Juice

2 0 0
                                    

TORI'S POV

Honestly, it's hard to move on, well, for now kasi fresh pa. And to think na hindi pala babae ang kalaban ko, mas masakit. Ginawa lang nya akong pang front for everyone. I actually texted Stef para balitaan sya about what happened that day but she didn't reply at all. I instantly changed my number and nag hanap ng ibang libangan.

Wala akong ginawa throughout the relationship kundi intindihin sya, unawain na busy sya sa studies nya, lots of tests, group projects daw here and there. I'm cheering him to have excellent grades which he did naman. Kahit madalang kami magkita, happy ako at least he still have time for me. But why? Of all people, ako pa talagang nagawa nyang gaguhin ha?

--

Nagpabili ako ng bike kila Mom kasi may bagong park malapit sa amin. Every weekend morning ako pumupunta dun and gradually, kahit paano gumagaan na ang feeling ko. I met new friends na din na bikers from other subdivisions, inaaya nila ako na mag bike sa malalayong lugar pero tumanggi muna ako. Hindi pa kaya ng katawan ko, mahirap na mabigla ako.

--

Days before ng tour, nasa bahay ako nila ate. Umuuwi na lang ako ng bahay para magdilig. Wala kasi parents ko for a week, nasa parents sila ni Dad. As usual, okay lang sa akin, it's their time to enjoy themselves, at ang sweet right? Literally couple goals to travel together.

Favor sakin na dito sa kanila muna for days kasi hindi ako mag iisip pa ng uulamin, lalo na nandito si Nanay Melda! Spoiled ako ni Nanay kaysa sa mga alaga nya. Ang sarap talaga nya magluto! I suddenly miss Lola sa side ni Mom. Noong bata pa ako, every vacay nasa kanila ako and lahat ng niluluto nya, kinakain ko. Hindi naman ako mapili sa pagkain, naka mulatan kong kumain ng healthy foods dahil may garden sila doon at may mga fruit bearing trees. Na-miss ko tuloy ang buhay probinsiya.

Gusto mo ba nano, dalhin ko na lahat ng gamit mo dito? Feel na feel at home ka na masyado.

Binatukan ni ate si Ice. Haha buti nga sa kanya, parang sya di ganun pag nasa bahay namin.

And here we are, nasa bus na kami for the tour! Excited na ako super! Kasama ko mga girl friends ko and first time na may 2d1n tour ang uni. Ang tagal nga lang ni ate Cheese mag ayos, akala nga namin as in kami na lang ni Ice ang hinihintay.

Fast forward dahil tulog naman ako buong byahe, we had our breakfast sa history filled themed restaurant. Then pasyal with kuwento from kuya tour guide. Philippines got rich history, culture and especially food na kayang-kaya natin makipag sabayan sa ibang bansa. We are so underrated. Dahil na rin siguro third world country tayo, majority is worried about their safety too. It's their loss kung hindi susubukan ng mga tourists na pumunta dito. But then, nakaka happy to know na dumadami sa kanila chose to retire and live in Pinas for good.

We're here na sa beach, our last stop for the day. Bukas may konting tour ulit and after lunch uuwi na kami. Dinala agad namin sa assigned rooms ang mga gamit namin at lumabas agad to see the sunset. The best sunset talaga ang Pinas!

We had dinner, na sobrang sarap! Maybe for you I'm exaggerating pero no, masarap talaga. Sulit na sulit ang binayad namin, from the learnings, to food and now, sa beer!

After dinner, nag games kami and the owner introduced their beers, 8 kinds ito from mild to hard, and we have 2 vouchers to try them. I chose 6 and 7.

Yung mga kasama ko sa room, pumasok na sa loob kasi nilalamig na raw sila. Well me, I'm always ready, nag pyjamas and jacket ako, tsaka may beer naman maya-maya iinit din.

Nasa harap ako ng bonfire, I love the heat it gives pati na itong iniinom ko. Unti-unti nang umaalis mga kasama ko sa bonfire. Nag tagal pa ako kasi literal na nasa harap lang kuwarto yung bonfire.

Tumigil si Ice at nakipag kuwenthan. Hindi kami madalas magkuwentuhan ng matagal kasi nga lagi naming kasama si ate at sya ang mas madaldal saming tatlo. Ako, medyo may tama na kaya sumusobra na ang kuwento ko.

I spilled na I still can't move on kay Dave. Well, maybe mga 25% na lang, maybe I just need closure pero paano ako magkaka closure sa gay? If I know, baka masaya na yun kasi open na sila both sides and obviously naka move on na.

Wala na halos apoy, bumalik ka na sa room nyo, mamaya lalamig na.

Ayaw ko pang pumasok, isa pa inuubos ko last beer ko. I'm trying not to feel tipsy until tumayo ako. Hinila na nga ako ni Ice para pumasok na sa loob, ayaw ko pa nga, kaya natumba kami. Nasa taas nya ako but tumayo agad ako. Biglang nawala ang tama ko at pumasok na ng kuwarto. Ang awkward!

The next day, inagahan ko ang gising ko to enjoy the last hours namin sa beach. Hinayaan kami ng mga prof na mag swim and whatever we like, 11 am nag lunch and sumakay na ng bus to go home. May iilang bus stops kaming dinaanan and I bought some pasalubong para sa parents ko.

--

Weeks passed, dumaan si Stefany sa bahay. She apologized sa ginawa ng kuya nya.

Be, hindi dapat ikaw ang mag apologize.

I felt guilty ate, since high school sya, I really feel that there's something different about him. I think I have this gay radar. Pero di ko na lang pinansin kasi he's playing guy games naman, he likes girls too. His room is very manly. But all of that kunwari lang pala. Nadamay ka pa tuloy sa kalokohan nya, just to cover himself. I didn't believe in my instincts, sana di na nangyari to. Sorry talaga ate. I know hindi to tama or hindi madali pero please I hope na maka move on ka kaagad.

Hindi na sya nag tagal at nag iwan ng fresh orange juice. Baka nakwento ni Dave na favorite ko yun.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon