Confession

1 0 0
                                    

TORI'S POV

Tahimik lang kaming dalawang nanunuod ng sunset. Ang ganda ng araw ngayon. I've seen many sunsets in my lifetime pero hindi nakakasawa. As we all know, Philippines hindi papadaig sa pagandahan ng sunset.

Kakamasid at picture ko sa araw, di ko namalayan nawala pala sa tabi ko si Ice. Baka naghanap ng magandang place to take a picture so hinayaan ko na lang. Lumubog na lang ang araw, hindi ko parin sya makita. Sila ate wala rin, hindi ko ma-contact. Baka nauna na si Ice sa room, hindi ko rin sya ma-contact. Ano ba nangyayari sa mga kasama ko? Umuwi na rin ako at nilalamig na ako.

--

Nakita ko yung mesa, may mga pagkain pero fastfood from different chains like pizza, burger and chicken. Sakto, nagugutom na ako but nagbihis muna ako.

I tried to contact them but no to avail. Finally, may nag reply na sa mga texts ko - si Ice. Lumabas lang daw sya sandali para maghabol ng pagkain.

Sorry, hindi na ako nagpaalam kanina. Sumama ang tyan ko kanina, then low battery ako. Kaya para makabawi, I bought your favorites. Sorry.

Hindi naman nya kailangan gawin yun, valid naman ang reason nya.

Kumain na kami at gutom na talaga ako. I asked him about ate. Sabi nya hindi daw sila uuwi ngayon at may kasamang mga friends ni Alastair, dun daw muna sila sa place nila mag overnight. Nailang tuloy ako bigla, kami lang ni Ice nandito.

--

Matutulog na sana ako nung kumatok sa pinto si Ice.

Pwede mo ba ako samahang uminom?

He gave me a drink at nag inom na kami. Tahimik lang kaming dalawa habang umiinom. This time, naubusan na ako ng kwento dahil lagi naman kami magkasama these past few days, but sya, hindi mapakali.

Huy Ice, okay ka lang ba? Does anything bother you? May nangyari ba kila ate?

No, don't worry okay sila ate. It's just that...

Ano? May sakit ka ba?

Hinawakan ko ang noo nya to check his temperature.

Wala naman eh.

He grabbed my hand.

I like you Victoria.

--

ICE'S POV

I like you very much.

Finally, nilabas ko na rin. The weight from my chest has finally lifted. Bumitaw sya sa kamay ko. I understand. Bad timing yata ako.

I know.

'I know'?

Hindi naman ako manhid nor tanga Ice. I can feel it naman, and thank you for your admiration. But, it feels so awkward lang kasi we're friends for so long tapos ganito?

I apologized to her but sinabi nya na okay lang. Sinabi ko din na kung iiwas na ba ako.

Bakit ka naman iiwas? May sinabi ako?

After nun, ang tahimik lang namin. Pero bago matulog, sabi nya pag usapan na lang daw namin bukas, baka daw kasi dahil nakainom lang ako. Kung alam lang nya, hindi ako nagbibiro, at kahit pa hindi ako nakainom, I am 100% sure that I like her!

--

Good morning! Do you remember what you said last night?

Of course, that I like you.

So, seryoso ka pala talaga?

Oo naman! Napa lasing man or hindi, I'm sure of it!

Hindi na sya nakapag salita pa. Bumalik sya sa kwarto while I prepare the breakfast, I called for room service na lang. Sila ate wala parin, baka raw after lunch na lang sila babalik. Ang awkward tuloy. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko, pero wala nang atrasan, nandito na 'to.

Kumain na kami ng almusal then she said...

I admire you. But that does not mean like... like, love. You know that, it's a different thing.

Napaka straight forward nya. I asked kung pwede ko ba syang ligawan, she said yes kaagad. We like each other yes, but that does not mean na maging kampante na ako. Some of our colleagues secretly likes her pero hindi sila nag attempt na magparamdam dahil feel nila na mataas ang standards nya which I thought so too. May mga nabago ng konti but she's a very simple person.

I was trying not to smile sa narinig ko. To be admired is a big thing na rin for me coming from her pero di ko maitago. Natatawa na lang sya.

Sus Ice! Parang yun lang, lumaki na ang ulo! Naku!

Of course, big deal yun. I'm way ahead of others, at feel ko na may pag asa ako sa kanya. I regretted na tumingin pa ako sa malayo. Sana kung mas malakas lang ang loob ko noon, nandyan na sya sa harap ko after all this time! ...edi sana hindi na ako nasaktan pa.

---

TORI'S POV

Ang bilis ng araw, back to reality na kaagad kami! Ate will get married na. Natupad ang dream nya to be with his first and last love na rare na lang these days.

Pagbalik namin sa trabaho, busy as usual. Dinaanan na nga ako ni Nanay Melda sa isang resto malapit sa airport kasama ang anak nya. Pauwi na ako and sila rin. Pero hindi ko sya masasamahan sa bahay nila Ice kasi may pasok ako kinabukasan. Sumama sa kanya ang anak nya at may aasikasuhin raw.

Months passed, maybe you will ask if Ice pursue courting me. Oo naman. Nagkataon lang na non stop ang flight at dahil na rin siguro bakasyon ng mga students. May mga delayed as usual but always working on it. Pag may time na bago sya mag duty at nasa bahay lang ako, dadaan sya kahit sandali para bigyan ako ng pagkain at aalis agad. May weeks pa nga na hindi kami nagkikita kaya pag nangyayari yun, bigla na lang may kakatok sa bahay at may deliver daw ako ng flowers or fast food. He always chat me also at medyo cringe, or hindi lang siguro ako sanay because I didn't get it kay Dave, but Ice is very sweet.

In speaking of Dave, heto na nga at kinukulit ako. Bakit daw hindi na ako nagpapakita. I told him pag pasukan na ulit ng mga students saka na medyo gagaan ang schedule ko. Magkita raw kami pag okay na lahat or friendship over na. Nakakalokang mga baklang 'to, napaka demanding!

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon