman daw, sa invitation kasi ang tito ko ang nakalagay but lolo said na sya na daw ang sasama sa kanya.
I hope one day, maihatid din kita sa altar anak. Kaya I will stay healthy just for you.
Hindi ba pwedeng para na din sa partner mo dad?
Of course kasama na sya. Pero ikaw parin ang 1st sa puso ko.
Si Dad talaga, pinaiyak na naman ako.
--
ICE'S POV
They took great care of me. Malaki siguro ang business ni Tito at ng partner nya to have a wedding like this na pati abay pampered. They shampooed my hair at sobrang lambot nya after na blower then nilagyan nila ako ng powder on my face tsaka light colord lipstick. Akala ko maiirita ako sa mga nilagay sa mukha ko pero hindi, it smells good hindi yung tulad sa naaamoy ko kay ate. Nag bihis na rin ako ng americana with vest pa nga sa loob. Feeling CEO ang datingan ko ngayon. Akalain ko ba namang magiging abay din ako? Saktong-sakto nga sakin yung damit.
Nag hintay muna ako sa sala habang inaayusan pa si Tori. Lumabas si tito maya-maya.
You looking good Ice. Ang tangkad mo talaga!
Alam mo, bagay kayo ng anak ko. Hindi ba wala ka namang girlfriend?
Kinabahan ako mga bente!
You've been friends for so long and naging mabuti ka sa anak ko that's why I like you. I can't tell the time.. But when the time comes, I hope you will be the one for my Victoria.
Ingat kayo, see you sa simbahan!
Wait... Tama ba narinig ko? Hindi ako nakapag salita. Shet! Ito na ba yung tinatawag nilang blessing? Ni wala pa nga akong ginagawa pero approve agad ako sa parents nya. Ang bait nyo naman po sakin Lord! My happiness is immeasurable!
---
Hi po Sir, heto na po ang girlfriend nyo...
Sumakto yung reflection ng sun rays as background for her. She's so beautiful! Not beautiful, so lovely!
Ate, hindi po kami mag jowa.
Nag apologize pa si ate samantalang ako, feel na feel ko yung word na girlfriend. Tinapik nya ako kasi natameme ako.
Uy tara na!
Nauna na sya sakin maglakad, at nakikita yung batok nya! Lord, huwag nyo po akong subukan, alam nyo naman po na kahinaan ko 'to.
--
Ang ganda ng wedding nila tito, ang daming flowers, then yung altar open space. Maganda din ang bagong asawa nya and looks very young.
Ang ganda ng asawa nya kanina no? Bibigyan kaya ako ng magiging asawa ko ng ganitong klaseng wedding?
Why not? You deserve it.
Ay wow, seryoso naman!
Hmm, baka dahil may wedding fever ako kaya ganito naiisip ko. Ni wala pa nga akong boyfriend, kasal agad nasa isip!
Ako Tori, nandito ako. Pero hindi pa ko handa mag tapat. Magkatabi lang tayo, pero parang ang layo mo padin. Feeling ko, mataas ang standards mo, hindi ako check sa mga boxes mo.
Alam mo ang lalim ng iniisip mo ngayon, anong meron? Tara pumila na kaya tayo, nagugutom na ako!
--
Nakabalik na kami ni Tori sa room namin, medyo madami syang nainom at buti nagpapigil na. Pagdating nga namin, may dinalang pagkain tsaka wine si tito. Then I saw a note sa table.
Please accept this as a thanks for treating my daughter right. I know it's too early and assuming, but I will give her to you when the time comes.
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days