Obvious

1 0 0
                                    

TORI'S POV

Nakakasama talaga ng loob si Ice. I was trying to get some sleep with nature tapos bigla nyang itutumba yung duyan?

I realized I have wounds sa braso. Baka may bato underneath na hindi ko na napansin sa sobrang bwisit ko. Thankfully, longsleeves kami sa work, but ang lalim, not that big pero malalim. Hay, ang sakit!

I went to the big hut para humingi ng first aid.

Anak? Anong nangyari sayo? Diniin mo ba yung sugat mo? Walang tigil ang pagdurugo!

I told Nanay Melda about what happened while ginagamot ako. Nilagyan nya muna ng pinigang malunggay, ang sakit at mahapdi! I haven't felt this in years!

I forgot na may first aid kit pala ako. Kinuha ko na muna at pinagamot na ang maayos. Nawawala yung pagiging strong independent woman ko pag kasama ko si Nanay.

Bumalik na ako sa hut namin at sa kwarto na lang ako matutulog. Nakita ko si Ice sa sala, nakaupo.

Patayo na sya papunta sakin pero umiwas ako, the hell he is after nya akong pag-tripan! Haynako, itutulog ko na lang to, so sleepy!

--

ICE'S POV

Yes, yes I know. Nasobrahan ako sa ginawa ko. I feel so bad. Kinamusta ko sya through Nanay.

Anak, bakit mo naman ginawa yun? Alam mo ba na ginawa mo na din yan sa classmate mo noon?

Wala akong naalala na may ginawa akong ganun, well maybe dahil bata pa ako nun.

Hindi ko maalala kung anong grade ka noon, o baka kinder ka pa noon? Naglalambitin sa sanga yung classmate mo na babae tapos hinila mo pababa. Namaga ang braso sa lakas ng bagsak nya.

Lagi mo sya kinukwento sa akin na crush mo sya, kaya nga nagtaka ako bakit mo yun ginawa sa kanya. Mabuti na lang mabait ang mga magulang ng bata pero nalagot ka sa bahay, pinaluhod ka ng mama mo sa asin!

Oo nga, naalala ko na!

Alam mo sandali, hindi ko alam kung konek ito hijo ha pero...

May gusto ka na ba kay Victoria?

Hindi ako nakapag salita. Ang tagal ng katahimikan.

Iniba na lang nya yung usapan, na ginamot na daw nya yung sugat nya at medyo malalim nga daw. I don't know kung anong sorry ang gagawin ko.

Anak, kilala kita. Kung itutuloy mo man ang nararamdaman mo, siguraduhin mo kung ano ang laman nyan. Ayoko masaktan siya. Madami na syang pinagdaanan sa buhay, at hanggang doon na lang sana yon.

Tumalikod na si Nanay at hindi na nya ako pinagsalita pa.

Ayoko na masaktan sya. Pero ginawa ko naman, physically. I am not sure of my feelings yet but I know that I like her.

--

TORI'S POV

Nagising ako sa lamig ng hangin sa labas. Hindi na masama ang view ko sa kuwarto, hinawi ko lang yung kurtina at ang laki pala ng bintana nila.

Dito muna ako nagpalipas ng maghapon, sabay na din ng paglipas ng init ng ulo. You know, I easily forgive people naman. So maybe later, mapatawad ko din sya. Ano ba naman ang sugat kung gagaling naman kaysa masira ang friendship namin right?

But of course, kailangan nyang bumawi sa akin. Ano yun, ganun ganun na lang? Ano ako hilo? Haha!

Tinawag ako ni ate para mag meryenda na daw. May malaking bilao sa papag, may banana que, favorite kong kamote que at maruya, may cassava cake din tsaka egg pie na binili namin sa bus stop. May kasama ding buko juice! Naku, kung ganito ba dito palagi baka tamarin na ako bumalik sa trabaho, dito na lang ako!

Sarap mag meryenda sa ilalim ng puno, tapos yung simoy ng hangin, feel na feel ko ang nature! Too sad 3 days 2 nights lang kami.

--

ICE'S POV

Sorry kanina, I went overboard.

Oo, okay na yun.

Sure ka, okay na yun?

Oo nga! Slight lang hahaha!

Alam ko na yan...

I know, I know. Kasalanan ko naman, so kahit ano pa yang kalokohan na nasa isip nya, I'll accept it. Compared to what happened naman sa kanya, I deserve it.

Katatapos lang ng meryenda namin nung dumating  si Nanay kasama ang mga helper, may dalang mga isda. Nag volunteer agad si Tori na mag tanggal ng kaliskis at hasang. Tinawag naman ako ni mama para mag baga ng ihawan. Pagtapos nya mag linis ng isda, nilagyan nya na ng stuffings at bumalik muna sa kubo para makipag kwentuhan kila ate.

Heto namang si ate, buhay doña ngayon, palibhasa kasama ang shota, pero okay na yan. Minsan lang naman sya mag hayahay, sa hirap ng trabaho nya doon makapag pundar lang ng maliit na sakahan para kila mama; at in fairness naman dito kay Alastair, mahilig mag usisa at magtanong kung may maitutulong ba sya. Masaya ako kasi maswerte sila na nakita nila ang isa't isa.

Why don't you pursue her?

What do you mean?

I'm not blind, I know you like her. The way you look at her...

Ganun na ba ako ka obvious?

Kiara said that you guys have known each other for so long.

I'm afraid that I might ruin their friendship, you know...

Love is like a gamble, right?

Umalis na sya para pumunta kila ate. Ako naman nag papaypay ng ihawan hanggang maluto ang mga isda. Ayoko muna yun isipin. Hindi ko pa alam gagawin ko, I'm still not sure about my feelings.

--

Lumalim na ang gabi. Nag aya silang mag inom. Nagpabili si Alastair ng alak and his favorite is the Pale Pilsen one. Sila mama sosyal, nag wine na dala nilang mag shota. Si Nanay Melda nauna nang natulog sa amin. Si Tori naman akala ata nya malakas syang uminom, nag red horse ang magaling.

Nasa bonfire lang kami, nag kukwentuhan. After 1 hour, nag aya na si papa kay mama na matulog na sila. Kami na lang apat naiwan.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon