Alone

1 0 0
                                    

TORI'S POV

After ng tour namin, unti-unti hanggang sa dumami, ewan ko ba... Hindi naman ako ang pinaka magandang babae sa uni pero gusto nilang manligaw. After nang nangyari kay Dave, nawalan na ako ng interes magka boyfriend, well, for now. I promised na mag aaral na lang muna ako.

Hindi ako pumapayag na manligaw sila pero they keep on giving things. Nung una, madaming flowers, ayoko nun kasi malalanta rin, sayang ang pera. Kahit ilagay ko pa sa vase yan, I'm just delaying their death. Hetong mga baliw kong girlfriends, sinabi na wag na daw nila magbigay ng bulaklak, chocolates na lang daw na sila sila ang nakikinabang, lalo na si ate Cheese, pag sabay kami ng uwi or nasa bahay sila, naghahalungkat ng bag or una nyang titignan ang ref, sabay kuha ng chocolates.

Naku ate, may gayuma yan! Ikaw rin ma-inlove ka sa nanliligaw sa kanya haha!

Linawin ko lang sa inyo ha, hindi ko sila pinapayagan, hindi rin ako ang tumatanggap ng mga yan, yung tropa ang nakuha ng mga yan kala mo may mga patago sa mga yun.

Okay sige na nga, meron akong natitipuhan, si Marius. Accountancy ang course nya. Pogi sya tsaka matangkad, maputi tapos makapal ang kilay. Ewan ko ba, attracted ako sa mga makakapal ang kilay. Officer din sya sa college nila.

Nag sesend sya ng letters through his friends. Akalain mo yun, sa panahon ngayon, may nagbibigay padin?

Madami ang sa iyo ay nakatingin, lagi na lang may lumalapit.
Sinusubukan kang kamustahin, ngunit tingin mo pa lamang, dila ko'y namimilipit.

Hindi man ngayon ang ating panahon, ako ay umaasang isang araw, tayo ay magtagpo.
Kung hindi man palarin, ako ay masaya parin, dahil minsan sa buhay ko, ikaw ay nakilala ko.

Ahh, medyo sablay ang tula nya pero, kinikilig ako! Bibihira na lang ang mag effort ng ganyan ngayon. Kahit hindi ako mag write back, he make sure na may letter sya sa akin every week. Yun nga lang, bago matapos ang sem, tumigil sya sa pagbigay ng letters. Okay lang naman sakin, kasi kahit pa kinikilig ako sa kanya, I'm still firm to my word na hindi muna ako mag boyfriend hanggang makapag graduate.

--

Months passed, ang daming ganap! As usual, exams, individual and group projects. Minsan na lang din kami nakaka tambay sa bahay namin sila ate Cheese. Senior year na sya and nag OJT na rin.

Madalas si Mama and Dad sa bahay,  I'm happy of course. Pag uwi ko, hindi na ako mag iisip kung ano ang uulamin ko for the meantime, hindi rin muna ako kakain sa carinderia. Lagi pang may magdadala ng juice sa akin bago matulog, and to bring me saging every after meal. Nakakamiss din yung bonding namin na mag isang movie bago matulog. I asked them kung wala ba silang travel plans, ang sabi ni Dad wala daw for now.

Since nag early retirement sila, wala na silang ginawa kundi umalis ng bahay which I understand.

--

Sabado ngayon. Weekends ang rest day ni ate from her OJT pero ngayon lang sya nagkaroon ng time para magkita ulit kami dito sa bahay. Holiday rin kasi kahapon kaya walang office kaya I'm looking forward na mag movie marathon.

Nagpaalam ako kila mama para bumili ng pagkain namin mamaya, pancit canton, itlog, tsaka ham. May konting chichirya din na ako naman ang kakain para merienda, marami daw silang dala later e.

Malapit na ako sa bahay, nakakarinig ako ng sigawan malapit sa bahay. Hindi naman mahilig sa away yung mga kapitbahay namin. Tahimik nga dito samin banda. But familiar ang voice, sila mama at dad. I'm rushing mukhang may nangyari na sa kanila ng masama but no.

I heard my name, tumigil ako sa pagtakbo... Dahan-dahan naglalakad habang nakikinig sa usapan nila. How about me daw, mama said. What?

Ano po ang kailangan ko malaman? Ma? Dad?

...

Universe naman... These past few weeks, ang saya ko. Kasi we're complete. But why? May nagawa po ba akong masama para parusahan nyo ng ganito?

May mga sinasabi pa sila sa akin, but I refuse to listen. The voice are like murmuring, getting thinner, nagwewave ang hagdan. Pagdating ko sa kuwarto, bumuhos lahat ng luha ko. Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. They kept on knocking, but I don't want to hear from them anymore.

Kailan pa? 'Ang tagal-tagal?' Kailan pa sila naghiwalay? Kailan pa nila ako niloloko? Kailan pa sila nagkaroon ng kanya-kanyang buhay? So ganun ganun na lang yun? Naghiwalay sila? May partners na? I assume they're living in na? So those 'vacations' are going home to their partners? After all this time, iniiwan nila ako mag isa, they are leaving me? They are just acting for me so I can have the illusion of a perfect family?

After all this time, I am completely alone?

--

Weekend again, madalang na tumambay sila ate at Ice dito sa bahay. Balita ko, nagkakamabutihan na si Ice tsaka yung bagong girl nya, though I don't know kung fling or what, I don't care buhay nya naman yan, and hindi sya nag kukwento sa akin, kay ate lang so...

Nakapunta na pala yung girl sa bahay nila, and they seem to be close na already. Kaya rin siguro hindi na masyado tumatabay si ate dito. I understand, balang araw, if the destiny favors them, she will be their future sis-in-law kaya ngayon pa lang dapat magkasundo na sila.

Super daldal ni ate than usual, na si new girl is ganito, ganyan, she's a good cook, they have a lot in common too, and she feels na love na love nito si Ice. Good thing. And hopefully this time, it will work. Yung hindi tulad nung kay Maine dati, sana this time mas lumakas na ang loob nya and be more considerate sa feelings ni Marquise, the name of the girl.

Same uni, same course, hindi ko pa sya nakikita. Palakilala daw nya ako soon. Morning to afternoon kasi kami while sya, hapon until evening ang sched. Nag meet daw sila nung tour, pinakilala ng tropa nya.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon