Push

5 0 0
                                    

ICE'S POV

What the hell am I thinking? Hindi kami pwede ni Tori, I treat her as my younger sister mula nung nagkakilala kami. Close sila ni ate, what if may nangyaring hindi maganda sa amin kung sakaling maging kami? Edi sira din friendship nila? I don't want that to happen.

But... But, why?

Pag magkasama kami sa trabaho, I feel so energized? Pag nagala kami, pag nasa apartment sya, pinagpapawisan ako kahit ang lamig lamig? Bakit ako kinakabahan tuwing tinitignan nya ako?

I told you before, yung mata nya, kakaiba, parang laging makinang o minsan nagpapaawa. I'm melting deep inside.

Sabi ko rin dati, hindi ko sya type.

...kinain ko na yata ang sinabi ko noon.

--

TORI'S POV

I went to the president's office to commend me daw for my job well done while on flight. Maliit na bagay lang yun kung tutuusin. I did that before pero wala namang nangyaring ganito.

Turns out, CEO ng isang cosmetics company ang mommy na inasikaso ko. Ilang days daw sa NICU si baby Victoria dahil medyo napaaga daw ang pagpaanak sa kanya. Kuwento ni Mrs. Medrano, bigla na lang syang ninerbyos nung malapit na sa airport, she didn't expect na lalabas na si baby. Gusto kasi sa hometown nya si baby manganak. Buti okay na si baby.

Inabutan nya ako ng mga products nya. Ang dami grabe!

Don't share that ha? Lahat yan especially for you, yung skintone mo, lip color and all, compatible sa products which I personally selected. Meron din naman mga kasamahan mo. I hope you like it!

I am so so thankful kay Ma'am. She even get my number to call me pag bibinyagan na si baby.

May mga make up, sabon, hair products, may manicure set pa, yung iba hindi ako familiar, mga serums, etc. Nakakatuwa kasi I have this one item nila na ginagamit ko which is yung facial foam at limang piraso ang meron sa box! I cannot! Kinilig ako sa tuwa!

---


Kahit ilagay mo pa yan sa buong katawan mo, panget ka pa rin!

If I know, gandang ganda ka sakin, in denial ka lang!

Hindi nagbabago yung ugali neto ni Ice, ang salbahe, lagi na lang ako inaasar, kung di unano, panget. Hmp!

Dito kami ngayon sa kanila, may dala akong maliit na maleta, pupunta kami sa farm nila. Hay salamat! I love my job, but I want to see fields naman up close, nakaka umay din puro eroplano!

Susunduin daw kami ni ate dito sa apartment ni Ice. Medyo malaki ang apartment nya, may sariling kuwarto unlike me naka divide lang ang kwarto at sala pero okay lang, ayaw ko ng malaki kung ako lang naman mag isa. I even ask him bakit malaki yung na rent nya.

Natahimik sya. I know the answer. Iniba ko ang usapan.

Nakapunta ka na ba doon sa farm ni ate?

Di pa nga e. Ngayon lang ako nagka time.

Dumating na si ate, nagdala sya ng pagkain, kumain daw muna kami. Maya-maya dumating si British boyfriend. After kumain umalis agad kami.

--

ICE'S POV

Nag rent si ate ng van papunta doon para lahat raw kami makapag pahinga. Nagulat nga ako nung niyakap ni Tori si Nanay Melda pagbukas ng sasakyan. She's really happy to see her.

Namiss kita Nay! Sorry po hindi na tayo nakakalabas.

We didn't know na close pala sila ni Nanay. Tinanong namin kung kailan pa sila namamasyal dalawa. Sinagot lang kami ng...

Secret!

Tawa sila ng tawa at nag catching up na rin. Ako natulog na muna, kulang kasi ako sa tulog.

--

Uy, bakulaw, gising na!

Baliw to, tinawag pa akong bakulaw! Pagdilat ng mata ko...

Rise and shine! Tara, nandito na tayo!

Wow, ang ganda ng view... Este ng farm!

She pull out my things outside, bumangon agad ako para pigilan sya, kinuha ko din mga gamit nila ni Nanay, ayaw ko yata sya magbibit ng mabigat aba!

This is the first time na makikita nila Mama at Papa si Alastair. Nag handa sila ng boodle fight, natuwa siya kasi he likes boodle fight daw.

Si Tori, busy naman sa bag nya. Kaya pala nag maleta, may mga ibibigay kila mama, mugs galing abroad and souvenir shirts. May extra pa syang shirts para daw sa mga kasama nilang farmers. Tori wag kang ganyan, I'm trying not to fall in love with you!

--

TORI'S POV

Buti na lang talaga I joined them, if only I could inhale lahat ng hangin dito sa farm! Walang usok tsaka ingay maliban sa mga tractor tsaka poultry animals. Alam nyo ba na I really like the smell of poultry? Yung manukan? I don't know, maybe I'm really weird.

May smaller hut sila maliban pa sa main house kung saan nandoon mga parents nya. They made this for the guests. Si Nanay, doon kila Tita mautulog, while ang lovebirds as usual na iisang kuwarto.

Sige, ikaw na dyan sa isang room. Dito na lang ako sa sala.

Ay dapat lang, like, eww!

I really enjoyed boodle fight! Ngayon lang ulit ako nabusog ng ganito, lumaki ng konti tyan ko. Kung ganito ba naman yung pagkain, mananaba talaga ako!

Yan, di ka makahinga ano? Pataba ka, para magmukha kang gasul!

Aba pasmado talaga bibig nito ni Ice e. Mabuti nga kinaltukan ni ate.

Inaya ako ni ate sa may ilalim ng mga puno, may isang duyan na malaki doon ako pumwesto. Sakto siesta, wala naman daw gagawin kaya matutulog na muna ako.

--

ICE'S POV

Natatakot na ako sa nai-imagine ko. I'm already thinking of buying a farm land or small beach property with a huge tree at magtatayo ng duyan. Yung isa malaki na pwedeng tulugan at yung isa is gulong na pwedeng iduyan ng mga bata...

Nang dahil lang sa pagtulog nya sa ilalim ng puno kung anu-ano na naiisip ko!

Hey! What are you even thinking? Natutulog yung tao tapos ihuhulog mo sa duyan? Aaaarrrgh!!!

Ngayon ko lang sya narinig na ganun, yung boses ng galit. Sino ba naman kasi nagsabing gawin ko yun?

I was trying to turn myself off to her. Ayaw ko na mag grow ang feelings ko. I made it para magalit sya sakin at iwasan ako.

Tanga ka Ice? Tanga ka? How far your jokes and pranks can do? Mag sorry ka ha tangina ka.

At ngayon lang din ako nakatikim ng malakas na suntok kay ate sa braso. Hindi nga maganda yung ginawa ko, it's way too much. Paano ako makakabawi ngayon?

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon